What's new

Closed Hindi ba itinuturo ng Bibliya na masusunog sa apoy ang lupa?

Status
Not open for further replies.
turo yan ng bibliya nasa sayo nalang kung papaniwalaan mo hahaha

“Itinatag [ng Diyos] ang lupa sa mga tatag na dako nito; hindi ito makikilos hanggang sa panahong walang takda, o magpakailanman.”You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa,
At titira sila roon magpakailanman.
-Awit 37:29
 
Simpleng isang salita di mo na gets ang buong pangungusap

Awit 37:29
Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa,
At titira sila roon magpakailanman.

Kung yan sinasabi sa awit 37.29 ay itong lupa na earth bakit hindi word na dito ang inilagay na word, bakit roon na word ang inilagay?

Meaning hindi yan dito sa lupa na earth kundi may tinutukoy dyan na lupa na naroon

Kabilang talaga ang religion mo sa mga false religion na umiiral sa mundo ngayon, how sad naman dahil membro ka dyan
 
Last edited by a moderator:
Simpleng isang salita di mo na gets ang buong pangungusap

Awit 37:29
Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa,
At titira sila roon magpakailanman.

Kung yan sinasabi sa awit 37.29 ay itong lupa na earth bakit hindi word na dito ang inilagay na word, bakit roon na word ang inilagay?

Meaning hindi yan dito sa lupa na earth kundi may tinutukoy dyan na lupa na naroon

Kabilang talaga ang religion mo sa mga false religion na umiiral sa mundo ngayon, how sad naman dahil membro ka dyan

Haahahahhaha
 
Last edited:
Sa wikang banyaga pa e "Using the same object against the subject you are defending?"

Paano kung hindi para sa ating panahon ang nakasaad sa Bibliya o maging sa dimensyong ito?

Hmmmmm, hintayin nalang natin kung magaganap nga yang mga yan. Peace out!
 
Last edited:
Haynako. Ito ang bagong pag haharian nila

Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.

Isaias 65:17
 
Ang mga SAKSI NI JEHOVA ay may kakaibang paniniwala tungkol sa nalalapit na muling pagparito ni Cristo na siya ring ARAW NG PAGHUHUKOM. Para sa kanila ang LUPA o ang DAIGDIG na ito ay hindi masisira kundi ito’y magiging BAGONG PARAISO. At madalas na iya’y makikita natin sa kanilang mga publikasyon (BANTAYAN at GUMISINGat iba pang mga aklat). Isang makulay at napagandang paraiso na kung saan ang mga tao ay maligaya, maamo ang mga hayop, at isang napakagandang daigdig na kung tawagin nga nila’y BAGONG KALAKARAN.
At siyempre upang makahikayat ng tao at patunayan na ang paniniwala nilang ito’y totoo, sila’y gumagamit din ng Biblia, bagamat walang mababasang tuwiran o diretsahan sa Biblia tungkol sa isangBAGONG PARAISONG DAIGDIG, ay may mga talata silang ginagamit na tumutukoy daw dito, narito ang isa:
Ecclesiastes 1:4 “Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; NGUNI'T ANG LUPA AY NANANATILI MAGPAKAILAN MAN.”
Ginagamit nila ang talatang ito upang patunayan na ang mundong ito diumano ay hindi WAWASAKIN ni JEHOVAH at ito’y gagawing isang BAGONG PARAISO.

Kaya nga ang mga matatapat na mga SAKSI raw na hindi kabilang sa 144,000 [mga tanging tao lamang na aakyat sa langit] ay magmamana ng LUPANG PARAISONG ito, at may ginagamit din sila siyempreng talata:
Mateo 5:5 “Mapapalad ang maaamo: sapagka't MAMANAHIN NILA ANG LUPA.”
Na iniuugnay din nila sa talatang ito:
Awit 37:29 “MAMANAHIN NG MATUWID ANG LUPAIN, at tatahan doon magpakailan man.”
Subalit kahit ang mga kaibigan nating mga SAKSI NI JEHOVAH ay hindi tututol na sa Biblia ay WALANG SALUNGATAN o WALANG KONTRADIKSIYON.
Bakit po natin nasabi iyon? kasi may sinabi ang PANGINOONG JESUCRISTO na ganito eh:
Mateo 24:35 “ANG LANGIT AT ANG LUPA AY LILIPAS, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.”
Kung ang LUPA AY LILIPAS sabi ni Cristo, bakit sabi sa Ecclesiastes 1:4 angLUPA AY MANANATILI? Hindi ba lalabas niyan na KINONTRA NI CRISTO ang sinabi sa aklat na iyon?


Subalit gaya nga ng ating nasabi na, na sa Biblia kailan man ay hindi magkakaroon ng KONTRADIKSIYON.
Samakatuwid ang tinutukoy ni CRISTO naLUPANG LILIPAS ay iba sa LUPANG sinasabi sa Ecclesiastes na LUPANG MANANATILI. Kasi nga kung sasabihin na pareho sila ng LUPA na tinutukoy lalabas ngayon na ito’y isang NAPAKALAKING SALUNGATAN o KONTRADIKSIYON.
Kaya ating liwanagin, alin ba iyong LUPA na binabanggit ni Cristo na lilipas, at papaano ba ito lilipas?
2 Pedro 3:10 “Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, AT ANG LUPA AT ANG MGA GAWANG NASA LUPA AY PAWANG MASUSUNOG.”
2 Pedro 3:7 “Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ANG LUPA, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay ININGATANG TALAGA SA APOY, NA ITINATAAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM AT NG PAGLIPOL SA MGA TAONG MASAMA.”

Maliwanag kung gayon na ang lupang tinutukoy ni Cristo na lilipas ay ang DAIGDIG na ito na ating tinitirhan ngayon, ito ay WAWASAKIN ng Diyos sa pamamagitan ng PAGSUNOG dito, na ito nga ay magaganap sa ARAW NG PAGHUHUKOM o iyong PAGLIPOL SA LAHAT NG TAONG MASAMA.
At ang sinabing ito ni Apostol Pedro ay suportado mismo ng Panginoong Diyos, ganito ang sabi sa aklat ng Propetang si Zefanias:
Zefanias 1:2 “AKING LUBOS NA LILIPULIN ANG LAHAT NA BAGAY SA IBABAW NG LUPA, SABI NG PANGINOON.”
Zefanias 1:3
“Aking lilipulin ang tao at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.”
Zefanias 1:14 “Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim.”
Zefanias 1:15 “Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,”
Zefanias 1:18 “Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ANG BUONG LUPAIN AY MASUSUPOK SA PAMAMAGITAN NG APOY NG KANIYANG PANINIBUGHO: SAPAGKA'T WAWAKASAN NIYA, OO, ISANG KAKILAKILABOT NA WAKAS, NILANG LAHAT NA NAGSISITAHAN SA LUPAIN.”

Kaya maliwanag na NAGKAMALI ng PAGKAUNAWA ang mga KAIBIGAN nating mga SAKSI NI JEHOVA. Maliwanag kung gayon na ang tinutukoy na LUPA NA MANANATILI ay HINDI ang DAIGDIG na ito, maliwanag na maliwanag na ang MUNDONG ITO AY WAWASAKIN AT WAWAKASAN NG DIYOS…ISANG MALINAW NA KATIBAYAN NA HINDI ITO ANG LUPANG TINUTUTUKOY NA MANANATILI SA Ecclesiastes 1:4.
Eh kung gayon ano iyong LUPANG MANANATILI na tinutukoy sa aklat ngEcclesiastes na siya ring sinasabi na mamanahin sa Mateo 5:5 at Awit 37:29?
Hebreo 11:16 “NGUNI'T NGAYON AY NAGNANASA SILA NG LALONG MAGALING NA LUPAIN, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG SA LANGIT: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”
Ang LUPA o LUPAIN na sinasabing MANANATILI magpakailan man na MAMANAHIN ng mga MALILGTAS ay ang MAS LALONG MAGALING NA LUPAIN NA NASA LANGIT.
Hindi ang lupa o ang daigdig na ito ang ibibigay sa mga maliligtas upang kaniyang tahanan magpakailanman kundi ang BAGONG LANGIT at ang BAGONG LUPA ang BAYANG BANAL, ang BAGONG JERUSALEM.
Apocalypsis 21:1-4 “AT NAKITA KO ANG ISANG BAGONG LANGIT AT ANG ISANG BAGONG LUPA: SAPAGKA'T ANG UNANG LANGIT AT ANG UNANG LUPA AY NAPARAM; AT ANG DAGAT AY WALA NA. AT NAKITA KO ANG BAYANG BANAL, ANG BAGONG JERUSALEM, NA NANANAOG MULA SA LANGIT BUHAT SA DIOS, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ANG DIOS DIN AY SASA KANILA, AT MAGIGING DIOS NILA: AT PAPAHIRIN NIYA ANG BAWA'T LUHA SA KANILANG MGA MATA; AT HINDI NA MAGKAKAROON NG KAMATAYAN; HINDI NA MAGKAKAROON PA NG DALAMHATI, O NG PANANAMBITAN MAN, O NG HIRAP PA MAN: ANG MGA BAGAY NANG UNA AY NAPARAM NA.”
Ito ang MALUWALHATING TAHANAN na MAMANAHIN ng mga TUNAY NA MALILIGTAS, nasa LANGIT ito ngayon, at mananaog ito pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM, ang BAYANG BANAL, na siyang inihanda ng DIYOS upang TAHANAN ng TAO MAGPAKAILAN MAN.
Sino ang TUNAY na MAGMAMANA NGBAYANG BANAL?
Narito ang kumpletong pagtalakay sa LINK na ito: http://torch-of-salvation.phc.onl/#forbidden#/2011/06/style-definitions-table.html?m=1

Kaya nakalulungkot isispin na ang IPINAPANGAKONG KALIGTASAN ng mga SAKSI NI JEHOVA ay isang DAKO na sa KATOTOHANAN ay LILIPULIN ng Diyos, at hindi gagawing BAGONG LUPANG PARAISO, na gaya ng kanilang PANINIWALA na hindi naman mababasa sa BIBLIA.
 
You can't surpass GOD


circular_reasoning.gif
 

Attachments

Mas pinaniwalaan nya yung 144, 00 lang ang maliligtas. Payag ka ba na hindi ka kabilang sa 144, 000 na iyon? Hahaha sorry pero mali talaga ee. Kung hindi pala sisirain o gugunawin ang mundo mali pala si Cristo pag ganun? Haha
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top