What's new

Closed "bingi"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
"BINGI"

BALIK-TANAW ako sa mga nakaraan
Bagong salita aking nalalaman
BANGAG man itong aking isipan
Iyong ibig sabihi'y naiintindihan

Bingi ako sa iyong mga salita
BANAAG mo lamang tangi kong pandama
Pagkat hindi ko kayang pakinggan ka
Itong aking pandinig, naglaho na

Nais kong IHAYAG itong aking,
Sa mga nakikinig nitong TABING
Pagkat ako'y dadalo sa'yong PIGING
Mapakinggan ko lamang itong hiling

kARIKTAN ang pagiging tulad ko
Mga TABAK na salita'y naiiwasan ko
Sa tuwing ako'y nilalait niyo
Mas masikap ako't pursigido

Kayat itong pakatatandaan mo
Matinding pagsubok dinaanan ko
Kung ikaw kaya sa katayuan ko?
Baka hirap ka nang pakinggan ako.




Spoiler contents are visible only to Established Members.


MABAGSIK NA LIKHA NI:
Mad`ThePoetMotivator
 
Bingi

hindi mo kailangan pakinggan lahat ng nakikinig sa daan
mga salitang hindi naman kailangan sa atin nagbabasak lang
lagi tatandaan maging bingi kailangan minsan
dahil sa mga tao nangbabagsak sa ating kalakasan
ngunit wag ugaliin ang kabingihan sapagkat
mali rin naman na hindi makinig minsan sa mga payo
na ating kailangan
mga pag aalaga ng pamilya at kaibigan
kung sa tingin mo ikaw ay pinangangaralan
tagapin mo na ang sinasabi pagkatapos pag isipan
dahil wala naman mawawala sa ating sarili at katawan
mga payo ng iba ay kailangan din minsan
maging bingi kaman minsan
hindi mo parin matatakasan ang malinaw na paningin sa katutuhanan
na sa pagbagsa mo ay hindi lang puro sugat ang iyong nakakantan
may mga taong magtatayo sayo din naman

-NameLess
 
Huwag ka lang maging bingi sa lansangan,
Dahil tiyak na ika'y masasagasaan :)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top