What's new

IS GOD REAL?

i agree this will be an infinite discussion. pero masasagot naman po ito sa ibang usapin na naman. ang kasagutang may kinalaman sa napapaloob sa bibliya. ayokong sagutin kasi magiging out of topic tayo nito. pero sa katanungan ng evidence na may Diyos ba talaga base sa mga nakikita? Sino nga ba ang nagtatag ng batas ng mga bagay ng kalawakan na sila ay gagalaw ayun sa itinakda sa kanila ng kung sinumang maylikha? ang nag utos sa araw na ikaw ay magbibigay liwanag sa umaga at ang buwan naman sa gabi na magsisilbing tanglaw? at ang batas na ito ay hindi nagbabago. nagkataon lang ba ito o may nagpapagalaw nito? Kung meron man marahil ito ay napakamakapangyarihang elemento, persona, o enerhiya. at naniniwala ako na ang Diyos ang may gawa nito?
 
Kung ikukumpara mo ang mga di-perpektong gawa ng tao sa mga perpektong gawa ng Diyos ay mas komplikado unawain yan. Bago ko sagutin ang tanong mo isa alang-alang muna natin ang ilang mga punto. Gusto kong focus muna tayo kung paano tayo nilalang ng Diyos. HINDI layunin ng Diyos na mamatay ang tao. Nilalang niya ang ating unang mga magulang, sina Adan at Eva, na perpekto ang isip at katawan; buháy pa sana sila hanggang ngayon. Ang kaso sinuway nila ang Utos ng Diyos kaya eto ngayon tayo tumatanda, nagkakasakit at namamatay. Kung sinunod lang sana nila Adan at Eva ang Diyos perpekto sana tayo ngayon at namumuhay ng payapa. Kung ikukumpara ang di-perpektong gawa sa perpektong gawa malinaw naman ang pagkakaiba dba?

Bigay pa ako ng ebidensya doon naman sa mga hindi nakikita tulad ng hangin, gravity, amoy at tunog. Hindi natin nakikita mga yan pero alam natin na umiiral sila. Ganun din sa pag-iral ng Diyos.

Isa din sa ebidensya ay ang Kalawakan. Ang mga astronomo ay walang masumpungang puno’t-dulo sa kalawakan. Habang lumalayo ang kanilang pagsusuri sa sansinukob, lalo lamang itong lumalawak. Hindi nila tinatanggihan ang ipinakikita ng ebidensiya; marami ang tumutukoy sa kalawakan bilang walang-hanggan. Ang ganito ring simulain ay kumakapit sa pag-iral ng Diyos.

Alin ang higit na makatuwiran—na ang sansinukob ay produkto ng isang buháy, matalinong Maylikha? o na ito’y lumitaw lamang nang hindi sinasadya mula sa isang walang-buhay na pinagmulan nang walang matalinong pamamatnubay? Tinatanggap ng marami ang huling palagayin sapagka’t ang paniniwala sa naiiba rito ay mangangahulugan na dapat nilang kilalanin ang pag-iral ng isang Maylikha na may mga katangiang hindi nila lubusang nauunawaan. Subali’t ang mga siyentipiko ay hindi lubusang nakakaunawa sa pagkilos ng mga gene na nasa loob ng buháy na mga selula at na ang mga ito ay nagpapasiya kung papaano tutubo ang mga selula. Ni nauunawaan kaya nila ang pagkilos ng utak ng tao. Gayunma’y sino ang tatanggi sa pag-iral ng mga ito? Dapat ba nating asahan na maunawaan ang lahat tungkol sa isang Persona na napakadakila anupa’t napaiiral niya ang sansinukob, lakip na ang masalimuot na disenyo at dambuhalang laki nito?


You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
[XX='prepaidwifi, c: 1274522, m: 988501'][/XX] You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. He also existed before there were any other intelligent beings, he existed alone first. He could not have been created; nothing was in existence that could have created him.
 
Yeah, I know that it's not as simple as calling it as gut instinct or inner voice. But I only termed the "unidentified" or the "unknown" in ways only reachable to human perspective. I don't define them literally. This should be common sense, but it appears to me that you haven't got any. We don't just pop out of nowhere. Surely, there must be someone (or "something", if that satisfies you) that created us. Light wouldn't emanate without any source. Humans will not form without going through a process of growth. Therefore, the universe is created by a creator, whether taking in human form or not. And calling the creator as God is no big issue, for the dictionary defines it supreme. Without a creator, nothing exists. Without us, humans as creators, the phones that we're using to communicate with people in long distances will never exist, roads will not be paved with asphalt, books will not be produced, etc.
Ur the one who said na thats the "simplest explanation and now nag-double back ka saying its not that simple...so ano talaga???

Just because i dont agree with most of what u said meant u can insult me and tell me i dont have any common sense... If thats how u wanna argue ur point then ur making this exchange less constructive...

Tama ka like i said na we dont know or unknown or undefined... Kaso dudugtungan mo agad ng ung "unknown" na un is ung creator?? Like how?? How did u jump from something unknown..from something na most people would say eh beyond our comprehension and suddenly insert god??

I never said we just "popped out of nowhere"... Pero since u mentioned that we didnt ..can u prove it?? Prove to me na we didnt just popped out of nowhere?? Kagaya ng sinabi ko na prove first na "created" nga ang lahat.... Ur jumping to ur conclusion na agad eh ..
1. We didnt just popped out of nowhere.
2. Therefore, the universe is created by a creator, whether taking in human form or not

Prove the first premise to be true first bago ka magjump sa kasunod..

And lets say i grant you yan na god is the supreme being, the creator of everything.... Bakit andaming flaws sa creation nea??? Does that mean that he's not that good of a creator?? What makes him supreme then??
 
While I admit that religion divides us, the fact that its belief on the creation is something you should note. Religion has nothing to do with people on their desire to do bad. The idea of religion is to constitute peace. Don't blame religion, blame the people who tainted its definition by doing bad.
Creation??? Un nga ang point ko eh...iba iba ng beliefs... Iba iba din ang creation myths across different religions...are un saying noteworthy lahat ng creation myths??? Or are we just talking about the creation myth na u happened to believe in??

Kita mo yan.. di mo man lang inacknowledge na may mga bad things na nangyari din because of religion...isisi mo agad na nasa tao ang problema...na nasa tao ang kasamaan... Then what does that say about ur god's power over mankind kung nag eexists pa din ang kasamaan despite sa influence ng god at ng religion???

I never blamed religion...i said people can do bad things..religious or not.... atleast i acknowledge ung flaw sa human nature natin...u on the other hand cant even do the same sa religion or sa god mo at isisi mo sa tao agad...

Pero wait .ano nga ba sabi mo?? Without the creator nothing will exist?? He created everything.... So kung susundin ang logic mo then ung desire sa kasamaan or evil eh nagmula sa creator mo... Tama ba?? Kung sasabihin mo naman na hindi galing kay creator mo yan then things can pala can exists outside ng creator mo....hmmmmmm.....
 
Kung ikukumpara mo ang mga di-perpektong gawa ng tao sa mga perpektong gawa ng Diyos ay mas komplikado unawain yan. Bago ko sagutin ang tanong mo isa alang-alang muna natin ang ilang mga punto. Gusto kong focus muna tayo kung paano tayo nilalang ng Diyos. HINDI layunin ng Diyos na mamatay ang tao. Nilalang niya ang ating unang mga magulang, sina Adan at Eva, na perpekto ang isip at katawan; buháy pa sana sila hanggang ngayon. Ang kaso sinuway nila ang Utos ng Diyos kaya eto ngayon tayo tumatanda, nagkakasakit at namamatay. Kung sinunod lang sana nila Adan at Eva ang Diyos perpekto sana tayo ngayon at namumuhay ng payapa. Kung ikukumpara ang di-perpektong gawa sa perpektong gawa malinaw naman ang pagkakaiba dba?

Bigay pa ako ng ebidensya doon naman sa mga hindi nakikita tulad ng hangin, gravity, amoy at tunog. Hindi natin nakikita mga yan pero alam natin na umiiral sila. Ganun din sa pag-iral ng Diyos.

Isa din sa ebidensya ay ang Kalawakan. Ang mga astronomo ay walang masumpungang puno’t-dulo sa kalawakan. Habang lumalayo ang kanilang pagsusuri sa sansinukob, lalo lamang itong lumalawak. Hindi nila tinatanggihan ang ipinakikita ng ebidensiya; marami ang tumutukoy sa kalawakan bilang walang-hanggan. Ang ganito ring simulain ay kumakapit sa pag-iral ng Diyos.

Alin ang higit na makatuwiran—na ang sansinukob ay produkto ng isang buháy, matalinong Maylikha? o na ito’y lumitaw lamang nang hindi sinasadya mula sa isang walang-buhay na pinagmulan nang walang matalinong pamamatnubay? Tinatanggap ng marami ang huling palagayin sapagka’t ang paniniwala sa naiiba rito ay mangangahulugan na dapat nilang kilalanin ang pag-iral ng isang Maylikha na may mga katangiang hindi nila lubusang nauunawaan. Subali’t ang mga siyentipiko ay hindi lubusang nakakaunawa sa pagkilos ng mga gene na nasa loob ng buháy na mga selula at na ang mga ito ay nagpapasiya kung papaano tutubo ang mga selula. Ni nauunawaan kaya nila ang pagkilos ng utak ng tao. Gayunma’y sino ang tatanggi sa pag-iral ng mga ito? Dapat ba nating asahan na maunawaan ang lahat tungkol sa isang Persona na napakadakila anupa’t napaiiral niya ang sansinukob, lakip na ang masalimuot na disenyo at dambuhalang laki nito?


You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Dito lang ako magfocus ha.. etu naman ung pinaguusapan natin so far..sabi mo:

"Nilalang niya ang ating unang mga magulang, sina Adan at Eva, na perpekto ang isip at katawan;"..

If thats the case na perpekto sila then bakit sila nagkasala?? They failed eh, so they are not perfect ..they are not created perfect.... And god cudve known that.. and alam ko nman argument nyo about what god knows or choose to not know..pero still ..failed creation na umpisa pa lang ..

And after genesis sandamakmak na kwento na kung san mankind failed god ang pinarusahan ni god...well known na ung sa flood....when in fact sa story na un na isang pamilya na lang ang natira and yet ang succeeding generations pa din eh flawed.... Thats a cycle of imperfect creation paps
 
God is made by the people to control the people. There are thousands of versions of gods. Matter of fact most of u are semi-atheist, you do not believe to other gods, because your god is perfect and the one true god, the same thing the other people think. If god is real, why are we alone, why are we limited to one specie, why are we limited to one planet. Why god created viruses and homosexuals.
 

Kung Sakdal si Adan, Bakit Siya Nagkasala?

Naging posible para kay Adan na magkasala dahil nilalang siya ng Diyos na may kalayaang magpasiya. Ang regalong ito ay hindi naman salungat sa katotohanan na sakdal si Adan. Sa katunayan, ang Diyos lamang ang sakdal sa ganap na diwa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Limitado ang kasakdalan ng isang tao o ng isang bagay. At nagiging sakdal lamang ang isang bagay depende sa layunin nito.

Kung gayon, sa anong layunin nilalang ng Diyos si Adan? Layunin ng Diyos na sa pamamagitan ni Adan, magkaroon ng isang lahi ng matatalinong tao na may kalayaang magpasiya. Kung nais ng mga tao na malinang ang pag-ibig sa Diyos at sa kaniyang mga daan, maipakikita nila ito sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniyang mga utos. Samakatuwid, ang pagiging masunurin ng isa ay hindi nakaprograma sa kaisipan ng tao kundi magmumula ito sa puso. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya kung walang kakayahan si Adan na sumuway, nangangahulugan itong may kulang sa kaniya—hindi siya sakdal. Paano ba ginamit ni Adan ang kaniyang kalayaang magpasiya? Ipinakikita sa ulat ng Bibliya na tinularan niya ang kaniyang asawa at sinuway ang utos ng Diyos may kinalaman sa “punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.”You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kung gayon, nilalang ba ng Diyos si Adan na may kahinaan sa moral anupat wala siyang kakayahang magpasiya nang tama o labanan ang tukso? Bago pa sumuway si Adan, sinuri na ng Diyos na Jehova ang lahat ng kaniyang nilalang sa lupa, kasama na ang unang mag-asawa, at nakita niyang ito ay “napakabuti.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya nang magkasala si Adan, hindi ito nangangahulugan na may depekto sa pagkakalalang sa kaniya, kundi si Adan mismo ang dapat sisihin. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Si Adan ay walang tunay na pag-ibig sa Diyos at sa matuwid na mga simulain kaya hindi siya naudyukan na sundin ang Diyos nang higit sa lahat.

Pansinin din noong nasa lupa si Jesus, sakdal siya gaya ni Adan. Pero di-tulad ng mga inapo ni Adan, ipinaglihi si Jesus sa pamamagitan ng banal na espiritu kaya may kakayahan siyang labanan ang anumang tukso. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Si Jesus ay nagpasiyang manatiling tapat sa kaniyang Ama sa kabila ng pinakamatitinding pagsubok. Ginamit naman ni Adan ang kaniyang kalayaang magpasiya at sinuway ang utos ni Jehova, kaya siya mismo ang may pananagutan sa ginawa niyang iyon.

Pero bakit pinili ni Adan na sumuway sa Diyos? Naniniwala ba siya na mapabubuti niya sa paanuman ang kaniyang kalagayan? Hindi, dahil isinulat ni apostol Pablo na “si Adan ay hindi nalinlang.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayunman, pumayag si Adan sa kagustuhan ng kaniyang asawa, na mas piniling kumain mula sa ipinagbabawal na puno. Mas gusto ni Adan na paluguran ang kaniyang asawa kaysa sumunod sa kaniyang Maylalang. Kaya nang alukin siya ng ipinagbabawal na bunga, dapat sana’y pinag-isipan muna ni Adan kung ano ang magiging epekto ng kaniyang pagsuway sa kaugnayan niya sa Diyos. Dahil wala siyang masidhi at di-nagmamaliw na pag-ibig sa Diyos, madaling nadaig si Adan ng pagsubok, pati na ng panggigipit ng kaniyang asawa.

Nagkasala si Adan bago pa siya naging ama, kaya lahat ng kaniyang inapo ay ipinanganak na di-sakdal. Pero tulad ni Adan, mayroon din tayong kalayaang magpasiya. Nawa’y bulay-bulayin natin at pahalagahan ang kabutihan ni Jehova at patibayin ang ating pag-ibig sa Diyos, na karapat-dapat nating sundin at sambahin.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
isa lng masasabi ko, kung totoo yan kahit na walang maniwala totoo talaga, pero pag belief lng na walang katotohanan, kahit gaano pa karami ang naniniwala wala parin yang katotohanan. same lng yan ng science, walang paki kung maniwala ka o hindi dahil totoo yan kahit di ka maniwala. yang god sa bible kahit gaano mo pa paniniwalaan, hanggang sa belief lng kayo kasi wala nmn yang proven evidence, kawawa naman ang god sa bible na kailangan pa nya gumamit ng taong mag poprove na totoo sya, at kung totoo yang god ng bible, dapat alam nya ang exact na history at future mula sa kung paano ginawa ang solar system at ang magiging future nito, at sana may binanggit na mga DNA, cells, chromosome, at about sa outer space, hindi yung sabihing flat ang earth, ang araw nilikha sa ika apat na araw, at everything about slaves, torture, rape, witches, magic, unicorn, etc. kung meron pamang naniniwala sa mga ganyan ngayon at nakapagtapos na ng pag aaral, bka ipa legit check nyo muna TOR at diploma nyo. ako para sa akin kahit na totoo pa yang god sa bible, there's no way na sasamba ako, I've seen enough na, wala nang pa heaven2x pa o ano pmn, tama na ang buhay natin dito sa earth, wala nang part 2, at kung meron mn, I'm sure na yang sinasabing heaven ang pina ka boring na lugar. ibig ko lng sabihin na kung meron man god, dapat ang tinuturo ay kung paano mka survive sa future, paano mamuhay ng peaceful hindi yung tulad ng bible nyo na walang ibang alam kung di end of the earth, jesus is coming, prepare for rapture, etc.. napakalaking wrong,
 
i dont want to urge with this issue pero paps i suggest if you want to know God, look for somebody na may great knowledge para makilala mo ng husto si God?mahalin mo ang Diyos, ramdamin mo ang kanyang presence, at hanapin mo sya. and i will tell you...masasagot yang mga katanungan mo. Totoo maraming tinatawag na Diyos pero may isa at tunay na Diyos.
 
paps choice nyo po yan at walang makahahadlang. pero regarding po dun sa sinasabi nyong dapat itinuturo sa bible kung pano makasurvive sa future, mamuhay ng payapa lahat po ng mga iyon ay nakasulat doon at na sa iyo ang lubos na pag unawa. its not about the end of the world lang. do not focus sa iisang talata. sometimes or most of the time we need someone na may mataas na kaalaman about dito para ipaliwanag sa atin ng lubos ang mga bagay na mahirap intindihin ng ating limitadong kaisipan. look for the beauty in it. And this I think if I can teach people to be grateful, we can have an amazing world where negativity could not grow and foster and children will have smile on their faces.
 
[XX='xxtrancexx, c: 1277382, m: 1162483'][/XX] yes we can have amazing world, lalo nat without religion. hindi naman ang god ng bible ang nakakatakot kundi yung mga bulag na supporters ng religion na sunod sunoran lang sa mga taong gumawa ng diyos. kung walang tao wala rin yang diyos. kung tutuusin kung may religion lng pati mga hayos, tayong mga tao sana ang devil nila.
 
what if gawa-gawa lang ng demonyo si jesus tas palabasin na sya yung daan sa diyos para sambahin natin sya then mapupunta tayo sa impyerno dahil pagsubok lang ng diyos kung sasamba ba tayo kay jesus
 
the bible itself is not an evidence for the existence of God

the agnostic argument is: we cannot disproved the existence of god


but saying that we have no way to disproved God does nothing to prove that it does exist.

now what your looking for is evidence my answer is: THERE IS NO SINGLE EVIDENCE

the big problem with the idea of the existence of all poweful, most compasionate, timeless, changeless Creator is, its just Unfalsifiable claim.

It means that it can’t be disproved.

Unfalsifiable claims lacks water,
it hold no merit without evidence.

we can compare God with Santa Claus or leprechauns, it has no strong testable, verifiable and repeatable evidence.

God is theistic failed hyphothesis,
the religionists intellectual laziness theory of everything
 
Sinong god ang tinutukoy mo boss? More than 8000-12000 ang sinasamba ng ibat ibang tao dito sa mundo? Si flying spaghetti monster ba. Oo totoo po yun si flying spaghetti monster kase nakita ko sya sa panaginip ko.
 
si white, blond with blue eyes jesus in the middle east yata tinutukoy nila, na pinangalanang john, na may 12 na apostolate na nag ngangalang si peter, andrew, james, john, philip etc. na katulad rin na nsa middle east din nka tira, kasama nagpapakain ng 5000 ka tao mula lamang sa ilang peraso ng tinapay at dried fish. sa dami ng tao na pinakain ay para rin syang mayroong microphone dahil naririnig siya kahit subrang dami 5000, samantalang ngayon kahit 100 lng sa klasroom di na mka rinig nasa back seat, anyway bilib din ako na hanggang ngayon mayroon paring nasa wasto nang pag iisip ang naniniwala pa ng mga ito.
 

Similar threads

Back
Top