What's new

Closed "iwaglit ang padalos mong isip"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
e2666194d667fcc87763bfe18d7b5320--heartache-quotes-ignore-me.jpg


"Iwaglit ang padalos mong isip"


Minsan kailangan natin manghusga
Upang di tayo maloko sa umpisa
Maiwasan ang pagdalos na tiwala
Nang di na mulit-muling mapaasa

Kung minsan hindi masama
Kung paghusga mo'y di sadya
Tao ka rin lang naman gaya nila
May mga mali sa isip at gawa

Di natin kailangang kumplikaduhin
Ang magtiwala agad ay aanhin
Kung ito naman nilang sasayangin
Kaya dapat nating itong suriin

Hindi masama ang magtiwala
Hindi krimen kung ito'y magagawa
Alam naman natin ito ang susi
Upang ang relasyon ay magwagi

Hindi tiyak lahat ng desisyon
Nakasalalay ito sayong direksyon
Kung papaano mo patakbuhin ito
Nang di ka makaranas ng pagkaliko

Itutok mong mabuti ang iyong isip
Sumabay sa agos ng bawat ihip
Nang di ka mahirapan sa pagsagip
Sa di makaahon na iyong panaginip

Gawin mong tama ang bawat mali
Ihalintulad mo sa guro at mga gawi
Lahat natututo sa pagkakasawi
At dun mulit tayong babangon muli

Mali ka kung iisipin mo na di patas
Ang mundo natin ay may wakas
Kung kaya't iyong damhin
Ang mga negatibo ay iyong alisin

Huwag ka puro tanggap sa umaga
Bagkus gawin mo itong halimbawa
At magsaliksik kung paano nga ba
Ang di padalos-dalos sa nadarama


mad | pro

 
pero aanhin pa ang tiwala kung ang bawat kutob at hinala ay palaging tama :) hahaha jk. oi ang galing :)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.
Back
Top