What's new

Tutorial Daily Text

IM Smash

Elite
Joined
Jul 9, 2016
Posts
883
Reaction
256
Martes, Hulyo 28Ang bawat sanga sa akin na hindi namumunga ay inaalis niya.—Juan 15:2.Ituturing lang tayo ni Jehova na mga lingkod niya kung nagbubunga tayo. (Mat. 13:23; 21:43) Kaya sa ilustrasyon sa Juan 15:1-5, ang ibubunga ng bawat Kristiyano sa ilustrasyon ni Jesus ay hindi maaaring tumukoy sa mga bagong alagad na nagagawa natin. (Mat. 28:19) Dahil kung ito ang tinutukoy, ang mga Saksing hindi nakagawa ng alagad dahil walang tumutugon sa kanilang teritoryo ay maihahalintulad sa mga sangang hindi namumunga ayon sa ilustrasyon ni Jesus. Pero hindi makatuwiran iyan! Bakit? Dahil hindi natin puwedeng pilitin ang mga tao na maging alagad. Maibigin si Jehova at hindi niya itatakwil ang mga lingkod niya dahil lang sa hindi nila nagawa ang isang bagay na hindi nila kaya. Ang hinihiling lang sa atin ni Jehova ay ang kaya nating gawin. (Deut. 30:11-14) Kaya ano ang dapat nating ibunga? Malinaw na ang bunga ay tumutukoy sa isang gawain na kayang gawin ng bawat isa sa atin. Anong gawain? Ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos.—Mat. 24:14. w18.05 14 ¶8-9
 

Online statistics

Members online
1,676
Guests online
1,404
Total visitors
3,080

Forum statistics

Threads
1,232,113
Posts
21,634,965
Members
1,615,870
Attachments
1,735,912
Profile posts
100,300
Top