What's new

Closed Did God Create the Devil?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,567
Reaction
7,225
Points
2,573
The Bible’s answer
The Bible shows that God did not create the Devil. Instead, He created the person who became the Devil. Regarding God, the Bible says: “Perfect is his activity, for all his ways are justice. A God of faithfulness, with whom there is no injustice; righteous and upright is he.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) From that statement, we can conclude that Satan the Devil was at one time perfect and righteous, namely, one of God’s angelic sons.
At You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Jesus said that the Devil “did not stand fast in the truth,” implying that Satan had at one time been truthful and guiltless.
However, like the rest of Jehovah’s intelligent creatures, the angel who became Satan had the freedom to choose between right and wrong. By choosing a course in opposition to God and inciting the first human couple to join him, he made himself Satan, which means “Resister.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Good sir, ask ko lang po, since God created Lucifer, di ba niya dinesign si Lucifer na flawed and pwede macorrupt?
 
But my point is, Lucifer is already designed to become Satan because he is flawed.

Iba pang maling akala tungkol sa Diyablo

Di-totoo: Lucifer ang isa pang pangalan ng Diyablo.

Ang totoo: Ang salitang Hebreo na isinaling “Lucifer” sa ilang Bibliya ay nangangahulugang “nagniningning.” (Isaias 14:12) Ipinakikita ng konteksto na ang terminong ito ay tumutukoy sa dinastiya, o linya ng mga hari, ng Babilonya na hihiyain ng Diyos dahil sa labis na kapalaluan nito. (Isaias 14:4, 13-20) Ang paglalarawang “nagniningning” ay ginamit upang tuyain ang dinastiya ng Babilonya pagkatapos itong mapabagsak.
 
But my point is, Lucifer is already designed to become Satan because he is flawed.

Bakit Hindi Pa Pinupuksa ng Diyos ang Diyablo?

KUNG kaya mong tapusin ang pagdurusa ng iba, gagawin mo ba? Sumusugod ang mga relief worker sa mga lugar ng sakuna para tumulong at magligtas ng buhay ng mga taong hindi nila kilala. Kaya baka maitanong ng isa, ‘Bakit kaya hindi pa pinupuksa ng Diyos ang Diyablo, ang may kagagawan ng labis na pagdurusa ng tao?’

Para masagot iyan, isipin ang nangyayari sa paglilitis ng isang malaking kaso. Ang mamamatay-tao, na desperadong ihinto ang paglilitis, ay nagsasabi na nandaraya ang hukom na humahawak ng kaso at na sinusuhulan pa nito ang mga hurado. Kaya pinahintulutang magbigay ng testimonyo ang napakaraming testigo.

Alam ng hukom na hindi biru-biro ang isang masusing paglilitis, at ayaw niyang maantala ang kaso. Pero alam niya na para makabuo ng desisyon na magiging basehan ng mga kasong posibleng bumangon sa hinaharap, kailangan ng bawat panig ng sapat na panahon para maipagtanggol ang kanilang sarili.

Para makabuo ng desisyon na magiging basehan ng mga kasong posibleng bumangon sa hinaharap, kailangan ng bawat panig ng sapat na panahon para maipagtanggol ang kanilang sarili

Ano ang pagkakatulad ng ilustrasyong ito sa hamon ng Diyablo—tinatawag ding “dragon,” “serpiyente,” at “Satanas”—laban kay Jehova, “ang Kataas-taasan sa buong lupa”? (Apocalipsis 12:9; Awit 83:18) Sino ba talaga ang Diyablo? Anu-ano ang akusasyon niya sa Diyos na Jehova? At kailan siya pupuksain ng Diyos?

Kung Bakit Kailangan ng Isang Basehan

Ang Diyablo ay dating isang sakdal na espiritung persona, isa sa mga anghel ng Diyos. (Job 1:6, 7) Ginawa niyang Diyablo ang kaniyang sarili nang magkaroon siya ng makasariling ambisyon na sambahin siya ng mga tao. Kaya hinamon niya ang karapatan ng Diyos sa pamamahala. Pinalabas pa nga niya na hindi karapat-dapat ang Diyos sa ating pagsunod. Sinabi niya na naglilingkod lang ang tao sa Diyos dahil sa ibinibigay Niyang pagpapala. Sinabi ni Satanas na kapag nagdusa na ang tao, “susumpain” niya ang kaniyang Maylalang.—Job 1:8-11; 2:4, 5.

Ang akusasyong iyan ni Satanas ay hindi masasagot ng basta pagpapakita ng kapangyarihan. Sa katunayan, kung pinuksa agad ng Diyos ang Diyablo, baka isipin ng ilan na tama ang Diyablo. Kaya sinimulan ng Diyos, na may ganap na awtoridad, ang isang paglilitis para masagot ang gayong mga isyu sa harap ng lahat ng nagmamasid.

Kaayon ng mga simulain at sakdal na katarungan ng Diyos na Jehova, ipinahiwatig niya na ang bawat panig ay maglalabas ng mga testigo na susuporta sa kanila. Hinayaan ng Diyos na lumipas ang panahon. Dahil dito, nabigyan ng pagkakataon ang mga inapo ni Adan na mabuhay at magbigay ng testimonyo sa panig ng Diyos sa pamamagitan ng pananatiling tapat sa Kaniya udyok ng pag-ibig sa kabila ng mga pagsubok.

Gaano Pa Kaya Katagal?

Alam na alam ng Diyos na Jehova na patuloy na magdurusa ang mga tao sa panahon ng paglilitis na ito. Pero desidido siyang isara ang kaso sa lalong madaling panahon. Inilarawan siya ng Bibliya bilang “ang Ama ng magiliw na kaawaan at ang Diyos ng buong kaaliwan.” (2 Corinto 1:3) Maliwanag, hindi hahayaan ng “Diyos ng buong kaaliwan” na matagal pang umiral ang Diyablo, ni hahayaan niyang magpatuloy ang mga epekto ng impluwensiya nito. Sa kabilang banda, hindi pupuksain ng Diyos ang Diyablo nang mas maaga—sa panahong hindi pa lubusang natatapos ang kaso na nagsasangkot sa buong uniberso.

Kapag nalutas na ang mga isyu, lubusan na ring naipagbangong-puri ang karapatang mamahala ni Jehova. Ang kaso laban kay Satanas ay magiging batayan magpakailanman. Dahil dito, sakali mang may bumangon muling ganitong kaso, hindi na kakailanganin ng paglilitis.

Sa takdang panahon, uutusan ng Diyos na Jehova ang kaniyang binuhay-muling Anak na puksain ang Diyablo at alisin ang lahat ng pinsalang ginawa nito. Sinasabi ng Bibliya na darating ang panahon na ‘ibibigay ni Kristo ang kaharian sa kaniyang Diyos at Ama, kapag pinawi na niya ang lahat ng pamahalaan at ang lahat ng awtoridad at kapangyarihan. Sapagkat kailangan siyang mamahala bilang hari hanggang sa mailagay ng Diyos ang lahat ng kaaway sa ilalim ng kaniyang mga paa. Bilang huling kaaway, ang kamatayan ay papawiin.’—1 Corinto 15:24-26.

Salamat sa pangako ng Bibliya na ang buong lupa ay magiging paraiso. Mabubuhay roon nang payapa ang mga tao gaya ng nilayon ng Diyos! “Ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.” Oo, “ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.”—Awit 37:11, 29.

Isip-isipin ang napakagandang pag-asa ng mga lingkod ng Diyos gaya ng inilalarawan sa Bibliya: “Narito! Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at tatahan siyang kasama nila, at sila ay magiging kaniyang mga bayan. At ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”—Apocalipsis 21:3, 4.

NAPAG-ISIP-ISIP MO NA BA?

Ano ang mga maling akusasyon ng Diyablo sa Diyos at sa tao?—Job 1:8-11.Anong mga katangian ng Diyos ang tumitiyak sa atin na darating ang panahong pupuksain niya ang Diyablo?—2 Corinto 1:3.Anong pag-asa ang ibinibigay ng Bibliya?—Apocalipsis 21:3, 4.
 
Para masagot iyan, isipin ang nangyayari sa paglilitis ng isang malaking kaso. Ang mamamatay-tao, na desperadong ihinto ang paglilitis, ay nagsasabi na nandaraya ang hukom na humahawak ng kaso at na sinusuhulan pa nito ang mga hurado. Kaya pinahintulutang magbigay ng testimonyo ang napakaraming testigo.

Alam ng hukom na hindi biru-biro ang isang masusing paglilitis, at ayaw niyang maantala ang kaso. Pero alam niya na para makabuo ng desisyon na magiging basehan ng mga kasong posibleng bumangon sa hinaharap, kailangan ng bawat panig ng sapat na panahon para maipagtanggol ang kanilang sarili.

Para makabuo ng desisyon na magiging basehan ng mga kasong posibleng bumangon sa hinaharap, kailangan ng bawat panig ng sapat na panahon para maipagtanggol ang kanilang sarili
lol at this...
yung dyos ba yung hukom sa analogy mo? anong sapat na panahon?
nung nagkasala ba sina adan at eba... binigyan ba sila ng 'sapat na panahon' para mapagtanggol nila yung kanilang mga sarili?

at kung yung hukom e all powerful... all knowing... omni-bull!@$#... bat pa kelangan ng testimonya? pwedeng pwede na sya magpataw ng desisyon e... alam nya lahat... at kung anong magiging desisyon nya sa kaso e tama... alam nya katotohanan e...
ano yan... justice system sa pilipinas... madaming delay? :ROFLMAO:

at kung tinanggal na nya ang root ng problema -which is yung dimunyu-... edi wala ng mangyayaring kaso... edi happy happy lahat... ang tanong ulit... bakit? di nya kaya? ayaw nya? di sila pareho totoo?
 
lol at this...
yung dyos ba yung hukom sa analogy mo? anong sapat na panahon?
nung nagkasala ba sina adan at eba... binigyan ba sila ng 'sapat na panahon' para mapagtanggol nila yung kanilang mga sarili?

at kung yung hukom e all powerful... all knowing... omni-bull!@$#... bat pa kelangan ng testimonya? pwedeng pwede na sya magpataw ng desisyon e... alam nya lahat... at kung anong magiging desisyon nya sa kaso e tama... alam nya katotohanan e...
ano yan... justice system sa pilipinas... madaming delay? :ROFLMAO:

at kung tinanggal na nya ang root ng problema -which is yung dimunyu-... edi wala ng mangyayaring kaso... edi happy happy lahat... ang tanong ulit... bakit? di nya kaya? ayaw nya? di sila pareho totoo?

Isaalang-alang natin ang isang ilustrasyon. Ipagpalagay na ipinaliliwanag ng isang guro sa kaniyang mga estudyante kung paano bibigyan ng solusyon ang isang mahirap na problema. Isang matalino ngunit rebeldeng estudyante ang nagsabing mali ang paraan ng guro sa pagbibigay ng solusyon sa problema. Upang ipahiwatig na walang kakayahan ang guro, iginiit ng rebeldeng ito na may mas mahusay siyang paraan para mabigyan ng solusyon ang problema. Inisip naman ng ilang estudyante na tama siya, at nagrebelde rin sila. Ano ang gagawin ng guro? Kung paaalisin niya sa klase ang mga rebelde, ano ang magiging epekto nito sa ibang mga estudyante? Hindi kaya sila maniwala na tama ang kanilang kapuwa estudyante at ang mga kumampi sa kaniya? Baka mawala ang respeto ng iba pang estudyante sa guro, anupat iniisip nila na takot itong mapatunayang siya ang mali. Ngunit sabihin nating pinahintulutan ng guro ang rebelde na ipakita sa klase kung paano nito bibigyan ng solusyon ang problema.

Mas kuwalipikado ba ang estudyante kaysa sa guro?

13 Ginawa ni Jehova ang kagaya ng ginawa ng guro. Tandaan na hindi lamang ang mga rebelde sa Eden ang nasasangkot. Milyun-milyong anghel ang nagmamasid. (Job 38:7; Daniel 7:10) Ang paraan ng pagharap ni Jehova sa rebelyon ay lubhang makaaapekto sa lahat ng anghel na iyon at sa bandang huli sa lahat ng matatalinong nilalang. Kaya ano ang ginawa ni Jehova? Pinahintulutan niya si Satanas na ipakita kung paano nito pamamahalaan ang sangkatauhan. Pinahintulutan din ng Diyos ang mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili sa ilalim ng patnubay ni Satanas.

14. Ano ang magiging kapakinabangan sa pasiya ni Jehova na pahintulutan ang mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili?

14 Alam ng guro sa ating ilustrasyon na mali ang rebelde at ang mga estudyanteng kumampi rito. Ngunit alam din ng guro na ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataon upang subukang patunayan ang kanilang punto ay magiging kapaki-pakinabang sa buong klase. Kapag nabigo ang mga rebelde, makikita ng lahat ng matatapat na estudyante na tanging ang guro lamang ang kuwalipikado para manguna sa klase. Mauunawaan nila kung bakit pagkatapos nito ay aalisin ng guro sa kaniyang klase ang mga rebelde. Sa katulad na paraan, alam ni Jehova na ang lahat ng tapat-pusong tao at anghel ay makikinabang kapag nakita nilang nabigo si Satanas at ang kaniyang kapuwa mga rebelde at na hindi kayang pamahalaan ng mga tao ang kanilang sarili. Gaya ni Jeremias noong sinauna, malalaman nila ang napakahalagang katotohanang ito: “Nalalaman kong lubos, O Jehova, na ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.”—Jeremias 10:23.

BAKIT KAYA NAPAKATAGAL?

15, 16. (a) Bakit pinahintulutan ni Jehova na magpatuloy ang pagdurusa nang napakatagal? (b) Bakit hindi pinigilan ni Jehova ang mga bagay na gaya ng kakila-kilabot na mga krimen?

15 Gayunman, bakit pinahintulutan ni Jehova na magpatuloy ang pagdurusa nang napakatagal? At bakit hindi niya pinigilang mangyari ang masasamang bagay? Buweno, isaalang-alang ang dalawang bagay na hindi gagawin ng guro sa ating ilustrasyon. Una, hindi niya pipigilan ang rebeldeng estudyante na iharap ang solusyon nito. Ikalawa, hindi tutulungan ng guro ang rebelde na patunayan ang solusyon nito. Sa katulad na paraan, isaalang-alang ang dalawang bagay na ipinasiya ni Jehova na hindi niya gagawin. Una, hindi niya pinigilan ang pagsisikap ni Satanas at ng mga pumanig dito na patunayang tama sila. Kaya kailangang palipasin ang panahon. Sa loob ng libu-libong taon ng kasaysayan ng tao, nasubukan na ng sangkatauhan ang lahat ng anyo ng pamamahala sa sarili, o pamahalaan ng tao. Nakagawa ng ilang pagsulong ang sangkatauhan sa siyensiya at sa iba pang larangan, ngunit ang kawalang-katarungan, karalitaan, krimen, at digmaan ay lalo pang lumalala. Napatunayan na ngayon na bigo ang pamamahala ng tao.

16 Ikalawa, hindi tinulungan ni Jehova si Satanas na pamahalaan ang sanlibutang ito. Halimbawa, kung pinigilan ng Diyos ang kakila-kilabot na mga krimen, hindi ba niya pinatutunayan, sa diwa, na tama ang mga rebelde? Kung gagawin ito ng Diyos, hindi kaya maisip ng mga tao na marahil ay kaya nilang pamahalaan ang kanilang sarili nang walang kapaha-pahamak na mga resulta? Kung kikilos si Jehova sa gayong paraan, magiging kasabuwat siya sa isang kasinungalingan. Gayunman, “imposibleng magsinungaling ang Diyos.”—Hebreo 6:18.

17, 18. Ano ang gagawin ni Jehova sa lahat ng pinsalang idinulot ng pamamahala ng tao at ng impluwensiya ni Satanas?

17 Gayunman, paano na ang lahat ng pinsalang naidulot ng matagal nang rebelyon laban sa Diyos? Dapat nating tandaan na si Jehova ay makapangyarihan-sa-lahat. Kung gayon, kaya niyang pawiin ang mga epekto ng pagdurusa ng tao, at iyan nga ang gagawin niya. Gaya ng natutuhan na natin, maisasauli sa dating kalagayan ang ating nasirang planeta kapag ginawa nang Paraiso ang lupa. Aalisin ang mga epekto ng kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa haing pantubos ni Jesus, at papawiin ang mga epekto ng kamatayan sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. Sa gayo’y gagamitin ng Diyos si Jesus “upang sirain ang mga gawa ng Diyablo.” (1 Juan 3:8) Tutuparin ni Jehova ang lahat ng ito sa tamang panahon. Nagagalak tayo na hindi siya kumilos kaagad, sapagkat ang kaniyang pagtitiis ay nagbigay sa atin ng pagkakataong matuto ng katotohanan at mapaglingkuran siya. (2 Pedro 3:9, 10) Samantala, aktibong hinahanap ng Diyos ang taimtim na mga mananamba at tinutulungan silang batahin ang anumang pagdurusa na maaaring maranasan nila sa maligalig na sanlibutang ito.—Juan 4:23; 1 Corinto 10:13.
 
Pasensya na ts pero hindi ako sang-ayon sa sinasabi mo na ang mga anghel at mga tao man ay binigyan ng Diyos ng freedom to choose between right and wrong o tinatawag na freewill. Kaya naging masama at napaalis ang anghel na naging si satanas sa kaharian ng langit ay sa kadahilanang nilabag niya ang kalooban ng Diyos (God's will) at hindi dahil sa ginamit niya ang kanyang freewill to disobey God willingly. Bakit hahayaan ng Diyos na bigyan Niya ng kalayaan ang kanyang mga anak na pwedeng piliin ang masama kung ang kapalit naman ay mawalay ito sa Kanyang piling at hindi na makamit pa ang buhay na walang hanggan. Dahil ang mga karapat-dapat lamang sa kaharian ng langit kung saan merong buhay na walang hanggan ay ang mga sumusunod sa kalooban ng Ama. Kaya hindi tayo binigyan ng Diyos ng free will to choose between good and evil. Dahil gaya ng sabi ni Cristo, ang mga makakapasok lamang sa kaharian ng langit ay ang mga sumusunod sa kalooban ng Ama na nasa langit (Mateo 7:21).
 
Last edited:
Pasensya na ts pero hindi ako sang-ayon sa sinasabi mo na ang mga anghel at mga tao man ay binigyan ng Diyos ng freedom to choose between right and wrong o tinatawag na freewill. Kaya naging masama at napaalis ang anghel na naging si satanas sa kaharian ng langit ay sa kadahilanang nilabag niya ang kalooban ng Diyos (God's will) at hindi dahil sa ginamit niya ang kanyang freewill to disobey God willingly. Bakit hahayaan ng Diyos na bigyan Niya ng kalayaan ang kanyang mga anak na pwedeng piliin ang masama kung ang kapalit naman ay mawalay ito sa Kanyang piling at hindi na makamit pa ang buhay na walang hanggan. Dahil ang mga karapat-dapat lamang sa kaharian ng langit kung saan merong buhay na walang hanggan ay ang mga sumusunod sa kalooban ng Ama. Kaya hindi tayo binigyan ng Diyos ng freewill. God's will lang ang meron tayo. Dahil gaya ng sabi ni Cristo, ang mga makakapasok lamang sa kaharian ng langit ay ang mga sumusunod sa kalooban ng Ama na nasa langit (Mateo 7:21).
ang lungkot naman niyan para sa Diyos, kasi niloloko niya lang ang sarili niya na may nagpupuri sa kanya.
 
ang lungkot naman niyan para sa Diyos, kasi niloloko niya lang ang sarili niya na may nagpupuri sa kanya.
Maraming nagpupuri sa Diyos at karapat-dapat lamang Siyang papurihan at sambahin dahil sa kapangyarihan niyang magbigay ng buhay na walang hanggan sa mga nagmamahal at sumusunod sa Kanyang kalooban. Walang sinumang makapagbibigay ng buhay na walang hanggan tanging ang Diyos lamang. Salamat.
 
Maraming nagpupuri sa Diyos at karapat-dapat lamang Siyang papurihan at sambahin dahil sa kapangyarihan niyang magbigay ng buhay na walang hanggan sa mga nagmamahal at sumusunod sa Kanyang kalooban. Walang sinumang makapagbibigay ng buhay na walang hanggan tanging ang Diyos lamang. Salamat.
Hndi yan yung point ko, kasi ang Diyos kung wala tayong free will edi sht niloloko niya lang sarili niya
 
Hndi yan yung point ko, kasi ang Diyos kung wala tayong free will edi sht niloloko niya lang sarili niya
Ah ok. Ang sinasabi ni ts ay binigyan daw ng Diyos ang mga anghel at mga tao ng freedom to choose between good and evil. Ang Diyos ay Diyos lamang ng kabutihan at hindi maaaring maging Diyos din ng kasamaan. Sa kaharian ng Ama lahat ay mabuti at bawal gumawa ng masama. Gayundin sa ating mga tao hindi gusto ng Diyos na gumawa tayo ng masama dahil labag ito sa Kanyang kalooban. Masasabi pa rin ba nating may free will tayo to choose between good and evil kung ang iniuutos lamang sa atin ng Diyos ay maging mabuti at gumawa ng kabutihan? Pinupuri, sinasamba at minamahal natin ang Diyos hindi dahil sa gusto lang natin kundi dahil Siya ang lumikha sa atin at dahil Siya ay napakabuti at napakamapagmahal na Diyos sa atin. Isang bagay lamang ang kahilingan ng Diyos upang huwag tayong mawalay sa Kanya, yun ay ang sundin natin ang Kanyang kalooban.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 37
    Replies
  • 1K
    Views
  • 15
    Participants
Last reply from:
journix

Online statistics

Members online
845
Guests online
1,828
Total visitors
2,673
Back
Top