- Joined
- Oct 13, 2017
- Posts
- 26,008
- Solutions
- 6
- Reaction
- 66,589
- Points
- 16,673
Minsan mas pinili nating itago ang totoong nararamdaman,
lalo na't takot tayong masaktan,
Pilit tayong humahanap ng dahilan,
upang ito ay ating mapagtakpan.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw,
may nananaig at nangingibabaw
na mga pangamba,
at takot na baka mawala kapa,
mas gugustuhin mo pa bang ikubli na lamang?
at pairalin ang iyong kaduwagan?
Baka paggising mo ika'y mamulat,
at ang damdaming nag aalab mapapalitan
na ng mga kirot at sugat,
mas pipiliin mo bang lumisan sya?
at duon na sasaya sa iba?
Hangga't may pagkakataon kapa,
huwag kang mag alinlangang sabihin,
ang tunay na bugso ng iyong damdamin,
malay mo may pag asa ka pa,
kapag sa kanya'y nagtapat ka na.
~Professora Akira~
lalo na't takot tayong masaktan,
Pilit tayong humahanap ng dahilan,
upang ito ay ating mapagtakpan.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw,
may nananaig at nangingibabaw
na mga pangamba,
at takot na baka mawala kapa,
mas gugustuhin mo pa bang ikubli na lamang?
at pairalin ang iyong kaduwagan?
Baka paggising mo ika'y mamulat,
at ang damdaming nag aalab mapapalitan
na ng mga kirot at sugat,
mas pipiliin mo bang lumisan sya?
at duon na sasaya sa iba?
Hangga't may pagkakataon kapa,
huwag kang mag alinlangang sabihin,
ang tunay na bugso ng iyong damdamin,
malay mo may pag asa ka pa,
kapag sa kanya'y nagtapat ka na.
~Professora Akira~