What's new

Trivia Jehova ba ang tamang tawag sa Dios?

Sa Exodus 3:13-14 ay ating mababasa na nagpakilala Siyang “AKO NGA”

“ At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA”
Sa Isaias 57:15 ay atin naming mababasa na ang pangalan Niya ay “BANAL”

“ Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.”

Dito naman po sa Exodo 34:14 ay sinasabi na ang pangalan ng Dios ay “ MAPANIBUGHUIN”

“ Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:”

Sa Isaias 63:16 ay sinasabi na ang pangalan ng Dios ay “ AMA”

“Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.”

Dito naman sa Awit 68:4 ay sinasabi ng biblia na ang pangalan ng Dios ay “ Jah”

“Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.”

Maging sa Oseas 2:16 ay sinasabi din na ang Dios ay tatawaging “ ISHI”

“At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi, at hindi mo na ako tatawaging Baali.”

Ang mga ito at ang iba’t-ibang pangalan ng Dios na nakasulat sa biblia. Sa mga pangalang ito inihayag ng Dios ang Kaniyang sarili sa Kaniyang bayan. Siya ang Dios na nangangahulugang lakas o kapangyarihan. Sinasabi ng biblia na ang lupa ay natatag sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan (Jer.10:12). Siya ay tinatawag na Ama sapagkat sa Kaniya nagmula ang lahat ng bagay (1Cor.8:6) Siya’s tinatawag na Mapanibughuin, sapagkat hindi Siya pumapayag na maglingkod ang Kaniyang bayan sa ibang Dios(Exo.34:14-17).
Siya ay tatawaging ISHI na ang kahulugan ay “ aking asawa” upang ipakita ang kaugnayan Niya sa Kaniyang bayan. Ang Dios ay banal kaya marapat na Siya’y tawaging Banal (Lev.11:44).

Bukod sa iba’t-ibang pangalan ng Dios na atin nang nabanggit sa unahan nito, mayron pang pangalan ang Dios na hindi mabigkas, na masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo. Ang mga dalubhasa sa biblia ay nagpapatotoo:

“…….Kung gayon ang lalong karaniwang pangalan para sa pagka-Dios, ay Dios, ang pagkakasalin ng orihinal na Elohim. Ang karaniwang salita para sa Maestro ay Panginoon, kumakatawan sa Adonai. Mayroon pang ibang pangalan na tanging ukol lamang sa Dios, bilang tangi at angkop na pangalan, yaon ay ang apat na letrang YHWH. Tingnan ang Exodo 3 at Isaias 42:8. Ang pangalang ito ay hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa paggalang sa pagkasagrado ng banal na pangalan". (New American Standard Bible, U.S.A. Collins World, p.ix)
 
Mabasa nga sa KING JAMES VERSION kung sino yan hahahaha

13 And Moses said unto God, Behold, when I come unto the children of Israel, and shall say unto them, The God of your fathers hath sent me unto you; and they shall say to me, What is his name? what shall I say unto them? 14 And God said unto Moses, I AM THAT I AM: and he said, Thus shalt thou say unto the children of Israel, I AM hath sent me unto you. 15 And God said moreover unto Moses, Thus shalt thou say unto the children of Israel, Jehovah, the God of your fathers, the God of Abraham, the God of Isaac, and the God of Jacob, hath sent me unto you: this is my name for ever, and this is my memorial unto all generations. 16 Go, and gather the elders of Israel together, and say unto them, Jehovah, the God of your fathers, the God of Abraham, of Isaac, and of Jacob, appeared unto me, saying, I have surely visited you, and seen that which is done to you in Egypt:
-Exodus 3:13-16
 
Gentleman007

Juan 17:26

“AT IPINAKILALA KO SA KANILA ANG IYONG PANGALAN, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.”






May sinasabi si Cristo dito na:





“AT IPINAKILALA KO SA KANILA ANG IYONG PANGALAN”




Pero kahit na basahin mo ng paulit-ulit ang Bagong Tipan ay wala po tayong mababasa na may ipinakilala si JESUS na PANGALAN ang DIYOS na ang angkop na itawag ay Jehova Wala po tayong mababasa doon, ang madalas nating nababasa ang sinasabi niya ay:





“AKING AMA, INYONG AMA” [ Juan 20:17,17:3 ]





AMA ang itinatawag ng mga APOSTOL [1Cor.8:6] tungkol sa iisa at tunay na Diyos.


Kaya ang tamang itawag mo sa Dios ay Ama yun lang yun bro

Sana makatulong
 
[XX='SADRACH PHC, c: 917090, m: 1832433'][/XX] wala ka talaga mababasa Jehovah na pinakilala ni Jesus kasi english yun hebrew salita ni Jesus isa syang Judio nun... baka yung Jesus na english word.. hindi yan alam ni Jesus eh.. o Yeshua sa hebrew eh hahaha. Kulet.
 
Pero yung pangalan ng Diyos sa Hebrew na Tetragramaton o YHWH kaya ko patunayan na ginamit yan ni Jesus at ng mga apostol.
 
Hindi kilala ni Jesus si Jehova bro dahil inimbento nga lang yan

Ang AMA ang kinikilala ni Jesus na Dios
pati ang mga apostol ang Ama rin ang kilala nilang Dios

Kaya nga Ama any tawag nila sa Dios

Yung Jevoha hindi yan ang tunay na Dios bro
Hindi kilala yan ng mga apostol at maging ni Jesucristo

Lalo na ng mga taga unang tipan hindi nila kilala yan si Jehova bro

Yan talaga totoo bro
Sana makatulong
 
Hindi kilala ni Jesus si Jehova bro dahil inimbento nga lang yan

Ang AMA ang kinikilala ni Jesus na Dios
pati ang mga apostol ang Ama rin ang kilala nilang Dios

Kaya nga Ama any tawag nila sa Dios

Yung Jevoha hindi yan ang tunay na Dios bro
Hindi kilala yan ng mga apostol at maging ni Jesucristo

Lalo na ng mga taga unang tipan hindi nila kilala yan si Jehova bro

Yan talaga totoo bro
Sana makatulong
Ok.
 
Makapagbible reading na nga lang ulit ng King james version.. hehehe.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Screenshot_20210312-160541_Pixel_Launcher.png
 

Attachments

[XX='SADRACH PHC, c: 916953, m: 1832433'][/XX] basahin mo buong article nyan kung san lupalop mo nakuha saka ka bumalik dito sakin pag usapan natin.. hindi yung may konklusyon kana agad... 🤦🤣
 
@SADRACH PHC..basahin mo buong article nyan kung san lupalop mo nakuha saka ka bumalik dito sakin pag usapan natin.. hindi yung may konklusyon kana agad... 🤦🤣
ipaliwanag mo bro [USER@631158..Gentleman007[/USER] kung meron mali sa nilatag ko

Yun lang yun
ituwid mo kung may mali

Jan mo mapapatunayan mga napag aralan mo 😀
 

About this Thread

  • 186
    Replies
  • 6K
    Views
  • 33
    Participants
Last reply from:
Fury5048

Online statistics

Members online
1,227
Guests online
3,953
Total visitors
5,180
Back
Top