What's new

Poems Guhit sa mga Daan

Mariyah Takeuchi

Eternal Poster
Joined
Feb 8, 2017
Posts
903
Solutions
1
Reaction
262
Points
414
Kung sakaling sa linya ng tawiran ay mahinto ang paglalakad dahil sa senyas ng ilaw na itigil ang lahat. Pakiusap, kung ito na ang hinihintay mong tamang pagkakataon ay hindi ka nagkakamali. Kung ito lang ang tanging portuna ng 'yong pangarap na paglisan, hangad kong ingatan mo ang sarili mo sa daan.

Kaya bago maging lunti ang mabayang ilaw sa kalye, pakituro ng eroplano sa himpapawid upang ako'y malingat at dahan-dahan mong iparinig sa 'kin ang banayad mong paghakbang papalayo; kakampi mo ang mga yabag at busina. Itago mong mabuti ang bakas ng mga paa, huwag kalilimutan ang paalalang kinakailangan mo pa ring burahin sila. Ibalik ang mga ninakaw mong tingin sa huling hindi inaasahang pag-iwan sa akin. Buhayin ako sa mga akalang pinatay, ibangon ako mula sa pagkahuhulog sa 'yong hindi sinasadyang sumablay.

At kunwari, magsasalita ako sa gitna ng aking mga nararamdaman kahit alam kong nakalayo ka na. Ngayong alam mo na ang kahihinatnan ng maaaring senaryong magiging ikaw ang kalakip ng pusong hindi inaasahan ang 'yong paglaho. Uulitin ko, "hangad kong ingatan mo ang sarili mo sa daan." Humayo kang pinalayang hindi pilit, hindi katulad ng mga paa mong pinilit tumakas sa aking tabi. Habang pahinto na ang mga sasakyan at babalik sa daloy ang lahat, kapag umikot na muli ang mga daliri ng orasan at sa unang pagkakataon na susubukan kong lumingon, sana ito na ang huli.

— Salvador

Litrato mula kay Gerard Emmanuel Cayco

FB_IMG_16498876844085530.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top