What's new

Closed Bird flu (karagdagang impormasyon)

Status
Not open for further replies.

dostresx

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 6, 2016
Posts
1,978
Reaction
2,489
Points
822
“Bird Flu”
Isinulat ni: Whitehat

Ako ay kasalukuyang nakatira sa bayan ng Pampanga, kung saan unang naibalita na sa aming bayan
unang nagmula ang sinasabing virus na Bird Flu taong kasalukuyan. Naisipan kong magbigay ng kaunting impormasyon patungkol sa nasabing virus.

Ang bird flu ay pwede ri’ng tawagin na ‘avian influenza’, isang nakakahawang impeksyon hindi lamang sa mga ibon sapagkat maaari ding mahawaan ang tao at iba pang mga hayop.

H5N1 ang common form ng Bird Flu at lubhang mapanganib sa mga ibon at maaaring mahawaan ang tao at mga hayop na mayroong contact sa isang ibon na impektado sa virus. Ayon sa World Health
Organization, ang H5N1 ay unang nadiskubre sa mga tao taong 1997 at 60% ng impektado ay namatay.

Ang bird flu ay hindi pa naibalitang nakaka hawa via human-to-human contact. Subalit nangangamba
parin ang mga eksperto na baka mangyari ito.

SYMPTOMS OF BIRD FLU?
Maaaring impektado ka ng virus kung ikaw ay nakakaranas ng mga sakit gaya ng:
- Ubo
- Pagtatae
- Respiratory difficulties
- Lagnat (tataas 100.4F/38C)
- Sakit sa ulo
- Muscle Aches
- Runny nose

CAUSES OF BIRD FLU

H5N1 ang unang bird flu na nakaka hawa sa tao. Ang unang impeksyon ay nagmula sa Hong Kong taong 1997. Madaling kumalat ang virus sapagkat maaari itong makahawa galing sa mga dumi ng impektadong ibon na maaaring pumunta sa ating mata at bibig.
Ang pagkuha ng saktong luto ng mga impektadong ibon ay ligtas sa virus, ang mga itlog ay di maaaring kainin ng malasado o hilaw, ligtas rin ang mga karneng naluto at least 165 degrees Fahrenheit (73.9C).

RISK FACTORS
Ang virus ay mayroong abilidad na mabuhay sa limitadong panahon lamang. Ang mga ibo’ng impektado ng bird flu ay maaaring ilabas ang virus sa pamamagitan ng dumi o laway sa loob ng sampung araw. Ang pag hawak sa mga kontaminadong bagay ay maaaring makahawa. Hindi na ako magtataka kung bakit impektado narin ang Nueva Ecija sa Bird flu.
Malaking factor sayo ang pagkahawa kung ikaw ay:
- Poultry farmer
- Traveler affected areas
- Exposed to infected birds
- Mga kumakain ng mga undercooked poultry eggs
- Healthcare worker caring for infected patients

Kung sa ibang bansa ay ang virus na bird flu ay normal lang, wag naman masyadong OA maka reactpatungkol sa nasabing virus. I once encountered a person on Jollibee na umorder ng Chicken Joy, tinanong niya yung cashier kung may bird flu daw mga manok nila, Hell no! Ang bawat fast food ay
ligtas sa virus, sapagka’t sinisiguro nilang pumapasok ang final temperature ng bawat lutong pagkain bago ito i-serve. Well, Concern lang Haha.

Source:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Ps : Ako ay isang manunulat ng mga page sa Facebook. Marami na akong mga artikulong naibahagi sa mga mambabasa. Kasama na rito ang mga Katotohan patungkol sa loob ng Deepweb. kung nais nyong magbahagi pa ako ng mga artikulo ko, maaaring magbigay ng comment sa baba. salamat.
Makikita nyo rin ako sa mga Facebook Page na ito.
Deepweb Reader's Ph
The Forbidden Eye
The Black Book
Deepwepedia
Deepweb Philippines

Salamat sa pagbabasa.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top