What's new

Closed Hindi ba itinuturo ng Bibliya na masusunog sa apoy ang lupa?

Status
Not open for further replies.
Hindi basehan ang debate o pakikipagtalo para malaman ang tamang sagot. Dahil ang totoo umaasa lang tayo sa paliwanag ng mga matatalinong tao na pilit inaarok at inuunawa ang salita ng Diyos, na tulad din naman natin na hindi perpekto, na nagkakamali rin, na umaasa din sa sarili nilang pang unawa. Pero ni isa satin ay wala talagang kakayahan para maka usap ang Diyos at matanong kung ano ba talaga ang totoo. Maaring ang alam nating tama eh mali pala maaari ring ang hindi natin pinapaniwalaan tama pala. Dahil ang totoo Diyos lang talaga ang nakakaalam, ang magagawa lang natin ay manalangin at humingi ng sign sakanya. Maaaring tama ang sinasabi ni gentleman na hindi literal yung sinasabi ni jesus dahil ang kaisipan ng Diyos sabi nga eh parang balong malalim hindi kayang arukin ng pangkaraniwang tao lang, parang nakabaong kayamanan na kaylangan mong hukayin para matagpuan mo. Tulad ng panaginip ni paraon na hindi masagot ng matatalinong tao noon malibang ibigay ng Diyos ang sagot, tulad nalang ng mga ilustrasyon ni jesus na matalinghaga. Dahil kung papansinin nyo madalas magsalita si jesus sa hindi literal na paraan tulad nalang ng pagtuturo nya Tulad ng Diyos mahiwaga na miski ang syensya ay hindi kayang ipaliwanag. Maaari din namang literal talaga alin man don ang totoo hindi yon ang mahalga. Ang mahalaga eh kung totoo ba ang pinangakong paraiso, kung totoo nga hindi mahalaga kung sanba nya ilalagay yung paraiso nayon dahil kalooban nya ang masusunod hindi ang kalooban natin, wala tayong magagawa kung ilagay ng Diyos ang paraiso sa lupa man o sa langit dahil sya ang masusunod hindi tayo. Kaya walang saysay kung pagtatalunan panatin, dahil ang importante eh kung nakaayon ba tayo para mabuhay sa paraiso, dahil walang silbi ang nalalaman natin kung hindi naman tayo sinasang ayunan ng Diyos. Tandaan natin na sa panahon nating ito ngayon may nahahatulan ng walang sala dahil sa kakulangan ng kakayahan sa pagpapaliwanag, at may nakakalayang kriminal dahil sa galing ng abogadong magpaliwanag. Kaya wag tayong umasa sa tao umasa tayo sa Diyos patuloy tayong manalangin na patawarin tayo saating mga pagkakamali at pagkakasala, at patuloy tayong humingi ng patnubay upang maunawaan natin at masunod ang kanyang kalooban. Tulungan natin ang isat isa na mapalapit sa tunay na Diyos at hindi para humanap ng butas. Dahil lahat tayo may kanya kanyang pinapanigan, may kanya kanyang gustong paniwalaan, may kanya kanyang gustong manalo na ayaw magpatalo. Maliban nalang kung ang isa ay makausap ang Diyos ng mukhaan. Pwedeng may magsabi ng ganon, ang tanong may pruweba ba? Kaya wag tayong magmalaki o mag mayabang na alam na natin ang lahat, o sabihing mali ka tama ako dahil kalooban parin ng Diyos ang masusunod. Dahil wala naman ni isa saatin ang nandon nung panahong nagsalita si jesus, kung naandon tayo maari nating itanong sakanya kung anong ibig nyang sabihin. Marahil yung mga kausap nya don eh naiintindihan yung sinasabi ni jesus o maari din namang mali din sila ng pagkakaunawa sa sinasabi ni jesus, kung ano man Diyos lang talaga ang nakakaalam.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top