What's new

@GOD JESUS ACCEPT GOD JESUS AS YOUR PERSONAL SAVIOR AMEN

Grangermiya

Forum Guru
Established
Joined
May 31, 2022
Posts
1,246
Reaction
531
Points
1,109
1 Corinthians 13:1 Though I speak with the tongues of men and of angels, and have not charity, I am become as sounding brass, or a tinkling cymbal. Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw.
1 Corinthians 13:2 And though I have the gift of prophecy, and understand all mysteries, and all knowledge; and though I have all faith, so that I could remove mountains, and have not charity, I am nothing. At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.
1 Corinthians 13:3 And though I bestow all my goods to feed the poor, and though I give my body to be burned, and have not charity, it profiteth me nothing. At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.


PRAYER OF ACCEPTANCE

Panginoong Diyos, aming Amang makapangyarihan sa lahat, sa Pangalan ng Inyong Anak na si Hesus, ako ay nagsusuko na ng buhay sa Inyo. Inaamin ko na ako ay makasalanan at patawarin Niyo po ako sa lahat ng aking nagawang kasalanan sa isip, sa salita at gawa.

Ako po ay nananampalataya Panginoong Hesus na Ikaw ay namatay sa Krus upang bayaran ang aking mga kasalanan, at muling binuhay ng Diyos para pagkalooban ako ng buhay na walang hanggan.

Panginoong Hesus binubuksan ko po ang aking puso at tinatanggap Kita ngayon Hesus bilang aking Panginoon at sarili kong Tagapagligtas. Banal na Espiritu ng Diyos, inaanyayahan Kita na pumasok sa aking puso, Kayo na po ang manahan at maghari sa buhay ko mula ngayon at magpakailanman.

Ituro Niyo po sa akin ang Iyong kalooban at simula po ngayon Ikaw na po ang aking susundin, at isulat Mo po ang aking pangalan sa Aklat ng Buhay jan sa langit. Maraming salamat po O Diyos sa Inyong kapatawaran, sa Pangalan Mo Hesus, Amen!
 
Back
Top