What's new

Poems Ika'y Mahalaga

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,954
Solutions
6
Reaction
66,411
Points
16,634
Ika'y Mahalaga


Oo, ikaw ang bumabagabag sa aking isipan,
at sa bawat oras at gabing dumadaan,
ikaw lang laging laman,
ako nga ba ay sadyang tinamaan?


Aaminin ko akoy napagtripan mo na ng husto,
yung tipong naiinis ako pero sadyang iba ang
sinisigaw nitong puso,
di ko alam kong ito ba,'y isa lamang laro.


Unti-unti ng nasasanay sayo,

ang hirap pala pag laging ganito,
yung tipong di ka mapakali kahit
mawala ka lang ng ilang sandali,


Gusto ko ikaw ang laging nasisilayan,
at mga galaw mo ay minamasdan,
nasambit mo na yan minsan,
na kapag mahal mo mahirap pakawalan,


Totoo nga naman,naging parte kana ng aking kasalukuyan,
at mahirap ng kalimutan mga suyo't asaran,
parang ang bilis ng oras ,sa tuwing ikaw ay
nakakausap,
sana nga tama lahat ng hinala,
dahil nuong una pa lang kitang nakilala't nakita,
ako sayo ay lubos na humahanga,


Oo ,aaminin ko ,tama ka nga naman ,
Ikaw ay dapat na pinapahalagan at iniingatan,
Sapagkat ika'y ibang- iba
sa aking mga nakilala at para sa akin
ika'y mahalaga.



❤️ ~Professora Akira~❤️
 

Similar threads

Back
Top