What's new

Closed Galing ba sa Diyos ang ating pagdurusa?

Status
Not open for further replies.

27-LeeMay-27

Eternal Poster
Joined
Jun 28, 2018
Posts
646
Reaction
1,681
Points
386
Pagdurusa
Nauna Susunod
Kaugnay na mga Paksa
Kung Paano Makakayanan ang
Trahedya
Kapayapaan at Kaligayahan
Higit Pang Impormasyon
I-print I-share
MAGANDANG BALITA MULA SA
DIYOS!
Bakit Hinahayaan ng Diyos
ang Kasamaan at
Pagdurusa?
Paano nagsimula ang kasamaan,
at bakit hanggang ngayon ay
hinahayaan ng Diyos ang
pagdurusa? Mawawala pa ba ang
pagdurusa?
MAGANDANG BALITA MULA SA
DIYOS!
Ano ang Kaharian ng
Diyos?
Sino ang Hari ng Kaharian ng
Diyos, at ano ang gagawin nito?
Bakit Ako Hinahayaan ng Diyos
na Magdusa?
Likas na mga Sakuna—Katibayan
ba na Malupit ang Diyos?
Iniisip ng ilan na Diyos ang dahilan ng
pagdurusa ng mga tao, o kung hindi man,
wala siyang pakialam na nagdurusa tayo.
Pero iyan ba ang itinuturo ng Bibliya? Baka
magulat ka sa sagot.
Galing ba sa Diyos ang
ating pagdurusa?
“Ang totoo, ang Diyos ay hindi gumagawi
nang may kabalakyutan.” —Job 34:12 .
ANG SINASABI NG MGA TAO
Sinasabi ng ilan na ang lahat ng nangyayari
ay kalooban ng Diyos. Kaya naman
naniniwala sila na galing sa Diyos ang
pagdurusa natin. Halimbawa, kapag may
nangyayaring likas na mga sakuna, iniisip
nila na paraan ito ng Diyos para parusahan
ang mga nagkasala.
ANG SABI NG BIBLIYA
Malinaw na itinuturo ng Bibliya na hindi
galing sa Diyos ang ating pagdurusa.
Halimbawa, sinasabi ng Bibliya na kapag
may mga problema tayo, hindi tamang
sabihin: “Ako ay sinusubok ng Diyos.”
Bakit? Dahil “sa masasamang bagay ay
hindi masusubok ang Diyos ni sinusubok
man niya ang sinuman.” ( Santiago 1:13 )
Ibig sabihin, hindi galing sa Diyos ang mga
problema natin ni ang mga pagdurusang
dulot nito. Kung gagawin niya iyon, lalabas
na napakasama niya, pero “ang Diyos ay
hindi gumagawi nang may kabalakyutan.”—
Job 34:12 .
Kung hindi galing sa Diyos ang pagdurusa,
kanino o saan ito galing? Nakalulungkot,
ang mga tao ay madalas na maging biktima
ng kanilang kapuwa di-sakdal na tao.
( Eclesiastes 8:9 ) Bukod diyan, maaari
tayong mapahamak dahil sa mga “di-
inaasahang pangyayari”—baka nasa maling
lugar tayo sa maling panahon. ( Eclesiastes
9:11 ) Itinuturo ng Bibliya na “ang
tagapamahala ng sanlibutang ito,” si
Satanas na Diyablo, ang talagang
pinagmumulan ng pagdurusa ng tao, dahil
“ang buong sanlibutan ay nasa
kapangyarihan ng isa na balakyot.” ( Juan
12:31; 1 Juan 5:19 ) Kaya si Satanas—hindi
ang Diyos—ang dahilan ng pagdurusa ng
tao.
Naaapektuhan ba ang
Diyos sa ating pagdurusa?
“Sa lahat ng kanilang kapighatian ay
napipighati siya.” —Isaias 63:9 .
ANG SINASABI NG MGA TAO
Iniisip ng ilan na walang pakialam ang
Diyos sa mga pagsubok na dinaranas natin.
Halimbawa, ayon sa isang manunulat,
“kitang-kita na walang awa [ang Diyos]
pagdating sa mga pagdurusa natin.” Iginiit
pa niya na kung talagang umiiral ang Diyos,
“wala naman siyang pakialam at malasakit”
sa mga tao.
ANG SABI NG BIBLIYA
Sa halip na ilarawan ang Diyos na walang-
awa at walang-malasakit, itinuturo ng
Bibliya na talagang nasasaktan ang Diyos
sa pagdurusa natin—at na malapit na niyang
wakasan ito. Tingnan natin ang tatlong
nakaaaliw na katotohanan sa Bibliya.
Nakikita ng Diyos ang mga pagdurusa natin.
Mula’t sapol, nakikita na ni Jehova ang
lahat ng pagdurusa ng tao, dahil
pinagmamasdan niya ang lahat ng bagay.
( Awit 11:4; 56:8 ) Halimbawa, nang
pagmalupitan ang mga mananamba ng
Diyos noon, sinabi niya: “Walang pagsalang
nakita ko ang kapighatian ng aking bayan.”
Pero bale-wala lang ba sa kaniya ang mga
paghihirap nila? Hindi, dahil sinabi niya:
“Nalalaman kong lubos ang kirot na kanilang
tinitiis.” ( Exodo 3:7 ) Marami ang napatibay
nang malaman nilang nakikita ng Diyos ang
lahat ng pagdurusa natin, kahit ang mga
problema na hindi nakikita o lubusang
nauunawaan ng iba.— Awit 31:7; Kawikaan
14:10 .
May empatiya ang Diyos sa mga nagdurusa.
Ang pagdurusa ng mga tao ay hindi lang
nakikita ng Diyos na Jehova, kundi
nasasaktan din siya dahil dito. Halimbawa,
nabagabag ang Diyos nang dumanas ng
mga pagsubok ang mga mananamba niya
noon. “Sa lahat ng kanilang kapighatian ay
napipighati siya,” ang sabi ng Bibliya.
( Isaias 63:9 ) Kahit di-hamak na mas
mataas ang Diyos kaysa sa tao, may
empatiya siya sa mga nagdurusa—
nadarama niya ang kirot na nadarama nila!
Oo, “si Jehova ay napakamagiliw sa
pagmamahal at maawain.” ( Santiago 5:11 )
Bukod diyan, tinutulungan tayo ni Jehova na
makayanan ang mga pagdurusa natin.—
Filipos 4:12, 13 .
Wawakasan ng Diyos ang lahat ng
pagdurusa. Ayon sa Bibliya, wawakasan ng
Diyos ang lahat ng pagdurusa ng bawat tao.
Lubusang babaguhin ng Kaharian ng Diyos
sa langit ang kalagayan ng tao. Tungkol sa
panahong iyon, ipinangangako ng Bibliya na
“papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa
kanilang mga mata, at hindi na
magkakaroon ng kamatayan, ni ng
pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot
pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas
na.” ( Apocalipsis 21:4 ) Paano naman ang
mga namatay na? Bubuhayin silang muli sa
lupa at hindi na sila magdurusa. ( Juan 5:28,
29 ) Maaalala pa ba nila ang mga
pagdurusang naranasan nila? Hindi na.
Dahil ipinangangako ni Jehova: “Ang mga
dating bagay ay hindi aalalahanin, ni
mapapasapuso man ang mga iyon.”— Isaias
65:17 .
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 3
    Replies
  • 802
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
dalba

Online statistics

Members online
1,107
Guests online
4,214
Total visitors
5,321
Back
Top