What's new

Closed Basta Na Lamang ba Nangyari Ito, o Ito ay Nilalang?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,567
Reaction
7,225
Points
2,573
ASIWÂ ang maraming siyentipiko sa ideya na ang uniberso ay nilalang ng isang matalinong Maylalang. Kaya sinapantaha nila na ito’y basta na lamang lumitaw sa paanuman sa ganang sarili nito. Ngunit walang sinumang makapagpaliwanag kung paano maaaring mangyari iyon.
Ang totoo, ito’y gaya ng iniulat ng magasing Scientific American sa Enero 1999 na isyu nito: “Hindi ipinaliliwanag ng teoriya ng big bang ang paglitaw ng uniberso.” Idinagdag pa ng magasin: “Kakailanganin ang isa pang teoriya na maglalarawan sa mas nauna pang panahon upang maipaliwanag ang orihinal na paglalang ng uniberso.”
Ngunit, makatuwiran kaya para sa iyo na isiping basta na lamang nilalang ng unibersoang sarili nito? Ganito ang sabi ng pisikong si Charles H. Townes: “Totoong umaasa ang mga pisiko na makikita ang nasa likod ng ‘big bang,’ at posibleng maipaliwanag ang pinagmulan ng ating uniberso bilang, halimbawa, isang uri ng pagbabagu-bago. Ngunit, pagbabagu-bago ito ng ano at paano naman ito nagsimulang umiral? Para sa akin, ang problema tungkol sa pinagmulan ay waring palaging di-masasagot kung ang sinusuri lamang natin ay ang pangmalas ng siyensiya.”
Tinatanggap na ngayon na may panahong hindi umiral ang uniberso at na umiral ito dahil sa ilang pamamaraan. Ang mga natututuhan ba tungkol sa mga batas ng uniberso ay makatutulong sa atin na maunawaan kung paano ito posibleng nangyari?
“Magkabilang Panig ng Isang Barya”
Ang nasa itaas ay nasabi may kinalaman sa enerhiya at materya. “Ang materya ay isa lamang anyo ng enerhiya,” sabi ng Scientific American. Ang ugnayang ito sa pagitan ng materya at enerhiya ay ipinakita ng bantog na pormula ni Einstein na E=mc2 (energy equals mass times the speed of light squared). Ang equation na ito ay nagsisiwalat na ang maliit na masa, o materya, ay nagtataglay ng di-kapani-paniwalang enerhiya. “Ito ang nagpapaliwanag,” sabi ng propesor sa unibersidad na si Timothy Ferris, “kung bakit ang isang bomba na sinlaki ng isang dalandan ay makapagwawasak ng isang lunsod.”
Kung titingnan ang kabilang panig ng barya—ayon sa teoriya ni Einstein, ang enerhiya ay puwede ring gawing materya. Ang pagkakabuo ng materyal na uniberso ay maaaring nagsasangkot kung gayon ng tinatawag ng isang kosmologo na “ang pinakakagila-gilalas na pagbabago ng materya at enerhiya na nagkapribilehiyo tayong masilayan.”
Gayunman, saan galing ang materya at enerhiya na kailangan sa gayong “pagbabago”? Walang kasiya-siyang sagot ang siyensiya. Kapansin-pansin, ganito ang sabi ng Bibliya tungkol sa Diyos: “Dahil sa kasaganaan ng dinamikong lakas, palibhasa’y malakas din ang kaniyang kapangyarihan, walang isa man sa kanila [mga bagay sa langit] ang nawawala.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Anumang paraan ang ginamit ng Diyos sa paglalang sa lupa, maliwanag na taglay niya ang enerhiya at ang kapangyarihang kailangan upang magawa ito.
Nailalaan ba ng katibayan ng siyensiya ang saligan para paniwalaan na isang Kataas-taasang Talino ang lumalang sa ating uniberso? Matutulungan tayong makakuha ng sagot kung titingnan natin ang paraan ng pagsisimula ng uniberso.
Isang Maayos na Pasimula
Pag-isipan ito: Ang di-kontroladong pagbabago ng materya tungo sa pagiging enerhiya sa pagsabog ng isang bombang nuklear ay nagdulot ng kaguluhan, gaya ng nakita sa Hapon nang ganap na mawasak ang Hiroshima at ang kalakhang bahagi ng Nagasaki dahil sa gayong mga bomba noong 1945. Gayunpaman, malayo sa pagiging magulo, ang uniberso ay nagkakasuwato at maganda! Tingnan din natin ang kahanga-hangang lupa na may kagila-gilalas na pagkakasari-sari ng buhay. Maliwanag, ito’y hindi maaaring lumitaw nang walang matalinong pangunguna at pagkontrol!
Nirebisa ng magasing Newsweek ng Nobyembre 9, 1998, ang mga implikasyon ng pagtuklas may kinalaman sa paglalang ng uniberso. Sinabi nito na ang mga pangyayari “ay nagpapahiwatig na ang materya at pagkilos gaya ng ipinahihiwatig ng Genesis [sa Bibliya] ay sa halip galing sa ex nihilo, na nangangahulugang galing sa wala, sa isang kahanga-hangang pagsabog ng liwanag at enerhiya.” Pansinin ang mga dahilang ibinigay ng Newsweek sa paghahambing ng pasimula ng uniberso sa paglalarawan ng Bibliya sa pangyayaring ito.
“Ang mga puwersang pinakawalan ay kapansin-pansing (kahima-himalang?) magkakatimbang: Kung ang Big Bang ay nagkulang nang kaunti sa lakas, ang paglawak ng uniberso ay maaaring hindi gayong kabilis, at di-magtatagal (sa loob ng ilang milyong taon, o ng ilang minuto—alinman sa dalawa, di-magtatagal) ay babagsak pabalik sa mismong sarili nito. Kung ang pagsabog naman ay sumobra nang kaunti sa lakas, ang uniberso ay maaaring sumaboy na parang sabaw na napakalabnaw anupat hindi maaaring magkumpulan upang maging mga bituin. Ang malamang na mangyari ay—angkop lamang na itawag dito—pagkaliit-liit na tsansa. Ang proporsiyon ng materya at enerhiya sa laki ng espasyo sa Big Bang ay dapat na nasa mga isang kuwadrilyon ng 1 porsiyento ng pagiging eksaktung-eksakto.”
Ipinahiwatig ng Newsweek na may, wika nga, isang “Tagasaayos” ng uniberso, na ang sabi: “Mapalayu-layo lamang nang kaunti (tingnan ang nasa itaas, ang isang kuwadrilyon ng 1 porsiyentong pataan sa sukat), . . . at ang kasunod nito ay hindi lamang pagkakasalungatan kundi walang-katapusang kalituhan at niyebe. Kaya, ano—sino?—ang dakilang Tagasaayos?”
Inamin ng astropisikong si Alan Lightman na “nahihiwagaan [ang mga siyentipiko] kung paanong ang uniberso ay nalalang sa isang pagkaayus-ayos na kalagayan.” Idinagdag pa niya na “sa dakong huli ay kailangang maipaliwanag ng alinmang matagumpay na teoriya ng kosmolohiya ang problemang ito ng kalituhan”—kung bakit hindi naging magulo ang uniberso.
Kung Bakit Nag-aatubiling Maniwala
Sasang-ayon ka ba na ang “isang pagkaayus-ayos na kalagayan” ay nagtututok sa isang Organisador? Marami ang sasang-ayon. Subalit yaong mga nagsasabing sila’y ateista ay hindi sang-ayon dito. Bakit? Dahil sa paniniwala! Gaya ng isinulat ni Propesor Ferris, “ang ateismo ay, tanggapin natin, isang paniniwala na gaya ng iba.” At makabubuti, sabi niya, “kung aalisin natin ang Diyos sa lahat ng paksa ng kosmolohiya.”
Iyan ang ginagawa ng marami—ngunit mahirap. Halimbawa, matapos itala ang maraming bagay na maaaring ituring na mga ebidensiya ng pagkakadisenyo sa uniberso, si George Greenstein, propesor sa astronomiya, ay sumulat: “Kumbinsido ako na ang gayong ‘mga di-inaasahang pangyayari’ ay imposibleng nagkataon lamang.” Sa kabila nito, iginigiit naman ni Greenstein: “Hindi maaaring idahilan ang Diyos.” Kaya naman isinasakripisyo ng ilang siyentipiko ang tamang pangangatuwiran upang maingatan lamang ang kanilang kinaugaliang paniniwala sa siyensiya.
Gayunman, ang “paniniwala” ng bantog na pisikong si Fred Hoyle ay inaming humina nang maglaon. Noong dekada ng 1980, inamin niya: “Ipinahihiwatig ng matalinong pagpapakahulugan sa mga pangyayari na may isang pagkatali-talinong nakialam sa pisika, gayundin sa kimika at biyolohiya, at na hindi na dapat pang pag-usapan ang di-maipaliwanag na puwersa sa kalikasan. Ang matematikal na kalkulasyon mula sa mga katibayan ay waring napakalalim para sa akin anupat talagang ang konklusyong ito ay halos hindi na mapasusubalian.”
Kapansin-pansin, nang nagsisimula pa lamang ang panahon ng pag-iimbestiga ng siyensiya sa modernong paraan nito, gayundin ang naging mga konklusyon ni Sir Isaac Newton. Naudyukan siyang sumulat ng ganito dahil sa kaniyang mga natuklasan: “Ang pinakamagandang sistemang ito ng araw, mga planeta at mga kometa, ay maaaring magmula lamang sa layunin at pamamahala ng isang matalino at makapangyarihang Persona.”
Isaalang-alang ang isang resulta ng mga natuklasan nina Newton at Johannes Kepler hinggil sa mga batas ng pagkilos.
Kung Paano Naging Posible ang Paglipad sa Kalawakan
Inilarawan ni Kepler ang mga batas ng pagkilos ng mga planeta sa kaagahan ng dekada ng 1600, at sinabi ng The World Book Encyclopedia na ang mga batas na ito “ay ginagamit upang matiyak ang mga orbita ng artipisyal na mga satelayt at upang maisaplano ang mga paglipad ng sasakyang pangkalawakan.” Noong 1687, inilathala ni Newton ang kaniyang bantog na mga batas ng pagkilos, at ang mga batas na ito, “gaya ng kay Kepler, ay bumuo ng isang pundasyon sa pagpaplano ng paglipad sa labas ng kalawakan,” sabi ng ensayklopidiyang ito. Bakit nagkaganito?
Sapagkat sa paggamit ng mga batas na ito, natitiyak ng mga tao sa pamamagitan ng matematikal na kalkulasyon kung saan matatagpuan sa kalawakan sa isang tiyak na panahon ang isang partikular na bagay roon. Ang gayong mga pagtantiya ay naging posible dahil sa walang-pagbabago at inaasahang pagkilos ng mga bagay na nasa langit, pati na ang buwan at lupa. Halimbawa, ang buwan ay umiikot sa lupa sa aberids na 3,700 kilometro bawat oras, na nakukumpleto ang paglalakbay nito nang halos wala pang isang buwan na kataka-takang kaayon sa inaasahan. Nagagawa ng lupa ang taunang pag-ikot nito sa araw, na naglalakbay nang mga 107,200 kilometro bawat oras, ayon din sa inaasahan.
Kaya nga, kapag sinusubaybayan ang mga paglipad sa buwan, iniaasinta ng mga tao sa lupa ang kanilang sasakyang pangkalawakan sa isang lugar sa labas ng kalawakan anupat libu-libong milya na nauuna sa umiikot na buwan. Sa pamamagitan ng sari-saring pagtantiya, eksaktong nalalaman nila ang tiyak na kinaroroonan ng buwan sa nasabing panahon. At kung nabibigyan ng tamang direksiyon at lakas ang sasakyang pangkalawakan, ito’y tatapat sa lugar ding iyon, anupat posible nang makalapag sa buwan.
Ano ang nagpapangyari upang mahulaan ang pagkilos ng mga bagay na nasa langit? Ang unang Amerikanong astronot na umikot sa lupa, si John Glenn, ay napabulalas hinggil sa kaayusan sa uniberso: “Basta na lamang ba nangyari ito? . . . Hindi ako makapaniwala.” Saka idinagdag niya: “Isang Kapangyarihan ang naglagay nito sa orbita at pinananatili ito roon.”
Ang pangkalawakang siyentipiko na si Dr. Wernher von Braun, dahil sa paghanga sa mga batas na umuugit sa uniberso, ay nagsabi: “Ang gawang-taong paglipad sa kalawakan . . . ay nagbukas sa atin ng isang maliit na pinto lamang upang masilip ang kamangha-manghang lawak ng kalawakan. Ang ating pagtanaw mula sa butas na silipang ito sa di-malirip na kahiwagaan ng uniberso ay nagpapatunay lamang sa ating paniniwala sa lumalang nito.”
Sumang-ayon ang popular na pisikong si P.A.M. Dirac, isang propesor sa matematika sa University of Cambridge: “Marahil ay mailalarawan ng isa ang kalagayan sa pamamagitan ng pagsasabing ang Diyos ay isang matematiko, at gumagamit Siya ng napakasulong na matematika sa pagbuo ng uniberso.”
Sino kaya ang Dalubhasang Matematikong ito, ang Kataas-taasang Talino, na siyang may pananagutan sa mga kababalaghan ng paglalang?
Nilalang Nino?
Kung tayo’y naglalakbay sa isang di-kilalang teritoryo at makakita ng isang magandang tsalét na napalilibutan ng maayos na damuhan at napakagandang halamanan, hindi natin sasabihin na ito’y kusang lumitaw sa ganang sarili nito. Iyan ay isang napakawalang-katuwirang konklusyon. Maliwanag na ang gumawa nito ay isang mahusay na tagapagtayo at isang magaling na hardinero.
Sa katulad na paraan, ang ating dakilang uniberso, na mas lalong masalimuot, ay maliwanag na may Lumalang. Sa Bibliya, ipinakilala ng isang iyan ang kaniyang sarili sa pangalan, na nagsasabi: “Ako ay si Jehova. Iyan ang aking pangalan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang mga taong nagpapahalaga sa mga gawa ng Diyos ay nakaulat sa Bibliya na nagsasabi: “Ikaw ang karapat-dapat, Jehova, na amin ngang Diyos, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan, sapagkat nilalang mo ang lahat ng mga bagay, at dahil sa iyong kalooban sila ay umiral at nalalang.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Bukod sa pagsisiwalat sa mga tao ng kaniyang personal at sariling-bigay na pangalan, isiniwalat din ni Jehova, sa kaniyang nasusulat na Salita, ang kaniyang layunin sa paghahanda ng lupa para tahanan ng mga tao. At si Jesu-Kristo, ang sariling Anak ng Diyos, ay gumarantiya na ang Salita ng Diyos ay mapananaligan nang sabihin niya: “Ang iyong salita ay katotohanan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Hindi pa natatagalan, nagsabi ang isang magasin tungkol sa siyensiya: “Di-tulad sa nakalipas na mga henerasyon, alam natin kung paano tayo naparito. Subalit, gaya ng nakalipas na mga henerasyon, hindi pa rin natin alam kung bakit.” Datapuwa, ang sagot sa tanong na iyan na, Bakit?, ay malalaman na—inilalaan ito ng Salita ng Diyos.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 2
    Replies
  • 467
    Views
  • 3
    Participants
Last reply from:
macjunard

Online statistics

Members online
481
Guests online
4,631
Total visitors
5,112
Back
Top