Mind Palace
Eternal Poster
- TS TS
- #61
Hahahaha... Okay...lemme get this straight... So masama na si satanas so itinapon sya ni god sa sanlibutan kung san andun si adan at eba and then dun din nagawa nmn ni satanas na maghasik again ng kasamaan...May basehan yun ,na sa langit pa lng nagka ambisyon na si satanas ,bago pa siya manukso sa eden ,rebelde na siya ,.
SEzekiel 28:14-17 (TLAB) Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga.
Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.
Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kaya't inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios; at ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga batong mahalaga.
Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: aking inihagis ka sa lupa; aking inilagay ka sa harap ng mga hari, upang kanilang masdan ka.
Sino ba yang kerubin na yan na inihagis sa lupa ? Nung magkasala sa langit ??
Isaias 14:12-14 (TLAB) Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.
Anong langit ba sinasabi jan ,? Ilang langit ba ang merun? Langit ba d2 yan sa lupa ? Kung langit yan sa lupa bakit kailangan pang ihagis sya papunta sa lupa kung galing naman pala siya sa lupa ?
Hindi dahil may tinatawag na ikatlong langit !
2 Corinto 12:2
Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na inagaw hanggang sa "ikatlong langit."
Katunayang nasa langit pa lang magrebelde at masama na si satanas bago pa makarating sa eden ?
Roma 5:12 (TLAB) Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:
Kung papaano sa pamamagitan ng isang tao ,?
Ni adan ,kaya sya authority noon
Ang kasalanan ,sino may dala ? Si satanas .
Saan pumasok ? Sa sanlibutan kase nga wala pa man siya sa sanlibutan (sa earth sa eden)eh masama na siya may daladala na siyang kasalanan .
Nasa kapisanan pa lang siya ng mga anhel ,rebelde na siya ,kaya nga may mga anghel na nadaya siya ,kase dun muna siya nagkaambisyong makipantay sa Dios.
Kaya nga may anghel na mapaparusahan kasama nya eh.
Oooh... Im glad u mentioned this...ano purpose ng tree na un now?? Na wala na ung eden kung san andun ung puno na un?? So un lang purpose nea?? Ung participation ng puno na un sa eden story???
Actually, jayendecastro , dalawa ang puno na iyon na inilagay ng Diyos sa gitna ng hardin, yung isa ay ang punungkahoy ng buhay at yung isa ay ang puno ng pagkakilala ng mabuti at masama.
Genesis 2:9
Pinatubo niya roon ang lahat ng uri ng punongkahoy na magagandang pagmasdan at masasarap ang bunga. Sa gitna ng halamanan ay naroon ang punongkahoy na nagbibigay-buhay, at gayundin ang punongkahoy na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
Ang purpose ng punungkahoy na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mabuti at masama ay sumasagisag sa karapatan ng Diyos na magtakda ng kung ano ang mabuti at masama, ang punungkahoy naman ng nagbibigay-buhay ay posibleng sumasagisag lamang sa karapatan ng Diyos na bigyan sila ng 'buhay na walang-hanggan.' Though perfect na sila at hindi nagkakasakit o tumatanda [means, nangungulubot ang balat, lumalabo ang mata at iba pa], kung sila ay mapatutunayang tapat, posibleng bigyan sila ng Diyos ng pribilehiyo na kainin ang 'bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay,' anupat magiging posible sa kanila na mabuhay nang walang hanggan. Parang sa isang magulang, kapag masunurin ang kaniyang anak, binibigyan niya ito ng regalo bilang pagpapala dahil sa pagiging masunurin nito.
Kaya ang purpose ng punungkahoy na pagkaalam ng mabuti at masama, ay upang malaman ang kanilang pagkamasunurin sa Diyos, at kung magpapasakop sila sa pamamahala Niya.
After ng insidenteng iyon sa Eden, hindi na sila ipinahintulot na makapasok pa roon, pinalayas sila ng Diyos, sa anong layunin?
Genesis 3:22
Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay.”
Kaya after ng maraming taon, matapos ang pangglobong Baha sa lupa, hindi na nakita pa ang lugar ng Eden, maging ang mga punongkahoy na ginamit bilang mga sagisag.
Are u sure na walang inutos and diyos about sa pagpatay sa bible?? Pagpapatak ng babies??Ah yung masasamang ginawa ng tao ,killing babies nga sabi , bunga nga iyon na ang tao ay nahiwalay sa pagsunod sa Dios ,oo naniniwala aq nasa bible yon ,eh kagustuhan ba ng Dios yun ,? Inutos nya ba yun ?
Ah bakit may dinosaurs naman ,kung mag aaral ka nman ng naturalesa ,kht pa hal. Di mo pa naririnig yung paliwanag ng science bkt may existing ng dinosaurs , eh ganito , lam mo yung isang lupa ,para maging mainam o gumanda kailangan lagyan mo ng bulate ,o kailangan mo nga minsan ng compost na kinabibilangan ng mga uod ,,kumbaga ano man ang dhilan bakit nagka dinosaurs maaring may kinalaman sa lupa ,.sabagay kung malalaki yan eh tyak malalaki din dumi nyan yun pa lang sa lawak ng mundo at wala pang tao noon ,eh matityak mo na makakatulong sa lupa ,tae pa lng nila ,.eh kung kagalangaw lang ang gagamitin para sumagana ang lupa eh aabutin pa siguro ng mas matagal pa na panahon,
Kumbaga maaaring may dahilan ang Dios ,bkt may existence ang dinosaurs..
Una nga lupa lng naman unang makikinabang ,,eh bkt kailangan lupa ? Magkakaroon kase ng eden ..
Okay okay... So jesus was created by god... What kind of creation is he?? An angel? Man?? Or a god as well??Yamang kami ay hindi naniniwala sa tatluhang persona sa iisang Diyos .. Ang tinutukoy ng Diyos sa pagkakataong iyan ay walang iba kundi si Jesus .. Bakit?
Siya ang kauna-unahang tuwirang nilalang ng Diyos ..
Sa Bibliya, tinutukoy si Jesus na:
panganay sa lahat ng nilalang, o pasimula ng paglalang ng Diyos.
Colosas 1:15
15 Siya ang larawan ng di-nakikitang Diyos, ang panganay sa lahat ng nilalang;
Apocalipsis 1:5; 3:14
5 at mula kay Jesu-Kristo, “ang Tapat na Saksi,” “ang panganay mula sa mga patay,” at “ang Tagapamahala ng mga hari sa lupa.”
14 “Sa anghel ng kongregasyon sa Laodicea ay isulat mo: Ito ang mga bagay na sinasabi ng Amen, ang saksing tapat at totoo, ang pasimula ng paglalang ng Diyos:
Kaya, sa pagkakataong iyan, ang kausap ng Diyos na Jehova ay si Jesus, kasi, sa pamamagitan naman ni Jesus, nilalang ng Diyos ang lahat ng iba pang mga bagay.
Ginamit ni Jesus ang pinakamakapangyarihang puwersa na ginamit ni Jehova sa paglalang sa kaniya, ito yung holy spirit o banal na espiritu.
Kaya sa Bibliya, mababasa natin na
John 1:3
All things were made by him; and without him was not any thing made that was made.
Ginawa ni Jehova si Jesus, at pagkatapos, si Jesus naman ang gumawa sa iba pang mga bagay.
Para maunawaan mo, isipin mong gumawa ka ng computer gamit ang sarili mong mga kasangkapan, pagkatapos mong gawin yung computer, ginamit mo naman ang computer na iyon para gawin ang iba pang mga bagay.
So, lahat ng iba pang bagay na nagawa is through computer na. Pero, ikaw pa din lahat ang gumawa no'n.
Sa katulad na paraan, nilikha muna ng Diyos si Jesus at pagkatapos ay ginamit ni Jehova si Jesus para likhain ang iba pang mga bagay. Pero sa kabuuan, lahat ng iyon, si Jehova mismo ang lumikha.
Espesyal lamang ang pagkakalalang kay Jesus kasi TUWIRAN siyang nilikha ng Diyos at walang ginamit ang Diyos na tagapamagitan para likhain siya.
Kaya, nang sabihin ng Diyos, "katulad na NATIN ngayon ang tao", ang kausap ng Diyos ay walang iba kundi ang Anak niya mismo na si Jesus.
Malamang na sa sinabi kong ito ay tututol ang mga naniniwalang iisa si Jehova at si Jesus, pero, magiging mali iyon lalo na sa part na sinabi ng Diyos ang salitang "natin" na nagpapakitang magkahiwalay na persona sila, hindi iisang persona.
Tulad natin, isa kang hiwalay na persona na hiwalay sa akin. Bakit gagamit ang Diyos ng word na "natin" kung kausap niya lang din pala ang sarili niya?
Kaya, makatuwiran lang isipin na may isang hiwalay na persona na kausap ang Diyos.
Yup... Good na u get my point... Pero eto pa karagdagan....since u acknowledge na since magkaiba kayo ni angel069 ng interpretasyon eh kaninong pagkukulang yon na nagkakaroon ng pagkakaiba ng pagunawa ang tao about sa word ni god?@jayendecastro..I]Un din nman usually point ko... Same book, pero iba iba ng interpretasyon... Kaya its hard for me to believe in something lalo na kung 2 people who believe in the same thing cant have the same interpretation.[/I]
Tama ka nga dito ..
Actually, ganito lang yan, [USER@744408..jayendecastro[/USER]
It@s either isa sa amin ang nagsasabi ng totoo or hindi.... Sa Bible, may dalawang uri na gumagamit ng salita ng Diyos, isa na nagsasabi ng totoo at isa na hindi nagsasabi ng totoo ..
Jesus himself use the word of God para magturo ng katotohanan sa mga tao .. at sa paraan niya ng pagtuturo, mismong mga nakikinig na ang nagsasabi na may awtoridad siya sa pagtuturo ..
Mateo 7:28
@I..Matapos magsalita si Jesus, namangha ang mga tao sa paraan niya ng pagtuturo, dahil nagturo siya sa kanila bilang isang tao na may awtoridad, at hindi gaya ng kanilang mga eskriba.[/I]
Kumusta naman yung isa na hindi nagtuturo ng katotohanan?
Ginagamit din niya ang salita ng Diyos pero pawang kasinungalingan lamang ang ipinapahayag niya at sumasalungat mismo sa salita ng Diyos ..
Iyan ang ginawa ni Satanas noong tuksuhin niya si Jesus ..
Mateo 4:5, 6
Pagkatapos, dinala siya ng Diyablo sa banal na lunsod, sa tuktok ng templo. Sinabi nito: “Kung ikaw ay anak ng Diyos, tumalon ka mula rito, @I..COLOR=rgb(247, 218, 100)]dahil nasusulat[/COLOR][/I]: ‘Uutusan niya ang mga anghel niya na tulungan ka,’ at, ‘Bubuhatin ka nila para hindi tumama sa bato ang paa mo.’”
Kaya, maging si Satanas man ay gumagamit sa salita ng Diyos ..
Pero para makita mo ang katotohanan, ikaw mismo ang magsuri ..
Kaninong paliwanag yung mas makatuwiran?
Kanino yung mas tumutugma sa sinasabi ng Bible? Tumutugma, hindi sumasalungat. Kasi yung Bible, hindi dapat yan nagkakasalungatan eh.
So, dapat pag itinuro yan sa tao, dapat magkakatugma yung nilalaman at mensahe niya@n..hindi magkakasalungat.
So, ayun, suriin mo na lang kung aling paliwanag yung mas nakakakumbinsi sa iyo na paniwalaan.
Again, hindi ko layuning magkumberte ng mga member dito, kundi, ang layunin ko ay ituro mismo kung ano ang sinasabi ng Bible at ipakitang hindi ito nagkakasalungatan. Kaya, sinisikap ko tlgang maipaliwanag lahat.
Sinimulan ko tlga sa topic doon sa Eden kasi do@n lahat nagsimula ang proble..a. Kaya, sa mga thread ko, ipinapaliwanag ko bawat tanong na bumabangon doon kasi sa lahay ng magiging paliwanag ko, babalik at babalik ako sa pasimula ng problema.
Sabi ko nga, parang pelikula yan, kung hindi mo napanood yung simula ng palabas, kahit anong pilit mong unawain yung last part, hinding-hindi tutugma yung sinasabi mo, kasi, hindi mo nasimulan.
Same yan sa paniniwala ng mga tao ngayon sa Bible, mas nagfocus sa last part ng Bible, sa new testament.
Kaya, nung may binanggit na susunugin sa apoy ang lupa, pinaniwalaan agad eh, bakit? Yun na kasi agad naabutan nila. Eh kumusta sa pasimula? Pag binalikan ang pasimula sa kasaysayan ng tao, ang lupa ay nilikha para maging permanenteng tahanan ng mga tao.
Lahat ng yan, babalik sa simula. Yung di tugma tugma na mga paliwanag ng mga relihiyon,, yan yung mga mas pinaniwalaan yung last part ng Bible pero hindi tinatanggap yung mga naunang kapahayagan ng Diyos, hindi talaga nila nauunawaan SA KABUUAN ang mensahe ng Bibliya ..
So jesus is both himself and archangel michael???Sa Bibliya, may tatlong titulo na maikakapit kay Jesus.
Anghel.
Tao.
Diyos.
Talakayin natin yung una.
Anghel. Paano natin nasabi na si Jesus ay isa ding anghel?
Sa Bible, may isang anghel na kilala bilang si Miguel na Arkanghel. Ano ba ang salitang "arkanghel"?
Nangangahulugang “pinuno ng mga anghel.” Sa salitang Ingles na archangel, ang unlaping arch ay nangangahulugang “pinuno” o “pangunahin.” Ipinapakita ng kahulugang ito, at ng paggamit ng “arkanghel” sa Bibliya sa anyong pang-isahan lang, na iisa lang ang arkanghel. Binanggit sa Bibliya na ang pangalan ng arkanghel ay Miguel.—Dan 12:1; Jud 9; Apo 12:7
Sa Kasulatan, ang “arkanghel” ay hindi kailanman lumilitaw sa anyong pangmaramihan. Ang terminong ito ay lumilitaw sa Bibliya sa anyong pang-isahan lamang. Waring ipinahihiwatig nito na iisa lamang ang itinalaga ng Diyos na maging puno, o ulo, ng hukbo ng mga anghel. Sa 1 Tesalonica 4:16, ang tinig ng binuhay-muling Panginoong Jesu-Kristo ay inilalarawan bilang tinig ng arkanghel, anupat ipinahihiwatig na siya mismo ang arkanghel.
1 Tesalonica 4:16Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
Makatuwiran lamang isipin na kay Jesus nga kumakapit ang terminong "arkanghel" dahil mayroon na siyang nakatataas na awtoridad sa langit sa panahong iyan,
Mateo 28:18At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT at sa ibabaw ng lupa ay NAIBIGAY NA SA AKIN.
Pansinin din, kapag dumating na siya bilang hukom sa araw ng paghatol ng Diyos sa sanlibutan, tatawagin niya mismo ang mga anghel.
Mateo 13:41SUSUGUIN NG ANAK NG TAO ANG KANIYANG MGA ANGHEL, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan
Kaya, mapapansin natin dito na may malaking awtoridad si Jesus sa mga anghel.
Oo, bilang pinuno ng mga anghel, o bilang ang arkanghel ng Diyos, uutusan niya mismo ang mga anghel sa panahon ng paghatol sa sanlibutang ito.
Kaya, ano ang magiging konklusyon natin dito?
Si Jesus ay isa ding anghel, pero hindi lang basta anghel, kundi isang pinuno ng mga anghel, o arkanghel.
TAO. Sa Bibliya, matapos isugo ng Diyos na Jehova si Jesus dito sa lupa upang isakatuparan ang layunin Niya, maraming beses na tinawag si Jesus bilang Anak ng tao.
Bakit? Ito ay upang ipakita mismo na si Jesus ay "naging tao" at nabuhay mismo dito sa lupa. Hindi siya "nagkatawang-tao" gaya ng sinasabi ng iba. Magkaiba ang "nagkatawang-tao" sa "naging tao."
Ang nagkatawang-tao ay yung isa na mula sa pagiging espiritu ay nagpalit ng kaniyang kaanyuan bilang tao na hindi na dumadaan sa sinapupunan ng isang tao gaya ng ginagawa ng mga anghel noon. Ang pananalita namang "naging tao" ay nagpapakita na ito ay dumaan sa proseso para maging isang ganap na tao gaya ng nangyari kay Jesus nang ang buhay niya ay ilagay ng Diyos sa sinapupunan ni Maria upang doon ay dumaan sa proseso hanggang sa maisilang bilang sanggol.
Kaya, si Jesus ay naging tao, hindi nagkatawang-tao.
Ito ang dahilan kung bakit madalas na sinasabi ng Bibliya na siya ay "Anak ng tao.”
Pero, nang buhayin siyang muli matapos mamatay sa tulos, binuhay siya bilang isang espiritu.
1 Pedro 3:18Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't BINUHAY SA ESPIRITU;
Yamang espiritu na siya noon, nagawa niyang magkatawang-tao gaya ng ginagawa ng mga anghel noon, kung kaya, ito yung dahilan kung bakit nailusot ng isa sa kaniyang mga alagad ang daliri nito sa mga butas sa kamay ni Jesus noong iabot ni Jesus ang kamay niya sa isa sa kaniyang mga alagad.
Kaya nga nung umakyat si Jesus, ang taglay niyang katawan ay espiritu, hindi laman.
1 Corinto 15:50Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.
Kaya, ano ang konklusyon? Si Jesus ay tinawag na tao kasi naging tao siya noong nabuhay siya dito sa lupa.
[Ito muna ang maibibigay kong sagot ng Bibliya sa ngayon; may kinalaman sa katawagan na "Diyos", sisikapin kong maging 'simple' yung paliwanag ko dya'n para madali mo siyang maintindihan kung bakit si Jesus ay tinawag din sa Bibliya bilang "Diyos". Sa ngayon, yan lang muna.]
May mga paliwanag si Gentleman007 about sa dahilan kung bakit tinawag si Jesus sa Bible bilang "Diyos", siguro, yun na lang yung tingnan mo, or ipost nlng dito yung link ng thread about sa topic na iyon.
Anyway, sana ay makatulong sa iyong curiosity ang mga maiikling paliwanag diya'n.
We use cookies and similar technologies for the following purposes:
Do you accept cookies and these technologies?
We use cookies and similar technologies for the following purposes:
Do you accept cookies and these technologies?