What's new

Closed "hiling"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
14064001_295414570819396_2378632451803977772_n.jpg




"hiling"



Paahon ang sinag ng umaga
Kung san unang nakilala
Mapagbiro talaga ang tadhana
Magbait sakin kailan kaya?

Di inasahang malupit
Kala ko'y walang pait
Pinilit kong kumapit
Sakit pa rin aking sinapit

Ninais kong di mahulog
Pinigil ko itong pagtibok
ngunit di pala maiiwasan
Damdamin ngayo'y nasugatan

Akala ko'y kaya ko
Di pala't mali ako
Ugali niyang magulo
Hahanapin pala ng puso ko

Isip ko'y dumadaing
Dinig ang pintig nitong aking
Puso kong sana'y dinggin
Magbalik ka lang aking HILING.




Siguro nga may mga bagay na
Akala mo sayo, pero hindi kasi
May mas maganda pa palang
Nakaabang sayo



MABAGSIK NA LIKHA NI:
Mad`ThePoetMotivator
 

Attachments

Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top