What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Help. Itutuloy ko pa ba o hindi na?

BlueBerry16

Established
Joined
Dec 7, 2016
Messages
518
Reaction
102
Hi mga ka PH. Help me please

Nagkaroon kami ng problem ni bf nitong earlier ng september. Tinawagan ko sya at nakipagbreak ako via phonecall pero hindi ko naman mean yun. Nasabi ko lang yun gawa ng disappointment ko sa bf ko kasi nga nararamdaman kong nagsasawa na sya. Tumawag ako ulit at binawi yun at naging okay kami. Kaso the next day nag iba na ugali niya, kinakausap niya ko pero cold. Magulo sya he even asked for space nung gabi. Tho nanghingi siya ng space nagtetext pa rin naman sya sakin. Nagkaayos kami later on, sinuyo ko pa nga at pinadalhan via grab ng pagkain sa office nila. Pero kahit ganun nag iba na sya parang napaplastikan nko pag kausap ko sya, tas pakiramdam ko wala na sya masyadong pake sa relasyon namin. Sabi ko gwan niya paraan pumunta ng linggo kasi nga feeling ko need namin mag usap. Pero hindi niya ginawa. Inintindi ko kasi alam kong gumastos rin sya sa kanila.

The following week, still okay kami. Pero andun pa rin yung feeling na plastic na yung pakikitungo nya. Sobrang sakit na. Nangako pa nga sya na sunday pupunta sya samin. Kaso pagdating ng sunday, tumawag sya nung umaga bago pumasok sa work. Isa sa mga di na niya ginagawa nung nkaraan, pagbaba ng call nagchat sya na di raw sya maihahatid ng tropa nya. Wala man lang sorry. Nakapagdecide na ko nun. Iignore ko na sya. Kaso nung hapon nakaramdam ata sya. Tumuloy sya sa pagpunta, pero di pa rin sya natuloy kasi umuulan daw kaya bumalik sila sa kanila.

Pag uwi niya, nireplyan ko na sya. Nagusap kami sinabi ko mga sama ng loob ko. Sabi ko pa nga kung gusto nya talaga tumuloy sana nagmrt nalng sya. Bumalik sya sa dati, he is acting cold. Nagpaalam sya, lumabas sya kasama mga kaibigan. Matagal sya magupdate. I know something is off. Tas paguwi pa nya, nagrereason sya kesyo makipagchikahan sya with fam. Parang iniiwasan niya makipagusap sa akin. Sabi ko call ako later on kung free na sya. TInanong pa ko kung ano raw paguusapan namin at teka lang ligo lang daw sya.

Nagusap kami via call, tinatanong ko siya ano ang problema. Sabi nya bakit ko raw nasabi yung pakikipagbreak kasi nakaraan. Sabi ko im upset. Nag iisp bata sya. Hinahyaan niya ako. Para sakin lame yung reason niya. Aminado sya actually, sabi niya naguguluhan daw sya. Kesyo parang di ko daw sya deserve kasi nga financially di sya stable, wala raw ako mapapala sa kanya. Aminadong sya nagiiba nga sya at parang plastic na daw pakikipagusap nya. Sabi ko aayusin pa ba namin? Parang wala na kako syang pake sa relasyon namin. Tumatawag ako kasi kako di ko na kinakaya. Sabi ko ako gusto ko pa maayos. Sya ngayon tinatanong ko kasi kako parang wala na syang pake. Baka nahihirapan lang sya sabihin na ayaw na niya. Umiiyak pa nga sya mga kaph, same kami so hindi ko na alam ano ang iisipin.

Antagal nung usapan namin, hanggang sa sinabi na niya na wag na raw namin ayusin. Pero he wants to make sure na makikipagkita ako kahit isang beses after that tsaka friends pa rin daw kami. Sabi ko ayoko ng ganun. Nagbago isip nya after that sabi ko kasi icut ko na connection namin. Kung pede daw susunod na linggo na kami magkita. Sabi ko ayoko, pinagbigyan ko na sya ng dalawang linggo. Kung gusto niya ayusin talaga bukas na agad. So ayun, magkita raw kami kinabukasan, ayusin daw namin kaso alanganin sa part ko yung place dahil mahihirapan ako makauwi. Ang suggestion nya isama kaibigan ko para daw may kasama ako pauwi. Galing diba. Hindi ako pumayag. Later on sabi ko ganito nlang pupunta ako pero dun ako matutulog sa kanila tas kinabukasan na ako uuwi. Ang loko biglang sinabi na hindi pa sya ready na dalhin ako sa kanila. Dun ko na sya binabaan ng call, nasaktan ako sobra kasi unfair ako tong babae pero nadala ko na sya sa bahay.

Blinock ko na sya after that. Panay pa rin ang text niya pati bestfriend ko kinukulit niya kasi nga di ko na kinakausap. Inexpect ko sya magpupunta ng bahay kinabukasan. He tried naman kaso nakulangan ako sa effort. He tried lang pero hindi niya pinursigeng makapunta. Kesyo wala raw syang budget at walang malapitan na tropang maghahatid sa kanya. Sobrang sama ng loob ko. Kanina tumawag sya sa akin gamit ang ibang number. Sa unang tawag palang nya para na syang nakikipaglokohan. Sabi nya hi eto ba si *name ko. Nasa work daw ba ako? Binabaan ko nga. Tumawag sya ulit at nagpakilala na. Nagsorry konti kasi gumawa naman daw sya paraan kulang lang daw talaga sa budget so sabi ko pumunta nlang sya ng bahay para makapagusap kami. After ng call nagtext sya na parang okay na kami. Masaya na ulit sya. Bumili pa ng hero gamit ang acct ko sa mobile legends. Nainis na naman ako for the second time kasi parang di niya talaga ako sineseryoso.

Iniisip ko ngayon kung maiging ipagpatuloy pa. Nalilito ako kasi parang di naman sya seryoso at pakiramdam ko ginagamit at pinaglalaruan lang ako.
 
Waste material. Recyclable.
 
A
Arn--Arn
Ganyan talaga. Once nakipagbreak ka wala nang atrasan. Hindi mo na kayang bawiin yun. Lalaki ako ganyan din nangyari sa akin. Pinagpalit sa iba. Ang sarap maging single hahahay. Wala ka nang problems sa lovelife.
 

Chuckedoll

🅝🅞 🅢🅣🅡🅘🅝🅖🅢 🅐🅣🅣🅐🅒🅗🅔🅓
Contributor
Iwanan mo T.S ,masakit sa una pero mawawala din yan try mo kausapin ako char lang, pero walang forever T.S
.
kung ako sayo magkaroon ka lang ng dalawa or tatlong anak kahit ikaw lang mag isa sapat na,
katulad ko iniwan ako at sumama siya sa naka buntis sa kanya kahit na may mga anak kami, note mga anak, di ko siya kinakausap nasakin mga anak ko, panay chat siya sa mama ko ,kung kumusta na daw mga bata ,sabi naman ng mama ko alagaan mo nalang anak mo dyan ,
.
in your case may iba na yan !
kaya iwanan mo na yan ,
 
C
Chuckedoll
i think ikaw yong immature ;) ,realtalk masyado kang nanonood ng drama yong ,gusto mo ikaw susuyuin pag nagkalaboan na,
.
Well lets see other angles
.
Wala siyang budget fact check/wrong
Pagnag aaway -Arguemento na walang kataposan at may pride fack check/wrong
Ma effort ba nung nangliligaw fact check/wrong
nung naging kayo nagbago ba?
yes nagbabago ugali ng lalaki pag nasagot na ng babae
less caring ,subjective nalang di tulad dati na lahat gagawin.
nasanay ka siguro fact check/wrong
.
check your self t.s
baka may mali din sayo

.
totoong payo na yan
pero sa hulit wapang forever
 

Kim Da-hyun

꧁☬ ţ σ к ᗯ 𝓐 ☬꧂
Contributor
Okay dun pala sa point na, nanghihingi sya ng space? Bakit di ba? I mean kung para kasi sakin, walang ganun. Kung manghihingi lang din sya ng space, might as well maghiwalay na lang talaga. Not a valid excuse yang "I need some space" na yan, gasgas na linyahan na yan e.
 
K
Kim Da-hyun
So yun nga di ba? That's an another issue. Anong "sense" ng magkakaayos kayo pero ganya naman yung pinapakita nya or pinaparamdam nya sayo? I mean kung hindi nya niloloko yung sarili nya, sino? So parang mas parang may "sense" pa pala na galit galitan kayo sa isa't isa atleast yung mga galawan nyo hindi plastic.
 
napansin kong may trust issue ka sa kanya pero kung nahihirapan ka na sa behavior nya, siguro kelangan mo muna magpahinga
 
Comment

jayels-cham

Honorary Poster
Alam muna sagot wag po *****-tangahan lalaki lang yan. Sa nanay mo sabihin yan ts sasabihin nun hiwalayan muna yan.
 
Comment

Eseru

Elite
Hindi pa sya ready. Hindi nya kayang pantayan yung pagmamahal and effort na ibinibigay mo.
Kung may insecurities sya, he has to work on that, hindi ikaw, ang kaya mo lang gawin, is bigyan sya ng assurance.
Sya lang makakapag pabago sa sarili nya.

And ikaw, TS, ikaw yung tipo ng tao na bibigay lahat when it comes to relationships, and you expect your partner to do the same. And dahil hindi ma-reach ni partner yung expectations mo, you end up getting hurt and disappointed. And maybe betrayed, kasi bakit nga naman di nya kayang gawin yung nagagawa mo diba? Ang unfair naman nun.

But then again, you have to question yourself din. Unfair nga bang talaga? Mahirap mag expect. Ikaw sa sarili mo alam mo sa kung saan yung makakaya mo, pero di mo alam sa dun sa ibang tao.

Lagi ko nalang sinasabi. If you're both happy and content with each other, di mo ku-kwestyunin yung lagay ng relationship nyo.

Yung actions nya towards you, TS. Do you think you deserve that? Yung pagmamahal na pinapakita/ramdam nya sayo, sa tingin mo ba hanggang dun lang yung pagmamahal na deserve mong matanggap? If hindi, then let him go.

One day, mami-meet mo rin yung taong kayang pantayan yung level ng pagmamahal mo.
 
Comment
Hindi pa sya ready. Hindi nya kayang pantayan yung pagmamahal and effort na ibinibigay mo.
Kung may insecurities sya, he has to work on that, hindi ikaw, ang kaya mo lang gawin, is bigyan sya ng assurance.
Sya lang makakapag pabago sa sarili nya.

And ikaw, TS, ikaw yung tipo ng tao na bibigay lahat when it comes to relationships, and you expect your partner to do the same. And dahil hindi ma-reach ni partner yung expectations mo, you end up getting hurt and disappointed. And maybe betrayed, kasi bakit nga naman di nya kayang gawin yung nagagawa mo diba? Ang unfair naman nun.

But then again, you have to question yourself din. Unfair nga bang talaga? Mahirap mag expect. Ikaw sa sarili mo alam mo sa kung saan yung makakaya mo, pero di mo alam sa dun sa ibang tao.

Lagi ko nalang sinasabi. If you're both happy and content with each other, di mo ku-kwestyunin yung lagay ng relationship nyo.

Yung actions nya towards you, TS. Do you think you deserve that? Yung pagmamahal na pinapakita/ramdam nya sayo, sa tingin mo ba hanggang dun lang yung pagmamahal na deserve mong matanggap? If hindi, then let him go.

One day, mami-meet mo rin yung taong kayang pantayan yung level ng pagmamahal mo.

Duper agree with this one. Ganyan din ako nung nagsisimula pa lang ako sa lovelive ko. I tend to compare my effort with his effort. You'd really feel disappointed pag nag set ka ng expectations. Been there. Done that. Gusto ko yung sinabi ni paps dito regarding contentment. Appreciate the little stuffs. Wag ka, ilang "Break na tayo" din ang pinagdaanan ko sa partner ko, may pa"ibabalik ko na tong mga pinamigay mo para di na kita maalala" kemekeme pa haha... Pero at the end of the day, kung mahal ka talaga nung tao, di ka niyan matitiis.
 
Comment
aw hirap ng stiwasyon mo mam, pero payo ko lang as kaibigan, dapat parehas kayong may feeling sa isat isa kung ipagpapatuloy pa pero kung lumalamig na mahirap na yan, ibigsabhin may something na dapat ayusin at kung hindi maayos better na lumayo na kaysa lumala pa
 
Comment

J A X T O N E 2 3

Honorary Poster
Saklap naman nian. Hehe

Kidding aside, sa tingin ko lng mejo mataas ung expectations mo te sa kanya. Gusto mo is lambingin ka ng todo? Or ibigay sau lahat ng attention nia? Or sa palagay mo nagbago na sia?

Isa lang masasabi ko, mag break kau at malalaman mo kung anong gagawin nia. Kung susuyuin at liligawan ka nian ulit, dun mo makikita na sincere sia sau at praning ka lng ng slight ✌️😁 pero (but) pag hindi sia gumawa ng kahit anong paraan para magkabati ot maging kau ulit then move on. Hindi talaga kau para sa isa't isa. Makakahanap ka rin ng taong makakapantay ng expectations mo te. Go lang ghurl! 💪💪😂😂😂 Di po ako babae hah. 🤣🤣🤣
 
Comment

jepjep16

Honorary Poster
Tigil mo na yan TS, hindi sapat na dahilan yung kawalan ng pera, kung gusto maraming paraan pag ayaw maraming dahilan.
 
Comment
sa tingin ko lang bumaba ang self esteem nya dahil dun sa nasabi mo nung first night na makikipagbreak ka na sakanya gusto ka pa nun kaso sympre napanghinaan nadin ng loob at duda.
yung sa pagpunta nya na sana kamo nagmrt sya umm sa tingin ko di rin kasi advisable pagalagala ngaun.
ilan taon naba kau i mean age? matanong ko lang
 
Comment

WhiteLancelot

Established
marami din kasi pwedeng scenario kung bakit nagiging cold minsan ang tao. diba hindi naman mahal nyo ang isat isa dahil lang masaya kayo? kung wala nang kilig, wala nang spark e yun na ang solusyon? how much more kung mag asawa na kayo diba. assume natin na walang 3rd party pano natin ihahandle yung ganung part. baka naman may problema lang na ayaw nyang problemahin mo dino baka naman napagalitan ng boss. kasi pag lalaki usually ayaw nyan nagpapatalo sa mga ganyang bagay. kung talagang ready na kayo na magmahalan talaga. yung totoong pagmamahal dapat ready na kayo sa mga cold moments, empty conversation, no more spark, happy moments lahat yan mawawala pero you both choose to stay kasi that is the real meaning of love for me. i dont think masasagot yung tanong mo dito. pag usapan nyo ts kung dapat pa bang ituloy or hindi na.
 
Comment
normal lang yung paminsan minsan hindi ngkakaintindihan pero hindi dahilan na break kaagad ang option., pro kung yun lagi ang ginagawa tapos pag nakaisip eh babalik ulit. wag na. ksi hindi laging option ang break pra masolve ang isang bagay.
 
Comment

matrixcs19

Leecher
Time will heal, as of now the best way is to focus on your self and improve yourself muna. Then the right person will come for you as God will bless your life more.
 
Comment

Zigggy_

Established
Wag kasing basta basta magbibitaw ng salita ts kapag upset ka or galit ka tingnan pinanghinaan ng loob bf mo. Saka iwas na masyado sa drama TD hahaha
 
Comment
Base lang ito sa kwento mo idol ah.
At pawang opinion ko to.

Base sa simula mo, ganun ganun na lang kaya mong bitawan yung relasyon niyo. Kahit naman sino mawawalan ng gana sa ganung set-up. Ang laging issue nun kasi siya ang unang makakaramdam na pinaplastic siya kasi parang gamit na.lang siya na kung kelan mo ramdam itapon ay kaya mong gawin. Wag mong iparamdam yun sa partner mo babae ka man o lalaki. Binabaan mo yung worth niya sa simul pa lang. Oo may nagawa siyang mali na upset ka. Ganun na lang dapat hindi aabot sa hindi pinag-isipang desisyon. Think before you act po. Hindi naman isipin mo kung saan ng simula para malinis lahat ng sama ng loob. Para maplantsa lahat ng gusot sa pagitan niyo. Ikaw po ang magpakumbaba at dagdagan ang tiwala sa partner mo. Hindi yung ikaw na nga ang nakagawa ng pinagmulan ng lahat ayan ka nagdadalawang isip na ulitin yung pagkakamaling una mong ginawa.

Ikaw ang umintindi. Hindi porke babae ay sila na lang lagi yung bini-"baby" o palaging "mas" importante sa relasyon. Dalawa kayo dyan. Patas lang dapat.

Opinion ko lang naman po 'to. Buhay niyo pa rin yan. Nakikisawsaw lang naman ako. Think before you act po.
 
Comment

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
1,344
Guests online
980
Total visitors
2,324

Forum statistics

Threads
1,012,088
Messages
17,354,369
Members
1,485,438
Comments
676,352
Attachments
1,135,199
Profile posts
96,439
Top