Ok, dahil religious ka at buo ang iyong paniniwala, makukunclude mo nang "everything is spiritual". Pananaw mo yan and i respect. Matanong lang ano ba religion mo paps?
Mahirap kasi patunayan paps yung Spiritual kung hindi mo pa ito na-experience eh.
Like for example ng mga experiences ko.
Sa multo or kung ano man yun. Ako na-experience ko na to 3 times, kaya I can say na totoo.
Ako ang opening sa store namin kaya patay pa lahat ng ilaw. Sobrang dilim at wala akong makita sa 2nd floor.
May kasama ako? Oo isa, pero nasa gate siya at malayo saken. Nasasabi ko yun kasi nakikita ko syang malayo siya saken.
Yung switch ng ilaw kasi nasa hagdan at papuntang 2nd floor. (Note : Nakatalikod ako sa 2nd floor)
Pagpunta ko ng hagdan at akmang bubuksan ko na yung ilaw natigilan ako dahil may sumitsit saken sa likod sa may 2nd floor. Pero hindi ko nga makita kasi sobrang dilim.
Hindi ko pinansin at inisip ko na baka guni-guni ko lang o kaya naman yung kasama ko lang.
Yung akmang bubuksan ko na ulit 2nd time, may sumitsit ulit saken sa 2nd floor.
And this time I can confirm na malapit lang yung pagsitsit at nasa likod ko lang(ayan kinikilabutan na naman ako )
Then tinignan ko yung kasama ko kung nasaan.. Ang layo niya..nasa gate.
Kaya naisip ko, ahhh baka nasa 2nd floor yung sumisitsit..(hindi ko alam kung bakit ko naisip yun)
Yung akmang bubuksan ko na ulit yung ilaw natigilan ako.
Sabi ko, teka.... paano nga pala magkakaroon ng tao sa 2nd floor? Eh kami lang tao dito.
Biglang sumitsit ulit ng 3rd time. Sa takot ko pinagbubuksan ko na agad lahat ng ilaw, wala nako pake kung masira ko yung braker hahahah
Yan yung Spritual world na sinasabi ko na hindi rin kaya ipaliwanag ng Science.
And hindi mo rin pwedeng i-deny yan kasi ako ang naka-experience nyan.
Malalaman mo lang kung ikaw mismo naka-experience.
Meron pa ko 2 spiritual experiences duon sa store.
Buti nga ngayon wala na ko dun.