What's new

Closed Isang pangako ng pagmamahal sa dalawang katauhan

Status
Not open for further replies.

Man of Steel _18

Eternal Poster
Joined
Jan 24, 2017
Posts
394
Reaction
296
Points
300
Isang Pangako ng Pagmamahal sa Dalawang Katauhan
Ni Lui urgino

Marahang pumatak sa aking kanang mata ang mainit-init pang luha na dinulot ng pangyayaring hindi ko inaasahan.
Sariwang sariwa pa ang hapdi at sakit ng sabihin mong kailangan na nating maghiwalay ng lubusan.
Saksi ang punong mangga sa likod ng ating silid aralan.
Niyakap mo ako ng mahigpit sabay sabi ng "pasensya na, ngunit kailangan muna kitang iwan.
Mahal kita pero, hindi pa pwede... Sa ngayon". Ginantihan ko ng aking pinakamahigpit na yakap ang kanyang pagpapa-alam.
"Pangako, kapag pwede na pupuntahan kita. Ibibigay ko ang buong puso ko pati na ang aking kaluluwa", ang sabi ko sa kanya.
Nabalot ng malulungkot na sandali ang paligid, nang siya ay tuluyan ng umalis.
Baon-baon niya ang aking pangako na pinanghahawakan niya ng labis.
Sa pagdaan ng panahon, nawala ang komunikasyon.
Ang dating "kamusta na kaya siya", ngayon ay " kilala pa kaya ako 'non?".a
Matagal ng naghihintay upang pangako ko'y sa wakas ay panindigan, ngunit bakit sa iba, puso ko'y muling nabuhayan.
Pinilit na umiwas ngunit sa mga mata niya ang naaalala ko'y ikaw.
Sa tuwing siya ay tumatawa ang naririnig ko'y ikaw.
Patawarin mo ako mahal, sa tagal ng iyong pagdating mukhang nakahanap na ako ng mamahalin.
Hindi ko maiwasang balikan ang ating masasayang ala-ala lalo na kapag kasama ko siya.
Siya ang aking kasama't kaharap ngunit bakit ikaw ang aking hinahanap.
Nadadama ko sa kanyang palad ang init ng pagmamahal, pasensya ka na mahal mukhang pangako ko sa'yo ay aking naisugal.
Sa babaeng kaharap ko ngayon sa altar, puso't kaluluwa ko'y ibibigay.
Heto at ako'y muli na namang nangangako na mamahalin ang babaeng kaharap ko sa pang habangbuhay.
Ang sarap pagmasdan kanyang mala-anghel na mukha sa suot niyang bistida, mga mata nyang mapupungay at labi niyang maputla.
Sa hudyat ng pari sa wakas ay akin ka na, lumapit ang aking labi upang sa wakas y mahagkan na kita.
Ngunit ang kaninang masayang babae sa aking harapan ay tila isang lantang gulay ng aking muling nasulyapan. Bumagsak sa aking bisig ako'y naguguluhan.
Kasabay ng alingawngaw ng wang wang ang mabilis na pagpintig ng aking ******. Hindi mo man lamang sinabi na may sakit kang kinikim-kim.
Wag kang mag-alala mahal, magiging maayos din ang lahat. Hawakan mo lamang ang aking kamay, nandito lamang ako, ako ang iyong karamay.
Ilang araw na ang nagtatagal ngunit buhay mo'y unti unting natutunaw. Para bang kandila na upod na at ano-mang sandali ay maaaring mapundi.
Ang kailangan mo'y malusog na puso upang buhay mo ay madagdagan, ngunit saan ako hahanap mahal kung lahat ay madumi't makasalanan.
Isang babaeng pasulyap-sulyap ang aking nasisilayan, kanina pa nandun sa pinto hindi ko maintindihan.
Heto ako't nakaluhod, nananalangin mga problema'y padaliin ngunit isang himala nang may isang babae na sa akin ay nagpakita.
Isang baso ng kape ang bitbit niya, tamang tama sa nanlalamig at nanlalambot kong sikmura.
Tumayo sa pagkakaluhod at akmang magpapasalamat ngunit saan ka pupunta, nais kong magpakilala.
Ang kanyang galaw ay pamilyar, ang kanyang buhok ay sumasayaw. Kasabay ng yabag ng kanyang paa ang kabog ng aking ******. Sino ka ba talaga, nais kitang makilala.
Bigla na lamng nanlambot ang aking tuhod ng tawagin ako ng taga-gamot. Ang aking minamahal daw ay hayun at naghihingalo. Bagong puso'y ngayon na kailangan, sandali mahal handa na akong ibigay ang akin.
Nang walang ano-ano'y may paparating na magandang anunsyo. May nagmagandabg loob daw na sa aking mahal ay ibigay ang puso.
Muling nabuhayan ang loob ko, nagulat na lamang ako nang may iabot sa aking papel at mula daw ito sa nagmagandang loob na nagbigay ng kanyang puso para sa aking mahal.

"Mahal kong Ernesto, kay tagal kitang hinanap at hinintay
Hindi ko sukat akalain na dito magtatapos ang aking buhay
Nagpapasalamat ako dahil may pumuno sa mga pagkukulang ko sa iyo
Sa mga panahong nanlalamig ka at kailangan mo ang yakap ko
Ang saya saya kong pinagmamasdan ang iyong mga ngiti habang kasama mo siya
Nais kong lumapit ngunit ako'y naga-alinlangan na baka mapahiya at masaktan pa
Sa kabilang banda sa iyong bawat pag ngiti kasama siya ay luha ang kapalit nito sa akin,
Nais kong ibalik muli ang matamis na dating tayo
Ngunit mukhang mas masaya ka na sa ngayon, sa ibang tao.
Hindi mo man pansin ngunit lagi akong nakatingin,
Nakukuntento na lamang sa pagmamasid sa iyo, sa inyo.
Sa araw ng inyong kasal, masaya akong nasulyapan ang pinaka matamis mong mga ngiti
Hindi ko pa nakikita nang ganoon ka-kinang ang iyong mata nang araw na iyon.
Nang dumating sa punto na lahat ay nagkakagulo at ang iyong bago ay humandusay sa iyong bisig ako ay nabalisa,
Nagmadali ako upang maghanap ng tulong upang ang iyong bagong kabiyak ay maisalba.
Nawala ang dating matamis mong nga ngiti
Na sobrang nagpabigat sa aking damdamin
Nais kong lumapit ngunit baka lalo lamang kitang mapahirapan.
Heto at may dala akong kape para sa'yo
Ginawa ko ito para lamang sa'yo bago pa man ako magpaalam.
Maraming salamat

credits to sir Luijie
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top