What's new

Trivia Bakit may mga Tao talaga na hindi Naniniwala na Merong Diyos?

Ang Islam ang siyang tunay na relihiyon at hindi ang Kristiyanismo ni hindi ang Hudaismo

Sa Ngalan ng Allâh – ang Mapagpala, ang Mahabagin.

Ang lahat ng pasasalamat at papuri ay sa Allâh lamang – ang Panginoon ng mga daigdig. Nawa'y ang kapayapaan at pagpapala ng Allâh ay mapasa kay Propeta Muhammad, ang pinakamabuting huwaran sa lahat ng mga nilikha, sa kanyang Pamilya, sa kanyang
mga Kasamahan at sa lahat ng tumatahak sa matuwid na landas hanggang sa Araw ng
Paghuhukom.

Kinikilala ng Allâh na ang Islam ang siyang tunay na relihiyon at hindi ang Kristiyanismo ni hindi ang Hudaismo – mga pangalang kathang-isip lamang ng mga tagasunod nina Moises at Hesus. Kumatha sila ng ganitong mga katawagan pagkaraang mamatay ni Moises at matapos iangat ng Allâh si Hesus (sumakanila nawa ang kapayapaan) sa kalangitan. Wala isa man sa kanila ang tumanggap ng mga ganitong katawagan sa panahon ng kanilang pananatili rito sa mundo. Tinawag ng Allâh (Kaluwalhatian sa Kanya) ang mga pamayanang ito na mga "Hudyo at Kristiyano" at Siya ay nagsabi sa Banal na Qur'an:

Ang mga Hudyo ay nagsabing ang mga Kristiyano ay walang sinusunod na tamang relihiyon; at ang mga Kristiyano ay nagsabing ang mga Hudyo ay walang sinusunod na tamang relihiyon; gayong kapwa nila binibigkas ang Kasulatan.

[Al-Baqarah–2:113].

Ang Allâh ang Siyang humirang sa Islam bilang tunay na relihiyon mula pa nang Kanyang ipadala si Adan sa lupa at nagpatuloy ito sa mga sumunod pang mga Propeta hanggang dumating ang huling Propeta na si Muhammad (saws). Ang kanilang relihiyon ay Islam katulad ng ipinahayag ng Allâh sa Banal na Qur'an:

Hindi isang Hudyo si Abraham at hindi rin isang Kristiyano. Bagkus, isang Muslim
(kumikilala at sumasamba sa nag-iisang Diyos – ang Allâh) at hindi siya kabilang sa mga Al Mushrikun (mga nagtatambal sa pagsamba sa Allâh). [Al-Imran-3:67].

Lahat sila ay mga Muslim. Maaaring magtanong ang sinuman: Bakit Muslim silang lahat? Ang
kasagutan ay sadyang payak, sapagka’t ang Allâh ay Nag-Iisa at Siya ay may natatanging relihiyon – ito ang Islam. Siya ang Panginoong lumikha sa buong sangkatauhan. Sa dahilang Siya ay Iisa, hindi Siya hihirang ng iba't ibang relihiyon o pananampalataya.

Kinikilala ng Allâh na ang Islam ang tunay na relihiyon katulad ng Kanyang ipinahayag:

At sinumang maghangad ng anumang pananampalataya bukod sa Islam, magkagayon, hindi ito tatanggapin sa kanya magpakailanman, at sa Huling Araw kabilang siya sa mga talunan.

[Al-Imran-3:85]

Maliban sa pananampalatayang Islam, wala ng ibang makapagpapaliwanag sa tao tungkol sa
tunay na pangyayari hinggil sa Hudaismo at Kristiyanismo. Ang Tawrat (Torah) ay ang ipinadalang mensahe kay Propeta Moises, ang Sabor (Psalmo) ay kay Propeta David, ang Injeel (Ebanghelyo) ay kay Propeta Hesus – ang anak ni Maria (nawa’y sumakanilang lahat ang kapayapaan), at ang panghuling mensahe ay ang Banal na Qur'an na mananatili hanggang sa Araw ng Paghuhukom na ipinadala sa huling Propeta na si Muhammad (saws).

Ang Allâh ay Siyang nagpahayag na ang Islam ang tunay na relihiyon. Magkagayon, kung
tinutukoy namin ang mga Hudyo at Kristiyano sa aklat na ito, hindi namin sila
tinatawag para yakapin ang bagong relihiyon. Hindi kami nagbibigay ng alinlangan
sa mga orihinal na kasulatan: ang Tawrat (Torah) at Injeel (Ebanghelyo), sapagka’t tayo ay magkakasama sa iisang relihiyon at sa Iisang Panginoon – ang Allâh. Tunghayan natin ang Kanyang ipinahayag sa Banal na Qur'an:

…at sabihin (sa kanila): "Kami ay naniniwala sa mga ipinahayag sa amin at sa

mga ipinahayag sa inyo; Ang aming Ilah (Diyos) at ang inyong Ilah (Diyos) ay
Iisa (Allâh) at sa Kanya kami sumusuko (bilang mga Muslim). [Al-Ankabut-29:46]

Pinagtibay ng Allâh ang gayunding kahulugan sa mga sumusunod na talata:

Sabihin: Makikipagtalo ba kayo sa amin tungkol sa Allâh, gayong Siya ang aming Panginoon at inyong Panginoon? At kami ay bibiyayaan ayon sa aming mga gawa at kayo ay ayon sa inyong mga gawa. At Siya lamang ang sinasamba namin. O sasabihin ba ninyong mga Hudyo o Kristiyano sina Ibrahim (Abraham), Ismail (Ismael), Ishaq (Isaac), Ya'qub (Jacob), at Al-Asbat (ang mga supling ng labindalawang anak ni Ya'qub)?" Sabihin: Higit ba kayong nakababatid o ang Allâh? At sino pa ba ang higit na di-makatarungan kaysa sa isang nagkukubli ng Kapahayagan na kanyang tinanggap mula sa Diyos? At hindi lingid sa Allâh ang inyong mga gawa.

[Al-Baqarah-2:139-140].

Amin lamang silang tinatanong: Nasaan na ang orihinal na Torah at Ebanghelyo ayon sa pagkakapahayag kina Moises at Hesus? Ito ba ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan na may pagkarami-rami at magkakaibang sumulat na nag-aangkin ng iba’t ibang pahayag at maging ang mga salungat na mga pala-palagay at paniniwala? Katunayan, ang mga Aklat na ito ay bunga lamang ng kanilang mga sariling panulat at nagtataglay ng mga kuwentong
isinalaysay ng mga naunang tao bilang bahagi ng kanilang maling kaalaman. Walang malinaw na katibayan na ang mga ito ay hinango mula sa orihinal na Torah at Ebanghelyo. Amin ding inihaharap ang katanungang ito: Saan ninyo kinuha ang mga ito?

Ang Allâh na Siyang may tangan ng Kapangyarihan at Kamaharlikaan ay nagsabi hinggil sa bagay na ito sa Banal na Qur'an:

Kaya kasawian sa kanilang sumulat ng mga Aklat sa sariling kamay at pagkatapos ay nagsasabi: ‘Ito ay galing sa Allâh,’upang ito'y ipagbili sa hamak na halag

Kasawian sa kanila sa anumang isinulat sa sarili nilang kamay at kasawian sa kanila sa anumang kikitain nila rito.
[Al-Baqarah-2:79]

Alinsunod sa kahulugan nito, si Sheikh Ahmad Deedat – isang pantas na Muslim ay nagsabi:
"Ang ilan sa inyo ay nagsabing ang Propeta (saws) ng Islam ay nag-utos sa atin na igalang ang Ebanghelyo na siyang katotohanan, subali't aling Ebanghelyo? Ang aklat na iniutos ng ating Propeta (saws) na nararapat nating igalang ay ang Ebanghelyo ni Hesus. Subali’t nasaan na ang Ebanghelyo ni Hesus? Ang kasalukuyang Bibliya o higit na tamang tawaging ‘mga Bibliya’ ay walang isa mang Ebanghelyo si Hesus! Si Propeta Muhammad (saws) ay nag-utos sa ating igalang kung ano ang ipinahayag ng Allâh kay Hesus, subali't hindi yaong mga Ebanghelyong sinulat nina Mateo, Markus, Lukas at Juan na matatagpuan sa mga Bibliya.

Lahat ng Kristiyano sa buong mundo ay hindi makapagkakaila sa katotohanang libu-libo
mula sa kanilang mga kasamahan kada buwan ang lumilisan sa paniniwala sa konsepto ng pagkapako (Crucifiction) at konsepto ng tatlong persona (Trinity) upang yakapin ang pananampalatayang Islam. Sa kabilang banda, walang isa mang Muslim ang tumalikod sa kanyang pananampalataya upang yakapin ang Kristiyanismo.

Personal kong sinuri ang daan-daang kasaysayan ng mga kalalakihan at kababaihang Kristiyano na yumakap sa Islam at naglahad ng kanilang mga kuwento kung bakit at paano
nila ito nagawa. Lahat sila ay may iba’t ibang karanasan tungo sa nagkakaisang
pahayag: "Dati kaming pumupunta sa simbahan upang dumalo sa misa tuwing
araw ng Linggo bagama't lubos kaming hindi sumasang-ayon sa mga hindi
maintindihang salaysay ng pari mula sa Bibliya. Bukod pa rito, ang kanilang
sinasabing si Hesus ay anak ng Diyos at ang Diyos na nahahati sa tatlong katauhan
ay hindi kasiya-siya sa aming mga kaisipan. Kaya tinalikuran namin ang kabuuan
ng doktrinang ito. Gayundin naman kapag nais naming magtanong tungkol dito,
kami ay hindi pinahihintulutang mag-usisa sa aming mga obispo at mga pari
tungkol sa alinmang mga di-maliwanag na konsepto ng aming dating
pananampalataya. Kaya naman, kung ang isa sa amin ay walang pakundangan sa
ministro ng simbahan at mangahas na magtanong ng ilan sa mga nakalilitong mga
konseptong ito, hindi siya kailanman makatatanggap ng anumang malinaw na
kasagutan. Bagkus siya’y sasagutin ng higit na may kalabuan at
nakapag-aalinlangan. O kaya nama'y kadalasang nakatatanggap kami ng ganitong
mga kasagutan: "Ang mga ganitong katanungan ay hindi dapat buksan ng
sinumang mananampalataya, kung hindi’y mawawalan siya ng karapatan sa
pagpapatawad na iniaalay ng Diyos Ama sa lahat ng makasalanan sa sangkatauhan."
Dahil dito, lalo lamang nadaragdagan ang aming pagkalito at pag-aalinlangan na
nagtulak sa amin upang lalo naming kasuklaman ang doktrinang ito."

Akin ding nabasa ang testimonya ng ilang mga pari at misyonaryo na yumakap sa
pananampalatayang Islam na nagpahayag ng ganito: "Kami ay nananawagan sa
mga taga-Aprika at Timog-Silangang Asya upang tanggapin ang Kristiyanismo,
kahit na kami mismo sa aming mga sarili ay hindi kumbinsido sa mga sinasabi
namin tungkol kay Hesus bilang anak ng Diyos at ang doktrina ng tatlong persona
(Trinity). Ito ay itinuturing naming mga pamahiin na sadyang hindi
kaakit-akit sa isang may katinuan sa pag-iisip." Sinabi ng Allâh sa Banal
na Qur'an:

Sabihin: Nasa Allâh ang ganap na katibayan at katuwiran, (ang Kaisahan ng Allâh, ang pagpapadala ng mga Sugo at mga Banal na Aklat sa sangkatauhan); kung ninais lamang Niya, katotohanang iginabay Niya sana kayong lahat.

[Al-An'am-6:149]

Batay dito, tinatawagan ko ang bawa’t Kristiyano na harapin ang kanyang konsensiya at
sentido-kumon at magkaroon ng makatotohanang pag-uusisa na may katapatan,
matuwid na layunin at malayo sa anumang emosyon at di-makatuwirang
pagkapanatiko. Maging makatotohanan at tanungin ninyo ang inyong mga sarili:
"Kayo ba’y tunay na sumasang-ayon sa doktrina ng pagkakapako ni Hesus sa
krus at sa konsepto ng tatlong persona ng Diyos (Trinity)? Sumasang-ayon ba kayo sa
kanilang mga sinasabi na si Hesus ay anak ng Diyos na nagmula sa sinapupunan ni
Maria? O kaya’y si Hesus at ang Diyos Ama ay iisa?" Subali’t bago ninyo
ito sagutin, ipinapayo ko sa bawa’t isa sa inyo na basahin ang Banal na Qur'an
na isinalin sa sariling wika. Ang mahimalang Aklat na ito (Qur'an) ay
nananatili at patuloy na mananatiling pinakamahusay na patnubay sa buong
sangkatauhan tungo sa tamang landas ng pagkamakatuwiran, kapayapaan at
kaligtasan.

Ang pinakapunto sa pamimintas ng mga Kristiyano at ang kanilang pagbatikos laban sa Islam, lalo na sa panahong ito pagkatapos ng nakapanlulumong pangyayari noong Setyembre 11 sa New York at Washington, dagdad pa ang giyera sa Afghanistan at ang patuloy na kaguluhan sa nasasakupang lupain sa Palestine ay umiikot sa tatlong
mahahalagang usapin. Ang Jihad (pakikipaglaban sa landas ng Allâh), ang
hinggil sa terorismo at ang katayuan ng mga kababaihan sa Islam. Nais kong
magbigay ng maikling paliwanag sa mga usaping ito.

Ito ay sadyang taliwas sa maling haka-haka ng mga Kristiyano sa Kanluran. Ang Jihad sa Islam ay hindi nangangahulugan ng pag-uutos sa mga Muslim na lisanin ang kanilang
tahanan upang makipaglaban o patayin yaong mga walang kinikilalang Diyos at
yaong mga sumasamba sa mga diyus-diyosan saan man sila matagpuan kung hindi
nila tatanggapin ang Islam. Bagkus, ang Jihad ay batay sa isang
pangunahing alituntunin na ipinayahag ng Allâh sa Banal na Qur'an:

Walang sapilitan sa relihiyon. Katotohanan, ang tamang daan ay maliwanag (at kaiba) sa maling landas. Sinuman ang di-maniwala sa mga diyus-diyosan at maniwala sa Allâh, siya ay tumangan sa pinakamapagkakatiwalaang hawakan na kailanma'y hindi mababali.

Ang Allâh – ang Nakaririnig ng lahat, ang Lubos na Maalam.

[Al-Baqarah-2:256]

At kung ninais ng inyong Panginoon, silang lahat sa mundong ito ay nanampalataya ng magkakasama. Kaya pipilitin mo ba (O Muhammad

[saws] ) ang buong sangkatauhan hanggang sa sila ay manampalataya? Wala sa sinuman ang maniniwala maliban sa kapahintulutan ng Allâh at Kanyang igagawad ang galit sa mga gumagawa ng walang katuturan. (Yunos-10:99-100)

Bilang karagdagan, ang Jihad ay hindi lamang isang pakikipaglaban. Sakop nito
ang masusing pagsisikap upang ilayo ang sarili sa kasamaan, ang pagpapakita ng
pagtitiis sa panahon ng kapighatian, pagsasagawa ng mga pagsamba, ang pagiging
matimtiman sa pagsuko at pagsunod sa Allâh at manawagan para sa landas ng Allâh
na Siyang may tangan ng Kapangyarihan at Kamaharlikaan. Hinggil sa huling nabanggit, ito ay may mga natatanging kondisyon at batayan. Ang Allâh ay nagsabi:

Mag-anyaya (O Muhammad [saws]) sa Landas ng iyong Panginoon ng may tamang kaalaman at matuwid na pagpapayo, at makipagtalakayan sa kanila sa higit na mabuting paraan. Katotohanan, ang iyong Panginoon ay ganap na nakababatid kung sino ang nawala sa Kanyang Landas. At Siya ang ganap na nakaaalam kung sino ang mga napatnubayan. [An-Nahl-16:125]

Bilang panghuli, ang Jihad ay ang pakikipaglaban sa mga lumalabag maging siya man ay hindi naniniwala sa Diyos o sumasamba sa maraming mga diyus-diyosan, o yaong mga mapagkunwari at yaong mga gumagawa ng katiwalian sa mundong ito. Nilinaw ng Allâh sa Kanyang mga talata ang hinggil sa pakikipaglaban na nakapaloob sa Jihad. Nararapat lamang na ito'y naaayon sa mga itinakdang pamantayan na Kanyang ipinahayag sa Banal na
Qur'an upang labanan ang anumang paninikil at panunupil sa mga karapatan at
pagsalakay ng mga kalaban. Ilan sa mga talatang ito ang nagpapatunay:

At makipaglaban sa landas ng Allâh sa mga nakikipaglaban sa inyo, subali’t huwag lumabag sa hangganan. Katotohanan, hindi mahal ng Allâh ang mga lumalabag.
[Al-Baqarah-2:190]

…kaya sinumang lumabag sa ipinagbabawal ng laban sa inyo, lumabag din laban sa kanya. At matakot sa Allâh, at laging tandaan na ang Allâh ay para sa mga makatarungan.
[Al-Baqarah-2:194]

Ang Allâh na Siyang may tangan ng Kapangyarihan at Kamaharlikaan ay
nagpaliwanag ng mga makabuluhang dahilan kung bakit kailangan ang Jihad upang
makipaglaban tungo sa Kanyang landas kung sakali mang may magtaboy sa atin mula
sa ating mga tahanan o 'di kaya’y may kumamkam sa ating mga lupain katulad ng
ginagawa ngayon ng mga Israelitas sa lupain ng mga Muslim sa Palistine. Sa
ganitong kalagayan, ang pakikipaglaban ay pinahihintulutan sa atin. Bilang
patunay ang Allâh ay nagsabi:

Ang pakikipaglaban ay pinahihintulutan sa mga mananampalataya laban sa mga hindi mananampalataya sapagka’t sila’y ginawan ng mali. Katiyakan, ang Allâh ay May Tiyak na Kakayahan na ipagkaloob sa mga nananampalataya ang tagumpay sa mga ipinagtabuyan sa kanilang mga tahanan ng hindi makatarungan, dahil lamang sa sila’y nagsabing ‘Ang aming Panginoon ay ang Allâh’.
[Al-Hajj-22:39-40]

Pagkaraan nito, ipinahayag ng Allâh sa atin kung paano tayo makikitungo ng may kabaitan at katarungan sa mga Hudyo at Kristiyano na hindi nakikipaglaban sa atin at yaong mga hindi nagpapalayas sa atin mula sa ating mga tahanan at Siya ay nagsabi:

Hindi ipinagbabawal sa inyo ng Allâh ang makitungo ng may katarungan at may kabaitan doon sa mga hindi nakikipaglaban sa inyo dahil sa relihiyon, at ni hindi kayo ipinagtatabuyan mula sa inyong mga tahanan. Katotohanan, mahal ng Allâh yaong mga makatarungan sa pakikitungo.
[Al-Mumtahanah-60:8]

Subali’t kung sila ay nagnanais ng kapayapaan, magnais din kayo nito at magtiwala sa Allâh.
Katotohanan, Siya ang Nakaririnig at Nakaaalam ng Lahat. [Al-Anfal-8:61]

Pagkaraa’y ipinaliwanag sa atin ng Allâh (Kaluwalhatian sa Kanya) kung kailan tayo nararapat
makipaglaban sa mga di-mananampalataya na sama-samang nakikipaglaban sa atin,
nagtataboy sa atin mula sa ating mga tirahan at sa lahat ng mga tumutulong sa
kanila, hayag man o hindi. Ito ay tunay na nangyayari sa kasalukyan sa
pagtulong ng Estados Unidos ng Amerika sa walang humpay na pagbibigay ng
suporta sa taga-Israel laban sa mga Muslim, ang Allâh ay nagsabi:

…at makipaglaban sa mga hindi mananampalataya ng magkakasama katulad ng kanilang pakikipaglaban sa inyo ng magkakasama.
[Al-Taubah-9:36]

Sa pangwakas, inutusan tayo ng Allâh na huwag makipaglaban maliban lamang kung kinakailangan bilang pagtatanggol sa ating mga kapakanan. Bukod pa rito, ang pagtawag ngJihad at ang pakikipaglaban ay hindi likas na katangian ng pamayanang Muslim. Napipilitan lamang tayong gawin ang mga bagay na ito kung kinakailangan tulad ng ipinahayag ng Allâh – ang Makapangyarihan:

Ang Jihad

(pakikipaglaban para sa landas ng Allâh) ay ipinag-utos sa inyo bagama't hindi

ninyo ito ninanais. Maaaring may bagay na hindi ninyo nais subali’t ito ay

makabubuti sa inyo, at maaaring may bagay na nais ninyo na makasasama naman sa
inyo. Batid ito ng Allâh subali’t hindi ninyo ito nalalaman. [Al-Baqarah-2:216]

"Allahu A'alam Bis Sawaab"

Subhanakallahumma wabihamdika ashadu ala ilaha illa anta
astaghfiruka wa atubu ilaika,

Wa Akhiru Dawana Anil Hamdulillahi Rabbil Alameen!

As-salamo alaykom wa rahmatulahi wa baralatuh!

Isa pa ito. Sorry to break it to you, but islam is not the most peaceful religion either.

Ikaw ang makakasagot niyan tanong mo, hindi ba masagot ng science mo yan?
Tsk, tsk, tsk. Iwas pusoy ka na naman. Sabi mo sa isang post kagagawan ng tao kaya nagdurusa tao. Ngayun binanggit ko ang mga natural calamities na isang dahilan sa human suffering, hindi mo sinagot but rather diverted it to "itanong ko sa science". Hindi ba pwede itanong sa iyo?

Tsk, tsk, tsk. Iwas pusoy ka na naman. Sabi mo sa isang post kagagawan ng tao kaya nagdurusa tao. Ngayun binanggit ko ang mga natural calamities na isang dahilan sa human suffering, hindi mo sinagot but rather diverted it to "itanong ko sa science". Hindi ba pwede itanong sa iyo?
Tinanong mo na nga eh,, pinili kong huwag sumagot kasi alam ko ang pagkukunan ko ng isasagot ay yuyurakan mo lang na kagaya ng baboy at aso, hindi ka rin lang naman naniniwalang may Dios useless din na sumagot gamit ang sinalita o salita ng Dios

Naging walang silbi yata ang science mo ukol sa mga sinasabi mong natural kwek kwek

Tinanong mo na nga eh,, pinili kong huwag sumagot kasi alam ko ang pagkukunan ko ng isasagot ay yuyurakan mo lang na kagaya ng baboy at aso, hindi ka rin lang naman naniniwalang may Dios useless din na sumagot gamit ang sinalita o salita ng Dios

Naging walang silbi yata ang science mo ukol sa mga sinasabi mong natural kwek kwek
Indeed. Naging walang silbi ang science. Perhaps your bible/religion/god can shed a light on this natural quack quack? Qwak qwak!

uy teka di na pwede slave trade ngayon...baguhin natin ngayon tanggalin yang..

"You may purchase male or female slaves from among the foreigners who live among you. You may also purchase the children of such resident foreigners, including those who have been born in your land. You may treat them as your property, passing them on to your children as a permanent inheritance. You may treat your slaves like this, but the people of Israel, your relatives, must never be treated this way. Leviticus 25:44-46 NLT "

ang problema meron tayong tinatawag na agham kaya yung iba naghahanap ng katibayan at may naniniwala at may hindi

maniwala man kayo o hindi , darating ang tamang panahon para sa mga katanungan ng sangkataohan , xD ,sabi nga nila walang pakialaman sa kani kanilang paniniwala para walang gulo xD

hehehe.jpg

Attachments

" I think it makes sense to believe in God "

Bill Gates
"I agree with people like Richard Dawkins that mankind felt the need for creation myths. Before we really began to understand disease and the weather and things like that, we sought false explanations for them. Now science has filled in some of the realm — not all — that religion used to fill. But the mystery and the beauty of the world is overwhelmingly amazing, and there’s no scientific explanation of how it came about. To say that it was generated by random numbers, that does seem, you know, sort of an uncharitable view [laughs]. I think it makes sense to believe in God, but exactly what decision in your life you make differently because of it, I don’t know."

Hehehe kung kukuha po sana ng source, sana yung buong context. Hirap mag-meme kapag siniseryoso eh hahaha

"I agree with people like Richard Dawkins that mankind felt the need for creation myths. Before we really began to understand disease and the weather and things like that, we sought false explanations for them. Now science has filled in some of the realm — not all — that religion used to fill. But the mystery and the beauty of the world is overwhelmingly amazing, and there’s no scientific explanation of how it came about. To say that it was generated by random numbers, that does seem, you know, sort of an uncharitable view [laughs]. I think it makes sense to believe in God, but exactly what decision in your life you make differently because of it, I don’t know."

Hehehe kung kukuha po sana ng source, sana yung buong context. Hirap mag-meme kapag siniseryoso eh hahaha
alam mo na ganyan talaga ang holy word twister 😆 😆

The moral systems of religion, I think, are super important. We've raised our kids in a religious way; they've gone to the Catholic Church that Melinda goes to and I participate in. I've been very lucky, and therefore I owe it to try and reduce the inequity in the world.

Bill Gates

Back
Top