What's new

Help Bkit parang nakakapagod na?

Dakhun

Forum Guru
Elite
Maglalabas lng ako ng hinanakit dito, di ko kasi alam, wala namn akong friends na pwede mapagsabihan ng mga kadramahan kasi nga diba pagnagdadrama tayo sasabhan lang tayo na "ang drama mo!" Pero this past few days kasi parang nawawalan na ako ng purpose sa buhay. Alam nyo yun yung nagpapakabuhay nalng kayo para mabuhay hindi para maenjoy ang buhay. Tas lagi mainit ulo ko like gusto kong sapakin yung mga taong maiingay gustong murahin. Hayssa ewan ko ba naobserve ko lng sa sarili ko this past few days. 😞
 
Nahulaan na ng bible mga mang yayare sa hinaharap ts, na lalong sasama ang mga tao kaya pinaka mgandang paraan mag pray, sa dyos mo na lng ipaubaya total nmn lahat nmn tyo mamatay.. wala pang taong umabot ng 150 yrs old lahat ng nabubuhay ngaun mamatay balang araw ..
 
I woul not say it's normal pero 'di lang ikaw nakakaramdam nan. Sabi mo past few days pa lang ako years na hahahahahaha pero eto buhay pa rin. Natuto ako iembrace tong nararamdaman ko; "Walang kabuluhan ang lahat ng bagay. Mamatay din naman tayong lahat." hahahaha pero wag ka sanang magaya sa akin marami akong friends pero nagkaganito pa din ako napakapessimistic na sa buhay at gumigising lang para sa wala pero go lang wag susuko kapatid
 
Last edited:
Ako nga depressed dahil sa mga sakit. Swerte ka pa yan lang problema mo. Namomroblema na magulang ko dahil sa mga sakit ko. Kaya ikaw balewalain mo nalang yan nararanasan mo dahil may mas malala pa sa iyo
 
Nawwwln na din ako gana gawin mga hobbies ko ts, tas hind rin ako basta2 makakalabas gawa ng nagkarn ako ng skin sensitivity pagnaexpose ng matagal sa labas, di namn ako ganto dati nadevelop lng simula nung nagkacovid. Nawalan ng exposure sa araw kaya ayun pagnaexpose na sa araw nangangati ang balat ko
 
hindi naman yata tama na baliwalain at iinvalidate yung nararamdaman nya kase merong mas nahihirapan. Magkakaiba tayo ng nararanasan pero 'di maitatanggi na parehas nakakaranas ng sakit emotional or physical oo maaaring magka-ibang antas pero parehas pa rin naman tayong may laban na pinagdadaanan.
 
Hindi mo alam ano weaknesses at strength level ng isang tao paps. Kaya di mo masasabing madaling balewalain lng ang nararamdaman at di mo pa din nmn alam ano tlga whole story nagbigay ka na agad ng judgement mo
 
[XX='Dakhun, c: 951560, m: 742534'][/XX]
Nagsisimula alang ang covid pandemic madami nang mga health experts ang nagsabi na dadami ang makakaexperience ng mental/emotional problems. Gaya ng nararanasan mo.

Kung di pa naman malala maglabas ka lang ng saloobin mo. Tulad nito, sabihin mo yung gusto mong sabihin maaaring isang cause nyang nangyayari sayo ay lack of socialization since hindi makalabas buhat ng quarantine.
 
Nah, im just saying na may mga taong may mas malala ang sitwasyon tulad ko. Ine-encourage ko sya about sa problema nyang pinagdadaan dahil dumadaan din ako ngayon sa sitwasyon nya.

May skin allergy din ako papi (7 years nang lumilitaw at nawawala).

May unknown sicknesses din ako dahil naburo sa loob ng bahay

Ginawa ko lang to remove my anxiety or stress, or kung ano man bumabagabag sa isip mo is just to accept whatever will happen.
 
I think sa sinabi niya is more on truth ts, pero in a wide perspective at gusto niyang ipamutawi niya is don't lose hope. Gusto lang niya na maging optimistic ka and be thankful you are alive up to now. I believe ang nararanasan mo ngayon is something need ng new things. "The purpose of life is to enjoy living" 🤗.
 
Kung iintindihin ko, may point naman si Whazabi kung ikukumpara nga naman di ba.

Pero dahil wala akong problema If I were in the shoes of Dakhun medyo may mali nga sa emotional at mental state nya ngayon.

If walang problema yung pinagsabihan mo na balewalain nalang then he/she will take it as advice pero kung yung pagsasabihan mo nyan ay may pinagdadaanan he/she will take it as an insult.

Btw karamihan ng mga doktor ang nirerecommend na gawin sa mga taong may mental or emotional problem is not advise kundi makakausap. Kapag daw kasi nagbigay ng advise sa taong may pinagdadaanan pakiramdam nya inuutusan mo sya.
 
"Don't lose your way
with each passing day
You've come so far
Don't throw it away
Live believing
Dreams are for weaving
Wonders are waiting to start
Live your story
Faith, hope and glory
Hold to the truth in your heart"

I get it from the song "If we hold on together" by Diana Ross 🤗.
 
marami ang kagaya mo ts, pati ako ganyan din, marami na rin ako nababasa na nagpakamatay na
malamang covid fatigue.... basta marami ang depressed
mag-enjoy ka lang sa buhay mo...
if you can't see any reason to live then create one, live by it, live for it
 

Similar threads

Users search this thread by keywords

  1. Richdad poordad
Back
Top