What's new

Closed Hindi tapos at walang titulong tula

Status
Not open for further replies.

PHC - Prince Ellgrey17

Forum Veteran
Joined
Jul 22, 2017
Posts
2,508
Reaction
1,341
Points
954
AKO, yung lalaking matagal nang naghihintay
nangangarap dumating, isang IKAW sa'king buhay
araw at gabi, AKO ay nagtatanong
inaasam kong IKAW, saan kaya naroroon?

IKAW, isang babae na siya sanang pupuno
sa kulang ng aking buhay, mga puwang sa puso
ngunit saan nga ba, AKO ay tutungo?
sa malawak na mundo, upang TAYO ay magtagpo

sana ay iguhit, na ng kapalaran
tadhana kong ikaw, akin nang masilayan
ng mawala ang lumbay, mapawi nang tuluyan
at ang pusong nanabik, ligaya ang maramdaman

Ako at Ikaw, ikaw at ako
kailan ba papanain, ang ating mga puso
Itong si KUPIDO, ay di yata asintado
dahil hanggang ngayon, ay wala paring TAYO
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 5
    Replies
  • 481
    Views
  • 6
    Participants
Last reply from:
Nameless23

Online statistics

Members online
1,023
Guests online
5,251
Total visitors
6,274
Back
Top