What's new

Poems It's Gud 2 b in Lab

Hazama

Save me ✋
Elite
Joined
Aug 16, 2015
Posts
15,704
Solutions
5
Reaction
24,753
Points
5,739
di ko kaya nang wala ka parang tubig sa jug/
ikaw ang tipo ng babaeng nagpaibig sa thug/
sa katulad kong makata na aminado na maangas/
binihag ng pag-ibig mo at di na pinatakas/

ikaw ang hinahanap kong missing piece sa puzzle/
isang kindat mo lang napapa-freeze sa buzzer/
tibok ng puso ko ay parang beat ng drummer/
kapag narinig ang tinig mo n mala breeze pag summer/

bago mo ko husgahan you better listen to my rhyme/
handa akong maghintay kahit umabot ng lifetime/
pagkat alam mo bang from my heart you own me/
paniwalaan mong ikaw ang one and only/


kahit icheck mo pa ang aking inbox at phonebook/
ibibigay sayo kahit ang password sa facebook/
ang gusto ko lang sabihin, you dont have to worry/
ikaw lang ang babae na i want to marry/

kaya nagititiis kahit parang may insomnia/
mula ng umalis ka papunta ng california/
ay di ako bumitiw sa sumpa na binitawan/
kaya hanggang ngayon walang dalagang niligawan/

kung meron mang better sayong ex, I am/
lagi akong nanyan thru text or YM/
upang i-comfort ka na parang sa likod hinihimas/
at muli ka ng mayakap pag-uwi sa Pilipinas/


kahit pinaghiwalay ng dagat ng Pasipiko/
ibibigay sayo lahat ng pag-ibig ko/
at kahit na madalas tayong mag-away bati/
kasi di magkatugma ang oras dyan sa tate/

ay nandyan ka pa din to communicate in hours/
kahit di ka nabibigyan ng chocolate and flowers/
at ang layo ng miles is not an issue at all/
basta kausap ka sa webcam, international call/

ako'y binago mo girl from worse to better/
pinapangako kong i'm yours forever/
you're at the top of my list, and no one's above it/
it's good to be in love and no doubts about it/

sana mabasa nya Yimpskie

Professora Akira
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top