What's new

Closed Elesi

Status
Not open for further replies.

Keala Kazumori-Sakamoto

PHC - Dyosa ®
Elite
Joined
Dec 6, 2012
Posts
2,056
Solutions
27
Reaction
4,259
Points
983
Age
28
Patuloy ang pag-ikot ng mundo
Parang tumatakbong gulong,
Bolang pinag-papasa pasahan ng iba't ibang kamay
Papel na pinunit, binilog, itinapon sa basurahan

Minsan na akong namatay sa pagkakahimbing
Sa maluwalhating kabaliwang minsan nang kinasadlakan
Pilit mang ikutin ng aking paningin
Puro dilim, pagsusumamo't pagkarimarim

Wala akong makita
Wala akong marinig
Walang boses na sumasagot sa aking mga hiling
Ni dingding na nasandalan ko sana ay wala

Ngingiti, tatangis, muling babalik
Marahil ganito nga ang mundo
Parang elesing paikot-ikot
Kagabi'y paghinga ko ang bumubuhay sayo
Ngunit ngayong umaga'y iba na ang mahal mo
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 14
    Replies
  • 689
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
delloCM_

Online statistics

Members online
311
Guests online
5,090
Total visitors
5,401
Back
Top