What's new

Closed "iniibig kita"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
boyfriend-break-up-broken-broken-heart-_Favim.com-1963142.jpg






"Iniibig kita"


Minsan na akong umibig
Totoo ngunit ako'y bigo
Nasaktan ng aking sinubok
Pinakinggan tibok ng puso

Sariwa pa ma'y gusto nang lumimot
Itong aking pusong masalimuot
Na dapat sana'y nagbubunyi
Ng kasiyahan at ng ngiti

Di ko alam kung pano uli
Magsimulang umibig muli
Pagkat puso'y nagliligalig
Sa nakaraang puno ng hapdi

Nawalan ako ng pag-asa
Muling ako'y muling lumigaya
Bawat takbo ng aking buhay
Iwas sa pag-ibig, pumapatnubay

Ngunit ako'y muling sumigla
Pagkat nang kita'y nakilala
Di ko nais ika'y mabigla
Ngayong umaga, iniibig kita.


MABAGSIK NA LIKHA NI:
Mad`ThePoetMotivator
 

Attachments

Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top