What's new

Closed Bintana

Status
Not open for further replies.

thatsjustkib

Honorary Poster
Joined
Oct 10, 2017
Posts
255
Reaction
62
Points
162
BINTANA

Ako'y nakatingin sa bintana,
Bintana kung saan marami kang makikita,
Bintana na sa loob ay may taong nag-aaruga,
Bintana kung saan sarili ko'y di na makita.

Ika'y isang tula sa aking panaginip,
Umaawit na para bang nang-aakit,
Tila tala sa langit,
Na mahirap abutin kahit ipilit.

Pero ngayon alam ko na,
Ika'y pantasya na ng iba,
Kaya pala ako'y di mo na alintana,
Dahil ika'y masaya na sa piling nya.

Nung nakaraang Agosto ako'y nagsabi,
Isang tinig mula sa labi.
Babalik ka pa ba?
Ang sagot mo'y di na nasabi,
Kahit alam ko na kung ano ang iyong balak ipaintindi.

Gusto kong bumalik sa nakaraan,
Nakaraan na ikaw ang laman,
Nakaraan na ayaw mo ng balikan,
Pero ang nakaraan na sadyang mapanlinlang,
Ay ang nakaraan na habang buhay ko nang binabalik-balikan.

Sampung taon na ang nakakalipas,
Simula nang umalis ka sa pinas,
Sampung taon na rin ang lumipas,
Mula nang sumama ka sa iba at ako'y naglaslas.

Ako'y nakatingin sa bintana,
Bintana kung saan marami kang makikita,
Bintana na sa loob ay di ka kasama,
Dahil ang buhay ko ay wala na.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 7
    Replies
  • 574
    Views
  • 7
    Participants
Last reply from:
scarsbao

Online statistics

Members online
1,105
Guests online
4,227
Total visitors
5,332
Back
Top