What's new

Help Car PMS at Shell stations?

Tomy Spark

Forum Veteran
Joined
Mar 24, 2013
Posts
1,413
Reaction
2,746
Points
668
syempre walang tatalo pagdating sa PMS ng casa, kaso pricey.

okay din ba magpa PMS sa shell stations? anong coverage ng full PMS nila?
 
Meron naman sa manual kung ano na ang dapat gawin kung umabot ka sa certain km. Sa kilalang talyer lang ako nag papa pms dito sa amin sinsabi ko lang dapat gawin inaabot lang ako ng 5k
 
Hindi ako nagpapaPMS sa shell kasi halos same lang din ng price sa mga shops na may PMS may extra services pa. Sa Shell kasi lahat babayaran mo mula sa oil hanggang sa labor. May free checkup sila pero hanggang dun na lang unless gusto mong gumastos.

Sa mga shop or talyer na gumagawa nun madalas kasama na yung checkup at cleaning ng air filter, spark plugs, brake and more kaya sa ganon ako nagpapagawa.

Pero if need mo lang change oil pwede sa shell lalo na kung maliit lang oto mo. If need mo ng checkup, cleaning and replacements suggestion ko hanap ka ng kilala or marunong na talyer. Kadalasan may mga promos pa sila.
 
so ayun nga, nag try ako magpa PMS sa isang Shell Station. yung prices dyan eh labor fees kung gusto mo mag avail ng additional service.

ang base price ng kanilang PMS for a gas vehicle (sedan) is around ₱ 4,000. nalimutan ko, haha.

inabot ako ng ₱4,700 kasi pinapalitan at pina bleed ko yung brake fluid. so far, okay ang services nila para sakin.

yun nga lang hindi sya sulit unlike sa ibang shops na same price offers na my kasamang throttle body cleaning, spark plugs cleaning, etc.

ang ini-expect ko sa brake cleaning ng shell is tatanggalin nila ung brake pads then gagamitan ng spray? unlike sa nakikita ko sa ibang shops.

sayang lang kasi super layo ko dun sa mga shops na yun. ang hirap hanapan ng schedule dahil sa work ko. then gagastos pa ako ng gas.

anyway, naguumpisa na ako mag invest sa tools. sa next change oil ko, ako na gagawa. simple lang naman pala. then yung last recommendations ng shell, ako na din ang gagawa. buti na lang andyan si YøùTùbé.

so sa mga gusto magpa PMS sa shell, okay din naman. pero much better kung sa legit shops na kini-cater yung specific brand/model ng isang sasakyan. yung tipong expert sila dun.

malas ko lang kasi wala akong time mag-visit at gumastos sa gas na parang halos nag out-of-town na.

PXL_20230225_090108923.jpg PXL_20230225_075954458.jpg
 
Attachments

View attachment 2537171 View attachment 2537172
Yung sa Brake Flushing kasama na yung fluid?

Oks din DIY malaki matitipid pero sa tamad magDIY na tulad ko masoks na magbayad na lang. hahaha
 
hindi kasama yung fluid. parang nasa ₱290 lang yung dot4 fluid, plus ₱500 sa labor. simple lang pala ang flushing, ako na din ang gagawa sa susunod. 😅

ang hindi lang okay na service sa kanila eh yung pag check ng transmission fluid. matic kasi yung oto ko. binabase lang daw nila sa mileage. hindi pati sila nag tire rotation. siguro kung nasabi ko baka ginawa. kung wala lang ako kasamang tsikiting e kinulit ko yun.

ayun naman ang advantage sakin. mahilig ako magkalikot kaya tambay din ako sa mga DIY sa YøùTùbé.
 
Similar threads

Back
Top