What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Food Dinuguang Manok

Y

Yours

Dinuguang Manok


Sangkap:

1 kilo manok (tanggalin ang laman at hiwaing maliliit)
1 tasa atay ng manok (hiwain tulad ng karne ng manok)
10 oz o halos isang tasa na dugo ng baboy o baka
3 butil bawang (pinitpit at tinadtad)
1/2 sibuyas (hiniwang maliliit)
1 siling haba
1 tasang suka
1/2 tasang tubig
asin
mantika
magic sarap (optional)

Paraan ng pagluluto:

Mag-init ng mantika at igisa ang bawang at sibuyas. Isunod ang laman ng manok, budburan ng asin at halu-haluin ito. Takpan at hayaan ng 8 minuto. Dagdagan ng 1/2 tasang tubig, hinaan ang apoy, takpan at hayaan ng 15 minuto.

Idagdag ang atay, siling haba at suka.. halu-haluin, takpang muli at hayaan ng 7-10 minuto. Kapag luto na ang atay ay dahan-dahang idagdag ang dugo habang patuloy na hina-halo ito dahil ayaw po nating mamuo ang dugo. Takpan at hayaan ng 5 minuto. I-adjust po natin ang lasa sa pamamagitan ng pagdagdag ng patis kung kulang sa alat o suka kung kulang sa asim ayon sa inyong panlasa. Kapag kuntento na ay takpang muli at hayaan ng 1 minuto. Patayin ang apoy at isilbi habang mainit kasama ang maraming kanin.


saraprasapinas
 

Online statistics

Members online
1,472
Guests online
1,220
Total visitors
2,692

Forum statistics

Threads
813,565
Messages
16,095,026
Members
1,436,946
Top