What's new

Help. Itutuloy ko pa ba o hindi na?

BlueBerry16

Honorary Poster
Joined
Dec 7, 2016
Posts
578
Reaction
96
Points
233
Hi mga ka PH. Help me please

Nagkaroon kami ng problem ni bf nitong earlier ng september. Tinawagan ko sya at nakipagbreak ako via phonecall pero hindi ko naman mean yun. Nasabi ko lang yun gawa ng disappointment ko sa bf ko kasi nga nararamdaman kong nagsasawa na sya. Tumawag ako ulit at binawi yun at naging okay kami. Kaso the next day nag iba na ugali niya, kinakausap niya ko pero cold. Magulo sya he even asked for space nung gabi. Tho nanghingi siya ng space nagtetext pa rin naman sya sakin. Nagkaayos kami later on, sinuyo ko pa nga at pinadalhan via grab ng pagkain sa office nila. Pero kahit ganun nag iba na sya parang napaplastikan nko pag kausap ko sya, tas pakiramdam ko wala na sya masyadong pake sa relasyon namin. Sabi ko gwan niya paraan pumunta ng linggo kasi nga feeling ko need namin mag usap. Pero hindi niya ginawa. Inintindi ko kasi alam kong gumastos rin sya sa kanila.

The following week, still okay kami. Pero andun pa rin yung feeling na plastic na yung pakikitungo nya. Sobrang sakit na. Nangako pa nga sya na sunday pupunta sya samin. Kaso pagdating ng sunday, tumawag sya nung umaga bago pumasok sa work. Isa sa mga di na niya ginagawa nung nkaraan, pagbaba ng call nagchat sya na di raw sya maihahatid ng tropa nya. Wala man lang sorry. Nakapagdecide na ko nun. Iignore ko na sya. Kaso nung hapon nakaramdam ata sya. Tumuloy sya sa pagpunta, pero di pa rin sya natuloy kasi umuulan daw kaya bumalik sila sa kanila.

Pag uwi niya, nireplyan ko na sya. Nagusap kami sinabi ko mga sama ng loob ko. Sabi ko pa nga kung gusto nya talaga tumuloy sana nagmrt nalng sya. Bumalik sya sa dati, he is acting cold. Nagpaalam sya, lumabas sya kasama mga kaibigan. Matagal sya magupdate. I know something is off. Tas paguwi pa nya, nagrereason sya kesyo makipagchikahan sya with fam. Parang iniiwasan niya makipagusap sa akin. Sabi ko call ako later on kung free na sya. TInanong pa ko kung ano raw paguusapan namin at teka lang ligo lang daw sya.

Nagusap kami via call, tinatanong ko siya ano ang problema. Sabi nya bakit ko raw nasabi yung pakikipagbreak kasi nakaraan. Sabi ko im upset. Nag iisp bata sya. Hinahyaan niya ako. Para sakin lame yung reason niya. Aminado sya actually, sabi niya naguguluhan daw sya. Kesyo parang di ko daw sya deserve kasi nga financially di sya stable, wala raw ako mapapala sa kanya. Aminadong sya nagiiba nga sya at parang plastic na daw pakikipagusap nya. Sabi ko aayusin pa ba namin? Parang wala na kako syang pake sa relasyon namin. Tumatawag ako kasi kako di ko na kinakaya. Sabi ko ako gusto ko pa maayos. Sya ngayon tinatanong ko kasi kako parang wala na syang pake. Baka nahihirapan lang sya sabihin na ayaw na niya. Umiiyak pa nga sya mga kaph, same kami so hindi ko na alam ano ang iisipin.

Antagal nung usapan namin, hanggang sa sinabi na niya na wag na raw namin ayusin. Pero he wants to make sure na makikipagkita ako kahit isang beses after that tsaka friends pa rin daw kami. Sabi ko ayoko ng ganun. Nagbago isip nya after that sabi ko kasi icut ko na connection namin. Kung pede daw susunod na linggo na kami magkita. Sabi ko ayoko, pinagbigyan ko na sya ng dalawang linggo. Kung gusto niya ayusin talaga bukas na agad. So ayun, magkita raw kami kinabukasan, ayusin daw namin kaso alanganin sa part ko yung place dahil mahihirapan ako makauwi. Ang suggestion nya isama kaibigan ko para daw may kasama ako pauwi. Galing diba. Hindi ako pumayag. Later on sabi ko ganito nlang pupunta ako pero dun ako matutulog sa kanila tas kinabukasan na ako uuwi. Ang loko biglang sinabi na hindi pa sya ready na dalhin ako sa kanila. Dun ko na sya binabaan ng call, nasaktan ako sobra kasi unfair ako tong babae pero nadala ko na sya sa bahay.

Blinock ko na sya after that. Panay pa rin ang text niya pati bestfriend ko kinukulit niya kasi nga di ko na kinakausap. Inexpect ko sya magpupunta ng bahay kinabukasan. He tried naman kaso nakulangan ako sa effort. He tried lang pero hindi niya pinursigeng makapunta. Kesyo wala raw syang budget at walang malapitan na tropang maghahatid sa kanya. Sobrang sama ng loob ko. Kanina tumawag sya sa akin gamit ang ibang number. Sa unang tawag palang nya para na syang nakikipaglokohan. Sabi nya hi eto ba si *name ko. Nasa work daw ba ako? Binabaan ko nga. Tumawag sya ulit at nagpakilala na. Nagsorry konti kasi gumawa naman daw sya paraan kulang lang daw talaga sa budget so sabi ko pumunta nlang sya ng bahay para makapagusap kami. After ng call nagtext sya na parang okay na kami. Masaya na ulit sya. Bumili pa ng hero gamit ang acct ko sa mobile legends. Nainis na naman ako for the second time kasi parang di niya talaga ako sineseryoso.

Iniisip ko ngayon kung maiging ipagpatuloy pa. Nalilito ako kasi parang di naman sya seryoso at pakiramdam ko ginagamit at pinaglalaruan lang ako.
 
Iwanan mo T.S ,masakit sa una pero mawawala din yan try mo kausapin ako char lang, pero walang forever T.S
.
kung ako sayo magkaroon ka lang ng dalawa or tatlong anak kahit ikaw lang mag isa sapat na,
katulad ko iniwan ako at sumama siya sa naka buntis sa kanya kahit na may mga anak kami, note mga anak, di ko siya kinakausap nasakin mga anak ko, panay chat siya sa mama ko ,kung kumusta na daw mga bata ,sabi naman ng mama ko alagaan mo nalang anak mo dyan ,
.
in your case may iba na yan !
kaya iwanan mo na yan ,
 
Ganyan talaga. Once nakipagbreak ka wala nang atrasan. Hindi mo na kayang bawiin yun. Lalaki ako ganyan din nangyari sa akin. Pinagpalit sa iba. Ang sarap maging single hahahay. Wala ka nang problems sa lovelife.
 
[XX='BlueBerry16, c: 313995, m: 707265'][/XX] Lalaki ako ,at alam ko yan, pa sweet sweet para di magalit ,tapos sweet din sa iba ,pustahan pag naging okay kayo ,di na ulit yan mangungulit kasi okay kayo eh, pero pag di nanaman kayo oaky bibigyan ka nyan ng kung anu anu,
at nabasa ko dati yong post mo di siya maka punta same padin sa post mo,
Kung gusto nya talaga may paraan naka bili nga siya ng hero pero di nya kaya mang hiram ng motor at magpagasolina, or sabihin natin wala siyang licence or di siya marunong mag maneho, kung gusto nya talag gagastos yan para suyuin ka lang,
kung immature tingin mo sa kanya ,give him a lesson that regret in his life, lost contact, and ask for sign pag nagpakita yan sa bahay nyo sincere yan ,pero pag hindi nagpakita sa loob ng dalawang linggo wala yan. Binggo , di kayo sa isa't isa!
 
Grabe naman yan paps. I mean pamilya na kayo. Tapos nagawa pa niya yun. Salute to you paps kase nakayanan mo lahat kahit wala yung ina ng mga bata. It's her loss anyways.
 
[XX='Demon_Cyborg, c: 314018, m: 1357910'][/XX] Yeah ganyan ang life wala tayong magagawa , aminado ako mahilig ako sa babae pero ni isa wala akong binuntis , pero siya depressed daw kaya nagpa buntis ahahha ,anyways di naman masakit sakin nung malaman kong buntis siya frustrated lang ng kunin kasi yong pinalit sakin guard ng pinagtratrabahoan nya ,while ako naka pundar ng mga bahay sumama pa siya dun sa guard na nagpapansin sa kanya ,bahala na siya sa buhay nya ,salamat din sa covid di siya makaka punta kung nasan mga bata XD ,at wala din yong pera yong engagement ring na binili ko ,benenta nya dba ayos hahaha
 
nga pala nakatira sila sa isa kong bahay na pinundar ko mismo nung binata pa ako , hinayaan ko lang total pag bumisita mga bata sa kanya may matutulugan sila ,
 
[XX='Chuckedoll, c: 314017, m: 1656607'][/XX] battle points po gamit nya sa hero sa ml hahah not real money. sumama lang loob ko don kasi alam niyang di kami okay. Pinakealaman niya ang acct ko e hindi kami okay.

yung di nya pagpunta kinabukasan, dun sumama loob ko. nagsend siya mga screenshot na chinat niya mga tropa nya. pero late na oras na alas dos out nya sa work. nagchat syang di tuloy alas kwatro. kulang effort na pinakita kung gusto talaga nya magkaayos kami. gusto nya kasi susunod na linggo nlang naiinis ako kasi kailangan convenient na naman sa kanya.
 
Okay dun pala sa point na, nanghihingi sya ng space? Bakit di ba? I mean kung para kasi sakin, walang ganun. Kung manghihingi lang din sya ng space, might as well maghiwalay na lang talaga. Not a valid excuse yang "I need some space" na yan, gasgas na linyahan na yan e.
 
Nasaktan ako dun pero inintindi ko sya. Mali din naman kasi ginawa ko. I know how insecure sya kaya narealize ko na nasaktan ko sya ng sobra doon. He even assure me na sa space na hinhingi nya di kami maghihwalay. Baka kailangan lang nya magpahangin.
 
[XX='BlueBerry16, c: 314056, m: 707265'][/XX] Sometimes kailangan talagang may masaktan para maunawaan ng lubos. Sige, sabihin na natin na "cool off" na kayo pero hanggang kailan? Yung mga "assurance" nya ba magagawa nya talaga? So pano naman kung halimbawang may kinakausap sya na iba? What are the terms?
 
[XX='BlueBerry16, c: 314042, m: 707265'][/XX] i think ikaw yong immature ;) ,realtalk masyado kang nanonood ng drama yong ,gusto mo ikaw susuyuin pag nagkalaboan na,
.
Well lets see other angles
.
Wala siyang budget fact check/wrong
Pagnag aaway -Arguemento na walang kataposan at may pride fack check/wrong
Ma effort ba nung nangliligaw fact check/wrong
nung naging kayo nagbago ba?
yes nagbabago ugali ng lalaki pag nasagot na ng babae
less caring ,subjective nalang di tulad dati na lahat gagawin.
nasanay ka siguro fact check/wrong
.
check your self t.s
baka may mali din sayo

.
totoong payo na yan
pero sa hulit wapang forever
 
Hindi naman po sa pinagtatanggol ko si bf pero medyo sure ako dun sa part na wala syang iba. Nagkaayos din kami the day after sabiihin nya na nanghihingi sya space but after that iba na sya. Cold na at parang di na niya ko pinapahalgahan. Plastic na mga care at pagkausap nya.
 
napansin kong may trust issue ka sa kanya pero kung nahihirapan ka na sa behavior nya, siguro kelangan mo muna magpahinga
 
[XX='BlueBerry16, c: 314082, m: 707265'][/XX] So yun nga di ba? That's an another issue. Anong "sense" ng magkakaayos kayo pero ganya naman yung pinapakita nya or pinaparamdam nya sayo? I mean kung hindi nya niloloko yung sarili nya, sino? So parang mas parang may "sense" pa pala na galit galitan kayo sa isa't isa atleast yung mga galawan nyo hindi plastic.
 
Alam muna sagot wag po *****-tangahan lalaki lang yan. Sa nanay mo sabihin yan ts sasabihin nun hiwalayan muna yan.
 
Hindi pa sya ready. Hindi nya kayang pantayan yung pagmamahal and effort na ibinibigay mo.
Kung may insecurities sya, he has to work on that, hindi ikaw, ang kaya mo lang gawin, is bigyan sya ng assurance.
Sya lang makakapag pabago sa sarili nya.

And ikaw, TS, ikaw yung tipo ng tao na bibigay lahat when it comes to relationships, and you expect your partner to do the same. And dahil hindi ma-reach ni partner yung expectations mo, you end up getting hurt and disappointed. And maybe betrayed, kasi bakit nga naman di nya kayang gawin yung nagagawa mo diba? Ang unfair naman nun.

But then again, you have to question yourself din. Unfair nga bang talaga? Mahirap mag expect. Ikaw sa sarili mo alam mo sa kung saan yung makakaya mo, pero di mo alam sa dun sa ibang tao.

Lagi ko nalang sinasabi. If you're both happy and content with each other, di mo ku-kwestyunin yung lagay ng relationship nyo.

Yung actions nya towards you, TS. Do you think you deserve that? Yung pagmamahal na pinapakita/ramdam nya sayo, sa tingin mo ba hanggang dun lang yung pagmamahal na deserve mong matanggap? If hindi, then let him go.

One day, mami-meet mo rin yung taong kayang pantayan yung level ng pagmamahal mo.
 

Similar threads

Back
Top