What's new

Trivia Gagawing Perpekto ng diyos ang lahat ng nagmamahal at sumusunod sa kanya

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,005
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
Ang maniwala sa Diyos at makilala ang Diyos ay itinatalaga ng Langit at kinikilala ng mundo, at ngayon—sa isang kapanahunan kung kailan personal na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain—ay isang napakagandang pagkakataon para makilala ang Diyos. Ang pagpapalugod sa Diyos ay isang bagay na nakakamit sa pamamagitan ng pagbubuo ng pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kailangang magkaroon ng kaunting kaalaman tungkol sa Diyos. Ang kaalamang ito tungkol sa Diyos ang pangitain na kailangang taglayin ng isang naniniwala sa Diyos; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kapag wala ang kaalamang ito, malabo ang pag-iral ng paniniwala ng tao sa Diyos, sa gitna ng hungkag na teorya. Kahit matibay ang pagpapasiya ng mga taong tulad nito na sundin ang Diyos, wala silang mapapala. Ang mga walang napapala sa daloy na ito ang mga aalisin—silang lahat ay mga mapagsamantala. Alinmang hakbang ng gawain ng Diyos ang iyong maranasan, dapat kang samahan ng isang makapangyarihang pangitain. Kung hindi, mahihirapan kang tanggapin ang bawat hakbang ng bagong gawain, dahil hindi kayang isipin ng tao ang bagong gawain ng Diyos, at lampas ito sa mga hangganan ng kanyang pagkaintindi. Kaya, kung walang pastol na mag-aalaga sa tao, kung walang pastol na magbabahagi tungkol sa mga pangitain, walang kakayahan ang tao na tanggapin ang bagong gawaing ito. Kung hindi makatanggap ng mga pangitain ang tao, hindi niya matatanggap ang bagong gawain ng Diyos, at kung hindi masunod ng tao ang bagong gawain ng Diyos, hindi mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, kaya nga ang kanyang pagkakilala sa Diyos ay mawawalan ng halaga. Bago isakatuparan ng tao ang salita ng Diyos, kailangan niyang malaman ang salita ng Diyos; ibig sabihin, kailangan niyang maunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang salita ng Diyos nang tumpak at alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang bagay na kailangang taglayin ng lahat ng naghahanap sa katotohanan, at ito rin ang prosesong kailangang pagdaanan ng lahat ng nagsisikap na makilala ang Diyos. Ang proseso ng pag-alam sa salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos at pag-alam sa gawain ng Diyos. Kaya, ang pag-alam sa mga pangitain ay hindi lamang tumutukoy sa pagkilala sa pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao, kundi kabilang din ang pag-alam sa salita at gawain ng Diyos. Mula sa salita ng Diyos nauunawaan ng mga tao ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos nalalaman nila ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang Diyos. Paniniwala sa Diyos ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwalang ito sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Kanya ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, ang proseso ng pagdanas ng gawain ng Diyos. Kung naniniwala ka lamang sa Diyos para maniwala sa Diyos, at hindi para makilala Siya, walang realidad sa iyong pananampalataya, at hindi maaaring maging dalisay ang iyong pananampalataya—walang duda ito. Kung, sa proseso kung saan nararanasan ng tao ang gawain ng Diyos, unti-unti niyang nakikilala ang Diyos, unti-unting magbabago ang kanyang disposisyon, at lalong magiging totoo ang kanyang paniniwala. Sa ganitong paraan, kapag nagtatagumpay ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos, ganap na niyang nakamit ang Diyos. Kaya ginagawa ng Diyos ang lahat para maging tao sa ikalawang pagkakataon upang personal na gawin ang Kanyang gawain ay upang makilala at makita Siya ng tao. Pagkilala sa Diyos[a] ang huling epektong makakamtan sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito alang-alang sa Kanyang huling patotoo; ginagawa Niya ang gawaing ito upang sa wakas ay ganap na bumaling ang tao sa Kanya. Mamahalin lamang ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para mahalin ang Diyos kailangan niyang makilala ang Diyos. Paano man siya naghahangad, o ano man ang kanyang hangad na matamo, kailangan niyang magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos. Sa paraang ito lamang mapapalugod ng tao ang puso ng Diyos. Sa pagkilala lamang sa Diyos magkakaroon ang tao ng tunay na pananampalataya sa Diyos, at sa pagkilala lamang sa Diyos siya tunay na maaaring magpitagan at sumunod sa Diyos. Ang mga hindi nakakakilala sa Diyos ay hindi kailanman tunay na makakasunod at magpipitagan sa Diyos. Ang pagkilala sa Diyos ay kinabibilangan ng pag-alam sa Kanyang disposisyon, pag-unawa sa Kanyang kalooban, at pag-alam kung ano Siya. Subalit alinmang aspeto ang mapag-alaman ng isang tao, kinakailangan sa bawat isa na magsakripisyo at maging handang sumunod ang tao, kung hindi ay walang sinumang patuloy na makakasunod hanggang wakas. Ang gawain ng Diyos ay lubhang hindi kaayon ng mga kuru-kuro ng tao. Ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang Diyos ay napakahirap malaman ng tao, at lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay lubhang hindi maunawaan ng tao: Kung nais ng tao na sumunod sa Diyos subalit ayaw niyang sumunod sa Diyos, walang mapapala ang tao. Mula nang likhain ang mundo hanggang ngayon, marami nang nagawang gawain ang Diyos na hindi kayang unawain ng tao at nahihirapan silang tanggapin ito, at marami nang nasabi ang Diyos na nagpapahirap sa tao na maalis ang kanilang mga kuru-kuro. Ngunit hindi Niya itinigil kailanman ang Kanyang gawain nang dahil sa napakaraming paghihirap ng tao; sa halip, patuloy Siyang gumawa at nagsalita, at kahit maraming “mandirigma” ang nahulog sa tabing-daan, ginagawa pa rin Niya ang Kanyang gawain, at nagpapatuloy nang walang pahinga sa pagpili ng sunud-sunod na grupo ng mga tao na handang magpasakop sa Kanyang bagong gawain. Wala Siyang awa para doon sa nahulog na “mga bayani,” at sa halip ay pinahahalagahan Niya ang mga tumatanggap sa Kanyang bagong gawain at mga salita. Ngunit ano ang layunin ng Kanyang paggawa sa ganitong paraan, na paisa-isang hakbang? Bakit palagi Niyang inaalis ang ilang tao at hinihirang ang iba? Bakit palagi Niyang ginagamit ang gayong pamamaraan? Ang layunin ng Kanyang gawain ay upang tulutan ang tao na makilala Siya, at nang sa gayon ay makamit Niya sila. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay upang gumawa sa mga yaon na nakakayang magpasakop sa gawaing Kanyang ginagawa ngayon, at hindi upang gumawa sa mga nagpapasakop sa gawaing Kanyang nagawa noong araw habang kinokontra ang gawaing Kanyang ginagawa ngayon. Ito ang dahilan kaya Niya inaalis ang napakaraming tao.
Hindi makakamit ang mga epekto ng aral ng pagkilala sa Diyos sa loob ng isa o dalawang araw: Kailangang mag-ipon ng mga karanasan, magdaan sa pagdurusa, at tunay na makapagpasakop ang tao. Una sa lahat, magsimula sa gawain at mga salita ng Diyos. Kailangan mong maunawaan kung ano ang kabilang sa kaalaman tungkol sa Diyos, paano makamit ang kaalamang ito, at paano makita ang Diyos sa iyong mga karanasan. Ito ang kailangang gawin ng lahat kapag kailangan pa nilang kilalanin ang Diyos. Walang sinumang maaaring makaunawa sa gawain at mga salita ng Diyos sa isang bagsakan, at walang sinumang maaaring magkamit ng kaalaman tungkol sa kabuuan ng Diyos sa loob ng maikling panahon. May kinakailangang proseso ng karanasan, na kung wala ay walang sinumang magagawang kilalanin ang Diyos o tapat Siyang sundin. Kapag mas maraming gawaing ginagawa ang Diyos, mas nakikilala Siya ng tao. Kapag mas salungat ang gawain ng Diyos sa mga kuru-kuro ng tao, mas napapanibago at lumalalim ang kaalaman ng tao tungkol sa Kanya. Kung mananatiling pirmihan at hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, walang gaanong malalaman ang tao tungkol sa Kanya. Sa pagitan ng panahon ng paglikha at ng kasalukuyan, ang ginawa ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan, ang Kanyang ginawa noong Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kanyang ginagawa sa Kapanahunan ng Kaharian—kailangan ninyong malinawan nang husto ang mga pangitaing ito. Kailangan ninyong malaman ang gawain ng Diyos. Matapos sundan ni Pedro si Jesus, saka lamang niya unti-unting nalaman ang marami tungkol sa gawaing ginawa ng Espiritu kay Jesus. Sabi niya, “Hindi sapat ang umasa sa mga karanasan ng tao upang magkamit ng ganap na kaalaman; kailangan ay maraming bagong bagay mula sa gawain ng Diyos para matulungan tayong makilala Siya.” Sa simula, naniwala si Pedro na si Jesus ay isinugo ng Diyos, tulad ng isang apostol, at hindi niya inisip na si Jesus ang Cristo. Sa oras na ito, nang magsimula siyang sumunod kay Jesus, tinanong siya ni Jesus, “Simon Bar-Jonas, susunod ka ba sa Akin?” Sabi ni Pedro, “Kailangan kong sundan yaong isinugo ng Ama sa langit. Kailangan kong kilalanin siya na hinirang ng Banal na Espiritu. Susunod ako sa Iyo.” Mula sa kanyang mga salita, makikita na talagang walang alam si Pedro tungkol kay Jesus; naranasan na niya ang mga salita ng Diyos, napakitunguhan ang kanyang sarili, at nagdusa ng paghihirap para sa Diyos, ngunit wala siyang alam tungkol sa gawain ng Diyos. Matapos ang isang panahon ng karanasan, nakita ni Pedro kay Jesus ang marami sa mga gawa ng Diyos, nakita niya ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at nakita niya ang malaking bahagi ng kabuuan ng Diyos kay Jesus. Nakita rin niya na ang mga salitang sinambit ni Jesus ay hindi maaaring masambit ng tao, at na ang gawaing ginawa ni Jesus ay hindi maaaring magawa ng tao. Bukod pa riyan, sa mga salita at kilos ni Jesus, nakita ni Pedro ang marami sa karunungan ng Diyos, at maraming gawaing likas na banal. Sa kanyang mga karanasan, hindi lamang niya nakilala ang kanyang sarili, kundi minasdan din nang husto ang bawat kilos ni Jesus, kung saan maraming bagong bagay siyang natuklasan, at ang mga ito ay, na maraming pagpapahayag ng praktikal na Diyos sa gawaing ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus, at na naiiba si Jesus sa isang karaniwang tao sa mga salitang sinambit at sa mga ikinilos Niya, gayundin sa paraan kung saan inakay Niya ang mga iglesia at ang gawaing Kanyang isinakatuparan. Kaya, natuto si Pedro ng maraming aral kay Jesus na dapat niyang matutuhan, at nang ipapako na si Jesus sa krus, nagtamo siya ng kaunting kaalaman tungkol kay Jesus—kaalamang naging batayan ng kanyang habambuhay na katapatan kay Jesus at ng kanyang pagkapako nang patiwarik na pinagdusahan niya alang-alang sa Panginoon. Bagama’t mayroon siyang ilang kuru-kuro at walang malinaw na kaalaman tungkol kay Jesus sa simula, hindi maiiwasan na ang gayong mga bagay ay isang bahagi ng tiwaling tao. Nang malapit nang umalis si Jesus, sinabi Niya kay Pedro na ang pagpapako sa Kanya sa krus ang gawaing Kanyang gagawin kaya Siya pumarito: Kinakailangan Siyang talikdan sa kapanahunang iyon, at na ang marumi at lumang kapanahunang ito ay dapat Siyang ipako sa krus; naparito Siya upang tapusin ang gawain ng pagtubos, at, kapag nakumpleto Niya ang gawaing ito, magwawakas na ang Kanyang ministeryo. Nang marinig ito, nalungkot si Pedro, at mas napalapit kay Jesus. Nang ipako si Jesus sa krus, lihim na nanangis nang buong kapaitan si Pedro. Bago ito, naitanong niya kay Jesus, “Panginoon ko! Sabi Mo, ipapako Ka sa krus. Kapag nawala Ka na, kailan Ka namin muling makikita?” Wala bang kahalong masama sa mga salitang kanyang sinambit? Wala bang kahalong mga kuru-kuro sa mga ito? Sa kanyang puso, nabatid niya na naparito si Jesus upang tapusin ang isang bahagi ng gawain ng Diyos, at na matapos umalis si Jesus, makakasama niya ang Espiritu; bagama’t ipapako Siya sa krus at aakyat sa langit, sasamahan siya ng Espiritu ng Diyos. Sa panahong iyon, mayroon nang kaunting kaalaman si Pedro tungkol kay Jesus: Alam niyang isinugo si Jesus ng Espiritu ng Diyos, na ang Espiritu ng Diyos ay suma-Kanya, at na si Jesus ang Diyos Mismo, na Siya si Cristo. Subalit dahil sa kanyang pagmamahal kay Jesus, at dahil sa kanyang kahinaan bilang tao, sinambit ni Pedro ang mga salitang iyon. Kung kaya ng isang tao, sa bawat hakbang ng gawain ng Diyos, na magmasid at mahirapan sa pagdanas, unti-unti niyang matutuklasan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. At ano ang itinuring ni Pablo na kanyang pangitain? Nang magpakita sa kanya si Jesus, sinabi ni Pablo, “Sino Ka baga, Panginoon?” Sabi ni Jesus, “Ako’y si Jesus na iyong pinaguusig.” Ito ang pangitain ni Pablo. Ang itinuring ni Pedro na kanyang pangitain ay ang pagkabuhay na mag-uli ni Jesus, ang Kanyang pagpapakita sa loob ng 40 araw, at ang mga turo ni Jesus sa panahon ng Kanyang buhay, hanggang sa katapusan ng kanyang paglalakbay.
Nararanasan ng tao ang gawain ng Diyos, nakikilala ang kanyang sarili, inaalis ang kanyang tiwaling disposisyon, at hinahangad na lumago sa buhay, lahat alang-alang sa pagkilala sa Diyos. Kung hinahangad mo lamang na makilala ang iyong sarili at harapin ang iyong sariling tiwaling disposisyon, ngunit wala kang kaalaman tungkol sa gawaing ginagawa ng Diyos sa tao, kung gaano kadakila ang Kanyang pagliligtas, o kung paano mo nararanasan ang gawain ng Diyos at nasasaksihan ang Kanyang mga gawa, kalokohan ang karanasan mong ito. Kung sa palagay mo ay lumago na ang buhay ng isang tao dahil lamang sa nakakaya niyang isagawa ang katotohanan at magtiis, ibig sabihin ay hindi mo pa rin nauunawaan ang tunay na kahulugan ng buhay o ang layunin ng Diyos sa pagpeperpekto sa tao.

mula sa Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos
 
Ako akala ko nabago nako ng diyos non pero balik parin ako sa dati umiinom ng alak
Kung may puso tayong tapat dapat lang po na sumunod tayo sa Diyos at alisin na natin sa sarili natin nag tiwaling disposisyon, sabi ng bibliya sa mga umiinom ng alak,

📖 Isaias 5:11‭-‬12 (ASND)
Nakakaawa kayong maaagang bumangon para magsimulang mag-inuman at naglalasing hanggang gabi. May mga banda pa kayo at mga alak sa inyong mga handaan. Pero hindi ninyo pinapansin ang ginagawa ng Panginoon.

📖 Isaias 5:20‭-‬22 (MBB)
Kawawa kayo, mga baligtad ang isip! Ang mabuting gawa ay minamasama, at minamabuti naman iyong masama, ang kaliwanaga'y ginagawang kadiliman at ang kadilima'y itinuturing na kaliwanagan. Sa lasang mapait ang sabi'y matamis, sa lasang matamis ang sabi'y mapait. Kawawa rin kayo, mga nag-aakalang kayo'y marurunong, at matatalino sa inyong sariling palagay! Mga bida sa inuman, kawawa kayo! Mahuhusay lang kayo sa pagtitimpla ng alak;

📖 Kawikaan 23:31‭-‬35 (MBB)
Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y katakam-takam, sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag. Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka makapag-isip nang mabuti. Ang makakatulad mo'y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako'y mahandusay? Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”

📖 Efeso 5:18 (MBB)
Huwag kayong maglalasing, sapagkat mauuwi iyan sa magulong pamumuhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.

📖 Galacia 5:21 (MBB)
pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

#Katotohanan
 
Yong mapapatanong ka nalng Kong c Hesus Ang diyos sino yong ama na binabanggit niya habang nanampalataya anung pangalan??
Kapatid, pakibasa mo to,

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinuman ay ’di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko. Kung Ako’y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon Siya’y inyong mangakikilala, at Siya’y inyong nakita. Sinabi sa Kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita Mo sa amin ang Ama, at sapat na ito sa amin. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong Ako’y inyong kasama, at hindi Mo ako nakikilala, Felipe? Ang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita Mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin? Ang mga salitang Aking sinasabi sa inyo’y hindi Ko sinasalita sa Aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa Akin ay gumagawa ng Kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa Akin na Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin: o kundi kaya’y magsisampalataya kayo sa Akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:6–11).
 
Ang Tanong panu ba mananampalataya Ang mga katoliko at kristyano sinusunod ba yong itinuro ni Hesus??
 
Ang Tanong panu ba mananampalataya Ang mga katoliko at kristyano sinusunod ba yong itinuro ni Hesus??

Basahin natin ang sipi, ng sinasabi ng ating Makapangyarihang Diyos,

Pananalig sa relihiyon ang diwa ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao: Hindi nila kayang magmahal sa Diyos, at kaya lamang nilang sumunod sa Diyos na tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad sa Diyos o sambahin Siya. Tahimik lamang silang sumusunod sa Kanya. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit napakakaunti ng nagmamahal sa Diyos; “pinagpipitaganan” lamang nila ang Diyos sapagkat takot sila sa sakuna, o kaya ay “hinahangaan” nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit walang pag-ibig o tunay na matinding paghahangad sa kanilang pagpipitagan at paghanga. Sa kanilang mga karanasan, hinahanap nila ang mga detalye ng katotohanan, o hindi kaya naman ay ang ilang di-makabuluhang hiwaga. Sumusunod lamang ang karamihan ng tao, nanghuhuli ng mga biyaya sa mga maalimpuyong tubig; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumusunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kabuluhan, ito ay walang halaga, at naglalaman ng kanilang mga pansariling konsiderasyon at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang mahalin ang Diyos, ngunit upang maging pinagpala. Maraming tao ang kumikilos paano man nila nais; ginagawa nila ang anumang gusto kanila at hindi kailanman isinasaalang-alang ang mga interes ng Diyos, o kung ang ginagawa ba nila ay alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga taong tulad nito ay hindi man lamang makayang magkamit ng tunay na paniniwala, lalo na ng pagmamahal sa Diyos. Ang diwa ng Diyos ay hindi lamang upang paniwalaan ito ng tao; higit pa rito, ito ay para mahalin ito ng tao. Subalit marami sa mga naniniwala sa Diyos ang hindi kayang tuklasin ang “lihim” na ito. Hindi nangangahas ang mga tao na mahalin ang Diyos, o sumusubok na mahalin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos; hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat mahalin ng tao. Ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos ay ipinahahayag sa Kanyang gawain: Sa pagdanas lamang sa Kanyang gawain maaaring matuklasan ng mga tao ang Kanyang pagiging kaibig-ibig; sa kanilang mga aktuwal na karanasan lamang nila maaaring mapahalagahan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos; at kung hindi ito maisasagawa sa tunay na buhay, walang sinuman ang makatutuklas sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Napakaraming kaibig-ibig sa Diyos, ngunit kung walang tunay na pakikipag-ugnayan sa Kanya, walang kakayahan ang mga tao na tuklasin ito.
 
Saang talata ito makikita???
 
Paki latag ng talata Kong Hindi mo ma ilatag Isa lang ibig sabihin niyan opinion mo lang yan na walang kasiguradohan na yan ay sinabi ng diyos...
Kung gstu mong magsaliksik maaari mo akong kontakin,, at maari tayong magbahaginan,

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7).
 
Kung gstu mong magsaliksik maaari mo akong kontakin,, at maari tayong magbahaginan,

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7).
Tanong ko lang alam niyo Po ba Mula sa talata ng bibliya panu mananampalataya sa panginoong tagapaglikha??may talata Po ba kayo na mailatag Kong wala d ko alam Kong anung doktrina Ang sinusunod niyo Ang bibliya ba o simbahan..
 
Sinabi ng Panginoong Jesus:
“Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27).

“Sapagkat gaya ng kidlat, na kumikislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25)

. “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayunma'y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: … at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating”(Juan 16:12–13)

. “Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ang duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko” (Pahayag 3:20).

“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).

Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21).
“Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45).
“Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway” (Mga Hebreo 10:26–27).
“Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman” (Juan 8:34–35).
“Ay gayon din naman si Cristo; na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa Kaniya” (Mga Hebreo 9:28).
 
Last edited:

Ang Tanong ko lang panginoon ba c Hesus o propheta??
Yang nakalagay Jan sa Mateo 7:21 paki explain daw Po bakit naging panginoon c Hesus?
 
Ang Tanong ko lang panginoon ba c Hesus o propheta??
Yang nakalagay Jan sa Mateo 7:21 paki explain daw Po bakit naging panginoon c Hesus?
Ang Panginoong Jesus po ay pagkakatawang tao ng Diyos, siya lang ang taong nagkaroon ng diwa ng pagka-Diyos at disposisyon ng pagka Diyos, hindi siya isang pambihira, namuhay siya na kasama ng mga tao noong kapanahunan niya, ng normal, at hindi isang pambihira, Ginawa ng Diyos ang pagkkatawang tao dahil sa kanyang malawak na gawain, 2 libong taon n ang nakakalipas, kung hindi magkakatawang tao ang Diyos paano niya maipaparating sa tao ang pagliligtas, noong kapanahunan kautusan, si moises lang tanging nakakangusap sa diyos sa pamamagitan ng pagpapakita bilang kulog at usok o apoy, ang mga tao noon ay natatakot kayat tanging si moises lang may kakayahan n mkarinig, Ang espiritu ng Diyos ay wala pang nakakakita na kahit sino khit si moises, sapagkat itoy banal, at dahil sa ayw ng Diyos na natatakot sa kanya ang kanyang mga nilalang, gumawa siya ng mas malawak na gawain ng pagliligtas sa tao, upang makamit niya ito, nagkatawang tao siya, at nung siya ay nagkatwang tao hindi siya bumase sa mga kuro kuro ng mga tao, kaht ang mga tao nun ay bumase lang sa mga kuro kuro o hula ng mga propeta, na ang akala nila ang tagapagligtas na tinutukoy ay magmumula sa langit, na makikita nilang bumababa mula sa langit, ngunit hindi ganun ang nangyari, siya ay nagkatawang tao, namuhay sa isang pamilya ng normal, upang mas malinaw mas maunawaan ng lahat ang pagliligtas ng Diyos, pero anong ginawa ng mga tao noon, hindi nila pinaniwalaan ang mga bagong salita na dala ng panginoong Jesus bagkus kumapit pa sila sa mga hula at turo na sinasabi sa kasulatan..napakalinaw , nagpakababa ang Diyos para sa sanlibutan upang makausap at mahawakan siya sa anyong tao nang hindi natatakot ang mga tao. Nagsambit ng maraming salita, ngunit ang mga tao ay nagpatuloy pa rin sa mga kuro kuro nila, hanggang sa pinako pa nga nila ang panginoong Jesus, bagamat ganunpaman, hindi lingid sa ating Diyos sapagkat dapat iyon mangyari, may mga plano siya na mas mataas at mas malawakkesa sa mga iniisip ng mga tao, lahat ng kanyang gawain ay naaayon at nasa proseso ng pagiging matuwid, hanggang ngayon hindi tumitigil ang Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan na labis labis na naging tiwali ni satanas.

Ang Tanong ko lang panginoon ba c Hesus o propheta??
Yang nakalagay Jan sa Mateo 7:21 paki explain daw Po bakit naging panginoon c Hesus?
𝗦𝗔𝗕𝗜 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗬𝗔𝗥𝗜𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗬𝗢𝗦

Walang ibang pinagmumulan ang pagbubunyag ng tiwaling disposisyon ng tao kundi ang mapurol niyang konsensiya, ang malisyoso niyang kalikasan, at ang katinuan niyang wala sa ayos; kung muling makababalik sa normal ang konsensiya at katinuan ng tao, magiging akma siyang magamit sa harap ng Diyos. Dahil lamang sa ang konsensiya ng tao ay manhid na noon pa man, at dahil ang katinuan ng tao, na hindi kailanman naging maayos, ay patuloy na mas pumupurol anupa’t lalo pang nagiging mapanghimagsik ang tao sa Diyos, kaya ipinako pa nga niya si Jesus sa krus at hindi pinapapasok sa kanyang tahanan ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw, at kinukondena ang katawang-tao ng Diyos, at mababa ang tingin sa katawang-tao ng Diyos. Kung mayroon kahit kaunting pagkatao ang tao, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa katawang-tao ng Diyos; kung mayroon siyang kahit kaunting katinuan, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa katawang-tao ng nagkatawang-taong Diyos; kung mayroon siyang kahit kaunting konsensiya, hindi siya “magpapasalamat” sa nagkatawang-taong Diyos sa ganitong paraan. Nabubuhay ang tao sa panahon na ang Diyos ay nagkakatawang-tao, nguni’t hindi niya magawang magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng gayon kagandang pagkakataon, at sa halip ay isinusumpa ang pagdating ng Diyos, o lubusang hindi pinapansin ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at para bang tutol siya dito at nababagot dito. Anuman ang pagtrato ng tao sa pagdating ng Diyos, ang Diyos, sa madaling sabi, ay matiyaga nang nagpapatuloy sa Kanyang gawain noon pa man—kahit wala ni katiting na pagtanggap ang tao sa Kanya, at walang taros na humihiling sa Kanya. Naging sukdulang malupit na ang disposisyon ng tao, naging lubos na mapurol na ang kanyang katinuan, at lubusang niyurakan na ng masamang nilalang ang kanyang konsensiya at matagal nang tumigil na maging orihinal na konsensiya ng tao.
 
D akma na maging panginoon c Hesus Kong siya Ang panginoon Kilala ng demonyo Ang panginoon natatakot Ang demonyo pagkaharap ito...c Hesus nong nagfasting siya kinukutya siya ng demonyo natatakot ba sa kanya dba wala panu mo mapatunayan yan???yong namatay siya Mula sa bibliya at nabuhay siya ng tatlong Araw asan siya sa 3 Araw Kong siya Ang panginoon??pakipaliwanag daw Po at pakibasa narin sa Juan 8:42 Kong sinabi ba niya na siya ay panginoon?
 
Simula kasi nung magkasala ang tao ibinigay na sa dyablo ang laman, at ang laman ang layunin ng dyablo na atakehin upang makuha ito, at ang gawaing pagkakatawang tao ng Diyos ang magsisilbi upang mapatunayan sa sangkatauhan na kayang tubusin niya ang tao mula sa kasalanan, ibinilang niya ang kanyang sarili sa mga tulad natin, nagpakababa siya, hindi maarok ng tao ang kaisipan ng Diyos, at sa kanyang mga gawain, hindi tayo maaring magreklamo dhil hindi siya bumabase sa mga kaisipan at kuro kuro ng tao,

Sabi ng Makapangyarihang Diyos

Alam Ko na napakataimtim at napakatapat ninyo kay Jesus, ngunit nakaharap na ba ninyo si Jesus? Alam ba ninyo ang Kanyang disposisyon? Nakapiling na ba ninyo Siya? Gaano ba talaga ang inyong nauunawaan tungkol sa Kanya? Sasabihin ng ilan na naaasiwa sila sa mga salitang ito. Sasabihin nilang, “Napakaraming beses ko nang nabasa ang Bibliya mula simula hanggang wakas. Paanong hindi ko mauunawaan si Jesus? Huwag na nating isipin ang disposisyon ni Jesus—alam ko pa nga ang kulay ng mga damit na gusto Niyang isuot. Hindi Mo ba ako hinahamak kapag sinasabi Mo na hindi ko Siya nauunawaan?” Iminumungkahi Ko na huwag kang makipagtalo sa mga isyung ito; mas mabuti pang huminahon ka at makibahagi tungkol sa sumusunod na mga tanong: Una, alam mo ba kung ano ang realidad, at kung ano ang teorya? Pangalawa, alam mo ba kung ano ang mga kuru-kuro, at kung ano ang katotohanan? Pangatlo, alam mo ba kung ano ang inakala, at kung ano ang totoo?

Ikinakaila ng ilang tao ang katunayan na hindi nila nauunawaan si Jesus. Subalit sinasabi Ko na hindi ninyo Siya nauunawaan kahit katiting, at hindi ninyo naiintindihan ni isang salita ni Jesus. Iyan ay dahil bawat isa sa inyo ay sumusunod sa Kanya dahil sa mga salaysay sa Bibliya, dahil sa sinabi ng iba. Hindi pa ninyo nakita si Jesus kailanman, ni nakapiling Siya, at hindi pa nga ninyo Siya nasamahan kahit sandali. Sa gayon, hindi ba teorya lamang ang pagkaunawa ninyo tungkol kay Jesus? Hindi ba wala itong katotohanan? Marahil ay nakita na ng ilang tao ang larawan ni Jesus, o personal nang nabisita ng ilan ang tahanan ni Jesus. Nahawakan na siguro ng ilan ang damit ni Jesus. Subalit ang pagkaunawa mo sa Kanya ay teoretikal pa rin at hindi praktikal, kahit personal mo nang natikman ang pagkaing kinain ni Jesus. Anuman ang sitwasyon, hindi mo pa nakita si Jesus kailanman, hindi mo pa Siya nakasama kailanman sa anyo ng katawang-tao, kaya nga ang pagkaunawa mo kay Jesus ay laging hungkag na teorya na walang katotohanan. Marahil ay hindi ka gaanong interesado sa Aking mga salita, ngunit ito ang tanong Ko sa iyo: Bagama’t maaaring marami ka nang nabasang akda ng manunulat na pinakahinahangaan mo, lubos mo ba siyang mauunawaan kahit hindi mo pa siya nakasama kailanman? Alam mo ba ang kanyang personalidad? Alam mo ba ang uri ng kanyang pamumuhay? May alam ka ba tungkol sa kanyang nadarama? Ni hindi mo nga lubos na maunawaan ang isang taong hinahangaan mo, paano mo pa kaya posibleng mauunawaan si Jesucristo? Lahat ng nauunawaan mo tungkol kay Jesus ay puno ng mga imahinasyon at kuru-kuro at walang katotohanan o realidad. Nangangamoy ito at puno ng laman. Paano ka magiging karapat-dapat na salubungin si Jesus kung ganyan ang pagkaunawa mo? Hindi tatanggapin ni Jesus ang mga taong puno ng mga pantasya at kuru-kuro ng laman. Paano nagiging akmang mananampalataya kay Jesus ang mga taong hindi nakakaunawa sa kanya.
 
Simula kasi nung magkasala ang tao ibinigay na sa dyablo ang laman, at ang laman ang layunin ng dyablo na atakehin upang makuha ito, at ang gawaing pagkakatawang tao ng Diyos ang magsisilbi upang mapatunayan sa sangkatauhan na kayang tubusin niya ang tao mula sa kasalanan, ibinilang niya ang kanyang sarili sa mga tulad natin, nagpakababa siya, hindi maarok ng tao ang kaisipan ng Diyos, at sa kanyang mga gawain, hindi tayo maaring magreklamo dhil hindi siya bumabase sa mga kaisipan at kuro kuro ng tao,
Kong siya Ang diyos bat siya namatay??
 
Kong siya Ang diyos bat siya namatay??
Kung itatanong sa ating sarili, dapat lang na mahiya at itakwil natin ang ating mga sarili, Dahil ang ginawa ng Panginoon ay hindi magagawa ng kung sino lang na tao, siya ang nagbibigay buhay, at siya lang may kakayahan tumubos sa ating mga kasalanan., Siya lang may kakayahang mkapagpatawad ng mga karimarimarim na mga kasalanan, hanggat handa tayong magsisi sa ating mga kasalanan, ay ililigtas niya tayo, hindi siya pumarito sa mundo upang magparusa kundi ang magligtas,
 
Back
Top