What's new

Implementing Rules and Regulations of Sim Card Registration Act

Master Korin

Eternal Poster
Established
Joined
Nov 5, 2014
Posts
717
Solutions
8
Reaction
315
Points
313
Last Monday, December 5, ako nakiisa at sumama sa mga umatend sa ginanap na virtual public hearing regarding the IRR of the Sim Card Registration Act. At ito ang mga keynotes regarding what was discussed.

  • Sim Card registration act signed by PBBM last October 2022. By December 12, ilalabas na ang final Implementing Rules and Regulations and by December 27, 2022 ang simula ng acutal implementation ng batas at registration ng mga simcards.
  • Initial registration ng mga simcards ay kailangan within 180 days (hanggang April 26, 2023) at maaring iextend ng DICT by 120 days (if possible, August 24, 2023) if needed. Kung sa pagkakataon at hindi makakapagregister si End user idedeactivate ng network ang SIM Card at binibigyan sya ng 5 days para macomply ang registration. After nito ang lahat ng bagong SIM Card ay kinakailangan na iregistro.
  • Online / electronically ang registration. ang PTE (Globe, Smart at Dito) ay kailangan magkaroon ng website / platform para sa registration. Free of Charge. Hindi na pupunta sa kung saan saan upang magparegistro ng SIM Cards.
  • Sa mga malalayong lugar, pagtutulungtulungan ng PTEs, at iba pang attached agencies tulad ng DILG, DICT at even Deped para sa implementation ng batas.
  • REQUIRED ang mga sumusunod na detalye, Pangalan, Birthday, Gender at Address ng end user. Needed din magupload ang user ng Valid ID para sa pagberpika ng mga datos. Nasa baba ang ibang mga detalye at mga IDs na kailangan. HINDI istostore ng PTEs ang ID.
  • Kailangan ipaalam sa Network kung meron mga pagbabago sa paggamit ng nasabing sim card. E.g. kung ibibigay o ipapagamit sa iba ang nasabing sim card.
  • Ang mga foreigners na gagamit ng SIM Cards na galing dito sa Pinas ay required mag registered.
  • May karapmatang parusa ang mga mapapatunayan na mag spoof o magbibigay ng maling impormasyon para makapag register lamang ng SIM Card. (list of penalties ay nasa baba)
Dumalo ang iba't ibang stake holders tulad ng mga PTEs (Globe, Smart at Dito) mga government agencies, mga NGOs (Kadamay, UNCHR, Bayan Muna, etc.) at mga kagaya namin na pribadong mamamayan. Sa pagpupulong nilinaw ang mga sumusunod.

  • Ang SIM mismo ang nireregistro. Sa usapang technical, ICCID serial at ang nakaattach na mobile number nito.
  • Tanging korte lamang sa pamamagitan ng court order o subpenas, o sa kahilingan ng subsciber ang may karapatang makahingi ng datos ng user ng nasabing sim sa PTEs.
  • Sinisiguro na naayon sa Data Privacy Act ang isasagawang SIM Card registration. (paulit ulit itong napagusapan)
  • Ang PTEs ang magproproseso ng initial at updating ng mga registrations ng mga SIM Card na kanilang inissue. Kahit na ito ay sim replacement ay kailangan mag undergo sa simcard registration.
  • Ang postpaid subscribers ay kinakailangan na lamang icofirm ang kanilang pagkakakilanlan upang iregistro ang kanilang mga sim card.
  • Kung nawala ang nasabing sim card ay kailangan itong ipaalam agad sa PTEs ng end-user upang ipadectivated at kasama na dito ang kung sakaling mamamatay ang enduser ang immidiete family member ng enduser ay kinakailangan ipagbigay alam ito sa PTEs.
  • UNLIMITED o walang limit sa pagpaparegistro ng SIM. (walang one sim one person policy).
  • Ang mga minors na gumamit ng mga devices na may SIM ay required na irehistro on behalf ng kanilang mga parents o guardians ngunit kung sila ay magiging 18 anyos ay kailangan na ilipat sa kanilang pangalan ang nasabing SIM Card.
  • Kinakailangan na magkaroon ng plano ang mga PTEs sa pagproproseso ng mga registration. Alinsunod sa Draft IRR, maximum of 2 hours lamang dapat kung kumpleto ang inibigay na detalye ay maactivate na ang nasabing Sim Card.
  • WALANG EXEMPTED sa nasabing batas ultimo ang mga law enforcement units tulad ng PNP at mga Intel agencies ay required na magparegistro ng kanilang mga SIM.
  • Ang mga PTEs ay required na pangalagaan ang data ng mga end-user hanggang sa 10 taon matapos na madeactivate ang nasabing SIM Card.
  • Ang mga Roaming SIM (SIM Card ng galing abroad) ay hindi saklaw ng nasabing batas, ngunit ang mga siniguro ng mga PTEs na traceable ito at matutunton kung gumawa man ito ng hindi maganda.
  • Napagusapan din ang ukol sa mga kababayan natin na walang ID dahil wala pa ang National ID galing sa PSA, ayon sa NTC pwede naman gumamit ng ibang government-issued id kung wala ito.
Mga detalyeng hihingin sa registration

By individual (natural person) end-user:
(1) Full Name;​
(2) Date of Birth;​
(3) Gender;​
(4) Present/ Official Address (Choice by end-user);​
(5) Type of ID Presented; and​
(6) ID Number Presented.​
By juridical entity end-user:
(1) Business Name;​
(2) Business Address; and​
(3) Full Name of Authorized Signatory.​
By foreign national end-user:
(1) Full Name;​
(2) Nationality;​
(3) Passport Number;​
(4) Address in the Philippines; and​
(5) Type of Document Presented.​

Ang mga tinatangap na ID ay ang mga sumusunod

(i) Passport;​
(ii) Philippine Identification System ID, or the Philippine Identification Card;​
(iii) Social Security Service ID;​
(iv) Government Service Insurance System e-Card;​
(v) Driver’s License;​
(vi) National Bureau of Investigation clearance;​
(vii) Police clearance;​
(viii) Firearms’ License to Own and Possess ID;​
(ix) Professional Regulation Commission ID;​
(x) Integrated Bar of the Philippines ID;​
(xi) Overseas Workers Welfare Administration ID;​
(xii) Bureau of Internal Revenue ID;​
(xiii) Voter’s ID;​
(xiv) Senior Citizen’s card;​
(xv) Unified Multi-purpose Identification Card;​
(xvi) Persons with Disabilities card; or​
(xvii) Other valid government-issued ID with photo.​

Nilinaw ni Deputy Commissioner Edgardo V. Cabarios, ang mobile numbers (+63 XXX XXX-XXXX) ay limitado at ito ay pagmamay-ari ng estado ngunit ang sim card ang pagmamay-ari ng mga PTEs (ICCID) at ito ang syang ireregistro. Hindi na kailangan hanapin pa ang ICCID dahil alam na ito ng PTEs.

Final na kopya at opisyal na Implementing Rules and Regulations ng SIM Registration Law.
Memorandum Circular No. 001 -12-2022 You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

UPDATE: Para po sa kani kanilang mga website ng PTEs regarding sa registration
Globe: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Smart: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Dito: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Last edited:
Very informative!

Medyo matagal tagal narin akong walang idea sa mga nangyayari sa bansa natin. Siguro dahil busy rin ako sa personal quest ko.

But anyway...

Maraming salamat TS, at napakalinaw ng mga informations na nilagay mo dito. Malaking tulong ito sa mga members ng PHC community na hindi madalas nanunuod or nagbabasa ng NEWS.
 
Very informative!

Medyo matagal tagal narin akong walang idea sa mga nangyayari sa bansa natin. Siguro dahil busy rin ako sa personal quest ko.

But anyway...

Maraming salamat TS, at napakalinaw ng mga informations na nilagay mo dito. Malaking tulong ito sa mga members ng PHC community na hindi madalas nanunuod or nagbabasa ng NEWS.
maraming salamat din po. Madami kasi ang mga lumalabas na mga haka haka ukol sa Sim Card Registration Act. Mas mabuti na malinaw at klaro dahil para sa atin kabutihan naman itong batas na ito.
 
  • UNLIMITED o walang limit sa pagpaparegistro ng SIM. (walang one sim one person policy).
eto yung pinaka gusto kong malaman, ibig sabihin kung may 100 sims ako, pedeng pede ko lahat ipa-register sa pangalan ko, hindi masasayang... 😅
 
Malinaw na gusto lang talaga nila ma profile lahat nang tao at nakakainis na balita mas inuna nila yung ganito kaysa service nang network nila apaka walang kwentang batas sila lang naman mag benefits nyan tayo naman nilalagay nila sa alanganing lugar ang tanong dyan paano nalang pag na breach yang data natin good luck nalang talaga pilipinas.
 
Dapat marelease na lahat ng philsys ID bago matapos 180 days kase marami pang walang ID lalo sa mga nasa laylayan na di kayang magbayad para makakuha ng iba pang ID.
 
Dapat marelease na lahat ng philsys ID bago matapos 180 days kase marami pang walang ID lalo sa mga nasa laylayan na di kayang magbayad para makakuha ng iba pang ID.
nasaba ko sa news

“Out of the 111 million Filipinos, ang target lang natin would be 92 million. So from January 2023 to June 2023, yung balanse (the balance) which is about 62 million will be the target" - Marikina 2nd District Congresswoman Stella Quimbo

Pero duda ako sa PSA...

Read more: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
papel lang national id ko sino papel dito national id di ko alam kung iyon na yung id parang ako nalang mag papalaminate :D
 
Back
Top