Nung elementary ako, year 2000 ata yun, wala ako ka-ide-idea sa politics pero naalala ko ang yumao kong mabuting tatay, tinutulungan nya ako sa assignment ko sa history, bigla ng natapat kay late F.Marcos, napakwento na lang sya, di ko na matandaan ang kwento nya but i remember na ρrø-marcos sya, ngayon 2022, tinanong ko nanay ko na nasa U.S na ngayon:
Ako: Nay, ilan taon na kayo ng martial law
Nay: 12 nak
Ako: ahhh, malapit na naman halalan dito eh
Nay: si bongbong marcos pinakamabait (nay wala pa ko tinatanong
)
Ako: ah talaga nay
-----------------------
So. Bat ko kinwento ang tatay at nanay ko? Ang tatay ko di nakatapos ng pagaaral, pero sya ang isa sa pinakamabait na taong nakilala ko, ang nanay ko di din nakatapos pero alam ko at napatunayan nya na kung gano sya katalino, at napakabaet din ng nanay ko, point ko is tiwala ako sa desisyon ng mga parents ko, never nila ako pinahamak, at ang mga taong to na sobrang buti ay tiwala akong tama ang desisyon.. anyways.. di alam ni nanay ko na BBM ako, inalam ko lang opinyon nya, at di naman ako nabigo