What's new

Closed "itulak mo ako't hihilahin kita, nang mahulog tayo sa isa't-isa"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146

Untitled2.jpg



"Itulak mo ako't hilahin kita, nang mahulog tayo sa isa't-isa"



Di akalain, madaming bangin
Tila nagbabago, ihip ng hangin
Nang mga mata ko, biglang pagtingin
Nahulog pala ako, pati sa damdamin

Batid ko ang hirap, pati sa pag-ahon
Nang mahulog sayo, mahirap makabangon
Simula na nga ba, panibagong paghamon
Harapin ang bukas, sa pag-ibig nilamon

Hibang na yata, aking pagkatao
Pati sa pagtulog, apektado ako
Sa dami ng salita, sa isip liriko
Parang isang awitin, hindi na hihinto

Itulak mo ako, at hihilahin kita
Wag mo kong sisihin, kung mahulog ka sinta
Pagkat ako lamang, nagulat nabigla
Pagtulak mo sakin, wag nang magtaka

Wag kang manisi, kahit pa na sino
Nang itulak mo ako, ikaw ang pasimuno
Ngayon ay sana, hindi ka magbago
Pangakong walang hanggan, di lalayo sayo



mahirap makawala sa pag-ibig
makapangyarihan ang dulot sa atin
walang araw o panahon ang makadidikta
dahil bawat oras at minuto nagmamahal ka
sa pamilya man o sa buhay trabaho
ang pagmamahal mo sa kapwa mo tao
bagay, lugar o kahit saan ka man
pag-ibig pa rin ang mananaig kailanman

nabuhay ka nang merong pag-ibig nila
magulang mo at maging pamilya
katangiang likas sa kanila
yan ang wagas at tangi sayong pamamana
madadala mo ito ng walang anumang lalagyan
mabibitbit mo ito ng walang sabitan
ito ang medalyang sayo nakabitin
medalyang pag-ibig na nasa puso natin



"don't stop loving. even it will hurt you"

Mad`PoetMotivator
 
sayong kagalingan napahanga ako,paglikha mong kayganda tunay n napahinto ang mundo ko napatitig sa mga gawa mo..aking namalas kagalingan mong taglay sa puso kong nalulumbay tunay na nagbigay ng munting kulay. naway ipagpatuloy iyong pagpapakitang gilas na sa tuwinay aming namamalas. saludo saiyo ang masasabi ko salamat sa mga makatang likha mo:)
 
sayong kagalingan napahanga ako,paglikha mong kayganda tunay n napahinto ang mundo ko napatitig sa mga gawa mo..aking namalas kagalingan mong taglay sa puso kong nalulumbay tunay na nagbigay ng munting kulay. naway ipagpatuloy iyong pagpapakitang gilas na sa tuwinay aming namamalas. saludo saiyo ang masasabi ko salamat sa mga makatang likha mo:)

aba antok na ako pero sa mga sinabi mo
parang ramdam ko.. gising ang diwa ko.
salamat sa matalinghagang kumento
yan ay babaunin ko sa mga susunod kong kuwento
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 13
    Replies
  • 532
    Views
  • 6
    Participants
Last reply from:
madpro

Online statistics

Members online
628
Guests online
6,715
Total visitors
7,343
Back
Top