What's new

Trivia Bakit may mga Tao talaga na hindi Naniniwala na Merong Diyos?

Tama, boss isipin mo lang bakit may Kabutihan at may Kasamaan, analyze mo lang yun malalaman mo na talaga . haha perong mga athiest daw ay hindi talaga naniniwala.
Tama ka kapatid sa Panginoon at ang responsibility ng mga Cristiyano ay ipakilala ang Diyos at Panginoon na si Jesus sa mga gustong tumanggap niyon at palakasin ang loob ng mga kapatiran. Kaya nga naglalagay ang Diyos ng mga Cristiyano sa bawat lugar kung mapapansin mo.
 
naniniwala ako TS
sa mga hindi naniniwala at hindi talaga maniniwala
dun nyo makikita yung to see is to believe nyo after life
 
Sa bibliya hindi lang verse binabasa dapat.. Dapat yung buong kwento.. Kase iba ang salita ng dyos sa salita ng tao.. Kita mo yung verse na sinabi ni jesus.. (I don't came in peace but by the sword) kung babasahin mo masama!! Pero kung basahin mo lahat.. Kamatayan pala ang kapalit ng pagtuturo nila ng salita ni kristo at yun ang meaning..
ang meaning po nyan ay pagdami ng relihiyon o paniniwala sa mundo na sasalungat patungkol kay Jesus. iyan ang dahilan kung bakit may naglalaban-laban sa isang sambahayan dahil sa magkakaibang paniniwala tungkol kay Jesus.

Mateo 10:34-36
“Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. Naparito ako upang paglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, at ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay."
 
ang meaning po nyan ay pagdami ng relihiyon o paniniwala sa mundo na sasalungat patungkol kay Jesus. iyan ang dahilan kung bakit may naglalaban-laban sa isang sambahayan dahil sa magkakaibang paniniwala tungkol kay Jesus.

Mateo 10:34-36
“Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. Naparito ako upang paglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, at ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay."
How can you ascertain that your religion is "THE ONE" and anointed by whom? Did you mean the buddhists, hindu, muslims and gazillions other have got it wrong all along?
 
2019 na at may naniniwala pa rin sa mga religious fairytales. Pagdami ng mga naniniwala sa mga religious fairytales, paghirap ng bansa. Pagkonti ng mga naniniwala sa religious fairytales, pagyaman ng bansa.
 
How can you ascertain that your religion is "THE ONE" and anointed by whom? Did you mean the buddhists, hindu, muslims and gazillions other have got it wrong all along?
kahit ang mga apostol po ay nagsabing kulang pa ang kanilang nalalaman tungkol sa Diyos kaya po ang mga tagasunod sa pamamagitan ng pananampalataya sila ay umaasa sa mga bagay na hindi pa nila malinaw na nakikita. kapag sinabi ko pong "oo" hindi po ibig sabihin na pinipilit ko ang sinuman. hindi po tungkulin ng tagasunod ni Cristo ang magpatupad, ang tungkulin po namin ay magpahayag at ipakita sa pamamagitan ng gawa kung paano kami sumasampalataya sa Diyos, nasa nakikinig na po iyon kung tatanggapin niya ang narinig niya.
 
Dahil mas masama ang ugali ng mga relihiyoso kaysa sa mga di naniniwala sa Diyos. Nagiging mabuting tao lang sila dahil gusto nila maligtas at mapunta sa langit. Di katulad ng di naniniwala sa Diyos, nagiging mabuti sila dahil iyon ang alam nilang tama.
 
pangungutya ba ang pagpuna sa maling aral at gawain?:cautious::cautious:

Sir,unang una batas po yan ng unang tipan kaya kung babalik ka sa panahon nila tama yan bumibili sila ng alipin para maging katulong nila sa bahay gawa na rin ang 10 utos diyan kaya may utos na mahalin ang kapwa ngayon makakaranas ba ng kalupitan yong alipin kong wala namang nilalabag?

Pangalawa may mababasa ka ba na ginagawa pa yan sa bagong tipan?sa pagkakaalam ko wala kasi hindi na batas yan sa panahong kristyano.nasa ilalim na tayo sa kautusan ni kristo at yan ay hindi na pina practice.

Wag nyo pong i apply ang standard ng alam nating mabuti sa panahong ito dahil iba ang tama noon sa tama ngayon.ito katunayan na nagbago na ang kautusan

Heb.7:12 Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.

Heb.7:18 Sapagka't napapawi ang unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan.

Heb.7:22 Ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot sa lalong mabuting tipan.

Heb.7:24 Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan.

Kung gusto mo talaga na masagot ang mga tanong mo sa biblia ito gawin mo:

Hag.2:11 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangagtanong kayo ngayon sa mga saserdote ng tungkol sa kautusan, na mangagsabi,

Ang katumbas ng saserdote sa ating panahon ay mga mangangaral na nagtuturo ng salita ng biblia doon kayo dapat magtanong.ngayon sasabihin mo bakit hindi na lang sa amin.ito baaahin mo may kanya-kanya kasing kaloob yan:

I cor.12:28 At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.

Ayan unang una daw mga apostol, mga propeta o mga guro sila ang binilinan ni kristo na maging handa sa pagsagot ng katanungan ng mga may gustong magtanong

I Ped.3:15 Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot:

Ayan sir doon ka magtanong sa nararapat mong pagtanungan kung wala kang oras pumunta sa mga bahay pagkakatipunan sa tv puede ka magtanong live o kaya sa mga kapilya nila hindi yong andito ka at mamumutakti kayo ng tanong ng mga hindi naman pastor napaghahalata tuloy kayo na pangkatuwaan lang ang mga comment nyo rito.
 
hehehe.jpg
 

Attachments

Dahil mas masama ang ugali ng mga relihiyoso kaysa sa mga di naniniwala sa Diyos. Nagiging mabuting tao lang sila dahil gusto nila maligtas at mapunta sa langit. Di katulad ng di naniniwala sa Diyos, nagiging mabuti sila dahil iyon ang alam nilang tama.
napakarami po ng uri ng kasalanan, simpleng pag-iisip lang ng masama sa kapwa po ay isa nang kasalanan kahit wala ka pang ginagawa o ipinapakitang masama. kaya po sinasabing "walang taong mabuti na hindi nagkakasala." tama po kayo may ilan o maraming tao na kayang magpakabuti pero walang taong walang kasalanan. kung sapat lang po sana para sa Diyos ang maging mabuti ang tao hindi na sana nag-alay ng buhay sa krus si Jesus na Kanyang Anak.
 
Back
Top