What's new

Closed Bakit Tayo Tumatanda at Namamatay?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,567
Reaction
7,225
Points
2,573
614825


HINDI layunin ng Diyos na mamatay ang tao. Nilalang niya ang ating unang mga magulang, sina Adan at Eva, na perpekto ang isip at katawan; buháy pa sana sila hanggang ngayon. Makikita ito sa sinabi ni Jehova kay Adan tungkol sa isang partikular na puno na nasa hardin ng Eden.
Sinabi ng Diyos kay Adan: “Sa araw na kumain ka mula [sa punong iyon,] tiyak na mamamatay ka.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bale-wala ang pagbabawal na ito kung nakatakda namang tumanda at mamatay si Adan. Alam ni Adan na kung hindi siya kakain mula sa punong iyon, hindi siya mamamatay.
HINDI LAYUNIN NG DIYOS NA MAMATAY ANG TAO
Hindi kailangang kumain nina Adan at Eva mula sa punong iyon para mabuhay dahil marami namang puno na namumunga sa hardin. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung hindi sila kumain mula sa punong iyon, naipakita sana nila ang pagkamasunurin sa Diyos na nagbigay sa kanila ng buhay. Naipakita rin sana nila na kinikilala nila ang karapatan ng Diyos na magsabi sa kanila ng dapat nilang gawin.
KUNG BAKIT NAMATAY SINA ADAN AT EVA
Para maunawaan kung bakit namatay sina Adan at Eva, tingnan natin ang isang pag-uusap na nakaapekto sa ating lahat. Gumamit si Satanas na Diyablo ng ahas para magsinungaling. Sinasabi ng Bibliya: “Ang ahas ang pinakamaingat sa lahat ng maiilap na hayop sa parang na ginawa ng Diyos na Jehova. Kaya sinabi nito sa babae: ‘Talaga bang sinabi ng Diyos na hindi kayo puwedeng kumain ng bunga mula sa lahat ng puno sa hardin?’”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Sumagot si Eva: “Puwede kaming kumain ng bunga ng mga puno sa hardin. Pero kung tungkol sa bunga ng puno na nasa gitna ng hardin, sinabi ng Diyos: ‘Huwag kayong kakain ng bunga mula sa punong iyon at huwag ninyong hihipuin iyon para hindi kayo mamatay.’” Pagkatapos, sinabi ng ahas kay Eva: “Tiyak na hindi kayo mamamatay. Dahil alam ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo ng bunga mula sa punong iyon, mabubuksan ang mga mata ninyo at magiging tulad kayo ng Diyos, na nakaaalam ng mabuti at masama.” Kaya pinalitaw ni Satanas na si Jehova ay sinungaling at may ipinagkakait sa ating unang mga magulang.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Naniwala si Eva. Pinagmasdan niya ang puno at nakitang katakam-takam ito at mukhang másáráp! Pumitas siya ng bunga nito at kinain iyon. Sinasabi ng Bibliya: “At nang kasama na niya ang kaniyang asawa, binigyan din niya ito at kumain ito.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Sinabi ng Diyos kay Adan: “Sa araw na kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Siguradong nalungkot ang Diyos na makitang kusang sumuway ang kaniyang minamahal na mga anak! Ano ang ginawa niya? Sinabi ni Jehova kay Adan: “Bumalik ka sa lupa, dahil diyan ka kinuha. Ikaw ay alabok, kaya sa alabok ka babalik.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bilang resulta, “nabuhay si Adan nang 930 taon, at siya ay namatay.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi napunta si Adan sa langit o sa daigdig ng mga espiritu. Bago siya lalangin ni Jehova mula sa alabok ng lupa, hindi siya umiiral. Kaya nang mamatay siya, bumalik siya sa walang-buhay na alabok na pinagkunan sa kaniya. Hindi na siya umiiral. Napakasaklap nga!
KUNG BAKIT HINDI TAYO PERPEKTO
Dahil kusang sumuway sina Adan at Eva, naiwala nila ang kasakdalan at ang pag-asang mabuhay magpakailanman. Nagbago ang kanilang pisikal na kalagayan, naging makasalanan sila at hindi na perpekto. Pero hindi lang sila ang naapektuhan ng kanilang pagsuway. Naipasa nila ang kasalanan sa kanilang mga anak. Sinasabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Sa pamamagitan ng isang tao [si Adan], ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ang kamatayan, kaya naman ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao, dahil silang lahat ay nagkasala.”
Inilalarawan ng Bibliya ang kasalanan at kamatayan bilang “ang talukbong na bumabalot sa lahat ng bayan at ang lambong na tumatakip sa lahat ng bansa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Binalot ng talukbong na iyan ang sangkatauhan gaya ng nakalalasong usok. Walang sinumang makakatakas doon. Talagang “kay Adan, ang lahat ay namamatay.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya ang tanong, ayon kay apostol Pablo, ay: “Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawan na umaakay sa akin sa kamatayang ito?” Mayroon ba?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Attachments

Sabi , sa araw na kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka, hindi naman namatay si adan, nabuhay pa nga siya ng halos isang libong taon
Ang tinutukoy na kamatayan diyan ay espiritual na kkamatayan

Bakit tayo tumatanda at namamatay , kasi gawa ng natural process of oxidation. Ang material world o ang sangkatauhan ay matatapos , ayon sa Bible, ganun tayo nilikha , kahit hindi naman nagkasala si adan at eba matatapos parin naman tayo, kasi nga ginawa tayong may katapusan.

Hindi dahil sa nagkasala si adan kaya tayo tumatanda at namamatay

Nakatakda na talaga na tayo(ang ating material being) ay mamamatay

Hebreo 9:27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;

Natatapos talaga ang material world siempre pati ang tao

2 Corinto 4:18 Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.
 
Last edited:
Naniniwala ako nito:

Energy can neither be created nor destroyed; rather, it can only be transformed or transferred from one form to another.
 
Pano nalang kaya kung di nila kinain? Kahit pa siguro tumalon ka sa pinaka mataas na building tatayo ka lang na parang wala lang. Haha taliwas sana yun sa rules o laws of nature. At ganun talaga ang gusto ng DIYOS.(HINDI namamatay)

At nakakalungkot isipin na utang pa natin kay satanas ang pagkakaroon ng kaalaman sa tama at mali.

Galing tayo sa alikabuk, na alam naman natin na nabuo tayo mula sa egg at s p e r m cell. Nakakalungkot talaga. Taliwas na naman sa laws of nature.
 
Last edited:
Pano nalang kaya kung di nila kinain? Kahit pa siguro tumalon ka sa pinaka mataas na building tatayo ka lang na parang wala lang. Haha taliwas sana yun sa rules o laws of nature. At ganun talaga ang gusto ng DIYOS.(HINDI namamatay)

At nakakalungkot isipin na utang pa natin kay satanas ang pagkakaroon ng kaalaman sa tama at mali.

Galing tayo sa alikabuk, na alam naman natin na nabuo tayo mula sa egg at s p e r m cell. Nakakalungkot talaga. Taliwas na naman sa laws of nature.


tanong lang po..

bago po yung egg at sper*m cell .. according to laws of nature, saan po galing ang tao?
 
uulitin ko.

I am referring sa law of nature..
which is from science.. and ' science SHOULD have an explanation for that. '


kung may kaunti kang kaalaman sa kahit na syensyang pang-elementarya, tiyak maiintindihan mo ang papel ng carbon at protina sa pagkakaroon ng buhay sa mundo, ang hinahanap mong eksplanasyon ay nasa tungki na ng iyong ilong paps. :)
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 131
    Replies
  • 6K
    Views
  • 26
    Participants
Last reply from:
Powered by Pancit Canton

Online statistics

Members online
1,086
Guests online
4,234
Total visitors
5,320
Back
Top