Kung ikukumpara mo ang mga di-perpektong gawa ng tao sa mga perpektong gawa ng Diyos ay mas komplikado unawain yan. Bago ko sagutin ang tanong mo isa alang-alang muna natin ang ilang mga punto. Gusto kong focus muna tayo kung paano tayo nilalang ng Diyos. HINDI layunin ng Diyos na mamatay ang tao. Nilalang niya ang ating unang mga magulang, sina Adan at Eva, na perpekto ang isip at katawan; buháy pa sana sila hanggang ngayon. Ang kaso sinuway nila ang Utos ng Diyos kaya eto ngayon tayo tumatanda, nagkakasakit at namamatay. Kung sinunod lang sana nila Adan at Eva ang Diyos perpekto sana tayo ngayon at namumuhay ng payapa. Kung ikukumpara ang di-perpektong gawa sa perpektong gawa malinaw naman ang pagkakaiba dba?
Bigay pa ako ng ebidensya doon naman sa mga hindi nakikita tulad ng hangin, gravity, amoy at tunog. Hindi natin nakikita mga yan pero alam natin na umiiral sila. Ganun din sa pag-iral ng Diyos.
Isa din sa ebidensya ay ang
Kalawakan. Ang mga astronomo ay walang masumpungang puno’t-dulo sa kalawakan. Habang lumalayo ang kanilang pagsusuri sa sansinukob, lalo lamang itong lumalawak. Hindi nila tinatanggihan ang ipinakikita ng ebidensiya; marami ang tumutukoy sa kalawakan bilang walang-hanggan. Ang ganito ring simulain ay kumakapit sa pag-iral ng Diyos.
Alin ang higit na makatuwiran—na ang sansinukob ay produkto ng isang buháy, matalinong Maylikha? o na ito’y lumitaw lamang nang hindi sinasadya mula sa isang walang-buhay na pinagmulan nang walang matalinong pamamatnubay? Tinatanggap ng marami ang huling palagayin sapagka’t ang paniniwala sa naiiba rito ay mangangahulugan na dapat nilang kilalanin ang pag-iral ng isang Maylikha na may mga katangiang hindi nila lubusang nauunawaan. Subali’t ang mga siyentipiko ay hindi lubusang nakakaunawa sa pagkilos ng mga
gene na nasa loob ng buháy na mga selula at na ang mga ito ay nagpapasiya kung papaano tutubo ang mga selula. Ni nauunawaan kaya nila ang pagkilos ng utak ng tao. Gayunma’y sino ang tatanggi sa pag-iral ng mga ito? Dapat ba nating asahan na maunawaan ang lahat tungkol sa isang Persona na napakadakila anupa’t napaiiral niya ang sansinukob, lakip na ang masalimuot na disenyo at dambuhalang laki nito?
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.