What's new

Help F2F o online?

djcreep

Eternal Poster
Established
Hello po mga Ka-PHC. Magandang Araw po.

Hihingi lang po sana ako ng opinion para sa sitwasyon ko.

Working student po ako currently 2nd yr nagdadalawang isip ako kung mageenroll ako this term. I'm taking CPE with AMA, online mode po sya, then full time employee po ako pag gabi as ITSD. Biglang taas po kasi ang misc and other fees nila from 4k to 12k+ kahit nakaonline lang at self study lang talaga ang nangyayari. So nagiisip po ako na baka tumigil na lang muna, at abangan ang enrollment ni UNC sa Dec. kasi closes na po enrollment nila ngayon, and si AMA until 17 na lang. Solo na lang po ako, wala na parents kaya ako din lahat sa bills ang pagkain and tuition ko. Kinakaya ko naman po pero parang narealize ko na parang nagbabayad lang ako para magkadiploma.

UNC vs AMA:
*F2F *online
*Quality Ed *Not so quality
*high possibility of *may or may not
employment
*good reputation *not sure
*will know how and *since it's full online,
where to ojt not sure where to
*will repeat from *won't repeat
1st yr
*understandable


Ayan po ginawa kong comparison. Not sure po ako kung saan and paano magojt kapag time ng magojt kay AMA. Nakatrimestral po ako pero 4 yrs pa din matatapos dahil sabi ganun daw po talaga. Pero kapag po kay UNC may maccredit naman majority of subjects nung nagpa-assess ako, pero yun nga lang po uulit ako sa first yr, mas tatagal po ba ko pag ganun kung maglilipat ako? o magstay na lang ako kasi wala naman sa school yan kundi nasa skills and exp.? Totoong mas may natutunan po ba kapag f2f? Naisip ko din po ang mahal kasi ng tuition and misc kay AMA pero ni wala kaming labs and puro online study lang po talaga ako. Naisip ko din mas maganda siguro maaga pa lang makakabuild na ko ng connections to my co-students na paeho kong course. Nagdadalawang isip lang po talaga ako kasi 31 na po ako and sa hirap ng buhay matagal kong sinet aside ang pag-aaral dahil kailangan ko magtrabaho noon kaya feeling ko vey late na ko and mas matatagalan pa kapag nagtransfer ako. Sa mga free time ko naman naguupskill ako through Netacad, coursera mga free certificates.

Any opinion po will be much appreciated. Pakiramdam ko po lost ako di ako makareach mg desisyon. Kailangan ko po makapagdesisyon kung magsstay ako ki AMA o hindi kasi until 17 na lang enrollment nila.

Salamat po.
 
Magandang araw din po sa inyo! Batay sa inyong sitwasyon, may ilang mga bagay po akong nais ipunto para makatulong sa inyo sa inyong pagdedesisyon.

Unang-una, kudos po sa inyo sa pagiging isang masipag na working student. Hindi po biro ang sabay na pagtatrabaho at pag-aaral, lalo na sa panahong ito.

Tingin ko, ang pinakamahalagang aspeto na kailangan ninyong isaalang-alang ay ang inyong pangmatagalang layunin. Ano po ba ang mga bagay na gusto ninyong maabot sa hinaharap? Kung ang layunin ninyo ay makakuha ng trabaho sa IT field, malaki ang maitutulong ng sapat na edukasyon at kasanayan.

Sa kwestiyon ukol sa AMA at UNC, may mga pros at cons ang bawat isa:

AMA:

Online Mode: Makakatulong ito sa inyo lalo na kung may trabaho kayo, dahil mas flexible ang oras. Maaari rin itong maging isang advantage dahil handa na kayo sa "remote work" na mabilis nagiging norm dahil sa pandemya.

Quality: Kung sa tingin ninyo na hindi sapat ang kalidad ng edukasyon na natatanggap ninyo, maaaring isa itong red flag. Hindi dapat maging basehan ang pagbabayad lang para magkadiploma.

Miscellaneous Fees: Ang malaking pagtaas ng mga fees ay maaaring maging isang pangunahing hadlang, lalo na kung hindi naman nagbabago o nag-iimprove ang klase ng edukasyon na natatanggap ninyo.

UNC:

F2F Mode: Sa sitwasyon na meron tayong pandemya, maaaring hindi ito ang pinakamagandang opsyon. Ngunit sa kabilang banda, maraming mga eksperto ang nagtuturing na mas epektibo ang face-to-face na pagtuturo lalo na sa mga teknikal na kurso.

Quality of Education: Kung ang UNC ay nag-aalok ng isang mas mataas na kalidad na edukasyon, maaaring ito ang mas magandang opsyon sa mahabang panahon.

Repeating from 1st Year: Kung ang UNC ay magbibigay sa inyo ng mas maraming oportunidad sa hinaharap, maaaring hindi masyadong isyu ang pag-uulit mula sa unang taon.

Sa huling bahagi, mahalaga rin na alalahanin na ang edukasyon ay hindi lamang limitado sa paaralan. Ang mga online courses na inyong tinatapos sa Netacad, Coursera ay magagamit din bilang sandata sa darating na panahon.

Kung ano man ang inyong maging desisyon, importante na hindi kayo mawalan ng pag-asa at patuloy na maabot ang inyong mga pangarap. Ang edukasyon ay isang mahalagang hakbang patungo sa ating mga pangarap, ngunit isa lamang ito sa maraming mga hakbang na pwede nating gawin. Magpatuloy lang po kayo sa inyong mga adhikain.

Nawa'y nakatulong po ito sa inyo. Magandang araw po ulit at mabuhay!
 
Nakita ko na din po yun, nagtry na din ako maginquire. Kaso wala po silang CPE. And basic subjects lang po maccredit nila, meron na po kasi akong mga ibang subjects na natake aside sa basic like programming and logic, fund or electrical& electronic circuits, intro to hdl. Yung sa MMDC po IT major in Cybersec sana nagustuhan ko kasi mas focus kaso halos back to zero kasi walang masyado maccredit.
 
i would say CpE is fine if taken online, computers are everywhere din naman, hindi lang naman sa school merong computer so you can still cope up with the hands on part, saka prefer ko din online pag higher education kasi at that stage meron na tayong independent learning techniques, we can learn with less supervision this time
 
i would say CpE is fine if taken online, computers are everywhere din naman, hindi lang naman sa school merong computer so you can still cope up with the hands on part, saka prefer ko din online pag higher education kasi at that stage meron na tayong independent learning techniques, we can learn with less supervision this time

Yung advantage din po talaga ng online is I have time to rest and do other tasks in balance, and makakapag-upskill din po kahit papano. Salamat po for taking the time to share your thoughts about it lods.
 
2nd year kana paps sa AMA? yung ate ko 5th year nya na pano ba naman lagi siyang binabagsak ni hindi naman nagtturo. Pataas pa ng pataas yung tf nila. Hindi siya makalipat kasi for sure ggipitin yung records nya nyan. Mas maganda po kung makahanap ka ng ibang school na may mas magandang reputation. Habang maaga pa po at mag 22nd year ka pa lang takbuhan mo na si AMA worth it yung balik 1st year kesa mahirapan ka po makagrad. Mas maganda nga po online pero mindan mas maraming pinapagawa kapag ganyan eh pero depende pa rin yan sa schedule.
 

Similar threads

Back
Top