What's new

Poems Di Tinadhana

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
26,039
Solutions
6
Reaction
66,690
Points
16,695
Salamat at sa maikling panahon
ika'y nakilala,
at ang landas natin ay
pinagtagpo bigla,
kahit ang mga sandaling yun
hanggang duon na nga lamang,
kasi ikaw ay di na muling masusulyapan,

Baka balang araw magkatagpo ulit tayo,
sa dating tagpuan na ang tanging nakakaalam ay
ikaw lang at ako,.
pero baka sa araw na iyon handa na din akong magpalaya at magpapaubaya,
para kasing tayo 'y pinagtagpo lang pero di kailan man itinadhana,
Balang araw darating din ang tunay na magmamahal sayo ng buo,
at siya na ang magpapatuloy at bubuo ng kwento mo,
kagaya ng pagbuo mo sa kwento ko.








❤️~Professora Akira~❤️




 
Back
Top