What's new

Trivia Gagawing Perpekto ng diyos ang lahat ng nagmamahal at sumusunod sa kanya

Kung itatanong sa ating sarili, dapat lang na mahiya at itakwil natin ang ating mga sarili, Dahil ang ginawa ng Panginoon ay hindi magagawa ng kung sino lang na tao, siya ang nagbibigay buhay, at siya lang may kakayahan tumubos sa ating mga kasalanan., Siya lang may kakayahang mkapagpatawad ng mga karimarimarim na mga kasalanan, hanggat handa tayong magsisi sa ating mga kasalanan, ay ililigtas niya tayo, hindi siya pumarito sa mundo upang magparusa kundi ang magligtas,
Anu naman Ang pamaraan para maligtas??
 
Anu naman Ang pamaraan para maligtas??
Basahin natin ang talata sa bibliya,

Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21).

“Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45).

“Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway” (Mga Hebreo 10:26–27).

“Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman” (Juan 8:34–35).

“Ay gayon din naman si Cristo; na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa Kaniya” (Mga Hebreo 9:28).

At sinasabi ng Makapangyarihang Diyos,

“Hindi maliwanag sa maraming tao ang ibig sabihin ng maligtas. Naniniwala ang ilang tao na habang lalong nadaragdagan ang mga taon na naniniwala sila sa Diyos, mas malamang na maligtas sila. Iniisip ng ilang tao na habang lalong dumarami ang nauunawaan nilang espirituwal na doktrina, mas malamang na maligtas sila, o iniisip ng ilan na tiyak na maliligtas ang mga lider at manggagawa. Ang lahat ng ito ay mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao. Ang susi rito ay na dapat maunawaan ng mga tao ang ibig sabihin ng kaligtasan. Ang maligtas ay nangangahulugang, unang-una na ay makalaya mula sa impluwensya ni Satanas, makalaya mula sa kasalanan, at tunay na bumaling sa Diyos at sumunod sa Diyos. Ano ang dapat ninyong taglayin para makalaya mula sa kasalanan at mula sa impluwensya ni Satanas? Ang katotohanan. Kung hangad ng mga taong matamo ang katotohanan, dapat silang masangkapan ng marami sa mga salita ng Diyos, dapat magawa nilang maranasan at maisagawa ang mga ito, nang sa gayon ay maunawaan nila ang katotohanan at makapasok sa realidad ng katotohanan. Saka lamang sila maaaring maligtas. Kung maliligtas man o hindi ang isang tao ay walang kinalaman sa kung gaano katagal naniwala ang isang tao sa Diyos, kung gaano karaming kaalaman ang mayroon siya, kung gaano siya nagdurusa, o kung nagtataglay siya ng mga kaloob o natatanging katangian. Ang tanging bagay na may direktang kaugnayan sa kaligtasan ay kung kaya bang matamo ng isang tao ang katotohanan o hindi. Kaya ngayon, gaano karaming katotohanan ang tunay na naunawaan mo? At gaano karami sa mga salita ng Diyos ang isinabuhay mo? Sa lahat ng hinihingi ng Diyos, alin ang nakamit mo ang pagpasok? Sa mga taon ng paniniwala mo sa Diyos, gaano karaming pagpasok sa realidad ng salita ng Diyos ang nakamit mo? Kung hindi mo alam, o kung hindi mo nakamit ang pagpasok sa anumang realidad ng salita ng Diyos, kung gayon ay sa totoo lang, wala kang pag-asa sa kaligtasan. Imposibleng maligtas ka”
 
Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21).
Sino Ang pangalan ng Ama na nasa langit??Kong hindi ma identify Jan sa talata Kong sino ana dahan² Muna tuklasin Kong sino...
 
Back
Top