What's new

Tutorial Di nyo na kailangan ng Isa pang computer para sa Server o web hosting

Joined
Jun 21, 2020
Posts
124
Reaction
49
Kung hindi nyo kailangan ng totoong web hosting at domain sa Thesis nyo may technology na pwede nyo ng gamitin para mag-emulate ng parang tunay na server.

Docker Containers.

Ang containers ay isang feature sa Linux pero sumikat sa mga cloud server tulad ng AWS, Google o AZURE. Marahil dahil na rin sa kamahalan ng mg ito, imbis na mag renta ka ng limang server, kahit isang server lang pwede ka ng mag-implement ng maraming system.

Ang Docker ay kahalintulad siya ng VMWare or ibang virtual machine. Para gumamit ng Virtual Machine, kailangan mong mag-allocate ng CPU, RAM at malaking disk space dahil ang paggamit nito ay parang isang computer. Ang problem dito ay kailangan mong hiwalay na ii-install ang Operating System ibig sabihin kailangan mo ng license. At kailangan mo rin iinstall at configure ang software na kailangan mo tulad ng Apache, IIS, SQL Server, mysql at iba pa para lang mapagana ang system mo.

And Docker ay mas pinasimple. Bago ang lahat eto ang mga salita or Teminology na kailangan mong malaman sa pag-gamit ng Docker.
  • Container - dito nakalagay yung mga app o program na gusto mong gamitin. Para siyang isang vmware machine
  • Image - Eto ang isang bundle na kailangan mo para mapagana ang isang application. Makikita mo ang listahan ng mga images sa url na ito
  • Volumes - Eto ay katumbas ng isang folder or directory
  • Ports - eto ay port ng computer. Ang bawat application may ginagamit na port halimbawa
    • MS Sql Server = 1433
    • MySql = 3306
    • Oracle = 1521
    • Web = 80 o 8080
Bakit iba ang Docker sa VMWARE,
  • Libre siya at lahat ng image na nakapublish sa url na nabanggit ko. Meron pa ring mga Image tulad ng Sql Server na nag-rerequire ng license pero kung gagamitin mo na ito sa PRODUCTION. Kung pang develop lang o Pang Thesis libre.
  • Ang docker ay mas magaan o lightweight, kapag nagsetup ka ng isang sql server halimbawa, di mo na kailangang mag-allocate ng cpu, ram o iba pang resources.
  • Di mo na kailangang mag-install ng Operating System.
  • Dahil sa iba ibang configuration ng isang computer minsan kapag nagkaproblema iba iba ang nagiging factor. At Dahil isolated ang isang app sa ibang app madali siyang i-troubleshoot
  • Gumagana sa kahit anong Operating System.
  • Kahit sa hindi kalakasang Machine pwede siyang gumana.
Pano paganahin ang Docker.
  • Kailngan mong i-install ang Docker sa computer mo.
  • 3 paraan para makapag setup ng isang application sa docker
    • CLI = command line interface
      • docker run -it --network some-network --rm mysql mysql -hsome-mysql -uexample-user -p
    • Dockerfile - eto ay paggamit ng command na nilalagay sa file
      • Code:
        # Derived from official mysql image (our base image)
        FROM mysql
        EXPOSE 3306
    • docker-compose.yml - ito ay parang Dockerfile pero ang kagadahan nito pwede mong pagsamhin ang 1 or maraming app sa isang container
      • YAML:
        # Use root/example as user/password credentials
        version: '3.1'
        
        services:
        
          db:
            image: mysql
            command: --default-authentication-plugin=mysql_native_password
            restart: always
            environment:
              MYSQL_ROOT_PASSWORD: example
        
          adminer:
            image: adminer
            restart: always
            ports:
              - 8080:8080

Napakadaling gamitin ang Docker Container. So para sa mga mag-thethesis diyan hindi nyo na kailangan ng 2 o maraming computer para lang magsetup ng servers.
 

Online statistics

Members online
1,602
Guests online
1,488
Total visitors
3,090

Forum statistics

Threads
1,234,709
Posts
21,663,628
Members
1,616,680
Attachments
1,739,681
Profile posts
100,329
Top