Watch your language sir, your response reflects to what character you have
Hindi namin kasalanan kung bakit si Cory ang binoto ng mga magulang niyo that time, labas kami diyan pero bago mo sabihin na walang kwentang leader siya tingnan mo muna kung anong sitwasyon ang hinarap niya after ng 1986 revolution, bilyones na utang na until now ay binabayaran pa natin yung hinarap niya, namanage niyang hindi palobohin ng sobra yung mga interes non, yung inflation na iniwan ni Marcos namanage niya na pababain kahit papano, yung piso kontra dolyar, nagawan niya ng paraan, kaya di ko siya masisisi na wala siyang masyadong nagawa within 6 years ng pamumuno niya dahil kailangan niyang isaayos yung mga kalat na iniwan ni Marcos, yang mga utang na yan, kala mo ba makakapagpagawa pa si Cory ng mga infrastructure during that time na naghihingalo na talaga ang ekonomiya ng Pilipinas, sana po kung ilang taon na kayo ngayon, sana nagrereflect yan sa kung anong pinagkatandaan niyo, kasi halatang di mo naabutan yung panahon ni Marcos at Cory, kung gaano kahirap yung transition period, sana po matuto muna magtanong hindi po yung pupunain mo na "Bat walang nagawa?" Sana naitanong mo muna kung "Bakit nga ba walang nagawa?", And sana sa mga sagot na binigay ko malinawan na kayo and again kung usaping lutang, hindi si Leni yon, dahil una yung mga lutang vids niya ay mga pinag putol putol or di kaya ay tinake out of context para may ipang sira lang sa kanyang image, compared na man kay "alamano" na hindi makasagot ng maayos at hindi madelivered yung speech ng malinaw, may nalalaman pang "mayayo"
Hindi po pang bababoy ang pagsasabi ng totoo, ang problema sa duterte admin pag napupuna, ipapakulong ka or irered-tag or bibigyan ng threat, kailangan sa gobyerno ng tinatawag na "check and balance" and kung wala yan edi paano pa tayo naging demokratikong republika diba? Sana po maintindihan niyo yon, dahil kung walang pupuna, paano magbabago? Kung walang matang nakakakita sa pagkakamali, paano tayo uunlad? Naghahangad tayo ng pag-unlad pero simpleng "pagpuna" ay di kayang tanggapin, hindi pwede yon lalo na nasa gobyerno ka, dapat bukas at malinis ang record mo
So ibig sabihin yung mga iskwater samen na buong buo ang suporta kay VP Leni ay mga oligarch at malaki ang kickback? And yes tama ka, di corrupt si Noynoy pero ang mga inassign niya na dapat maglingkod ay pinaglingkuran ang kanilang mga sarili and i think based on my research problema talaga yan ng mga nagdaang presidente from First Philippine Republic, may korap na non until now kay duterte, and kung iisa isahin ko pa baka umabot ng 3 pages tong comment ko, and sana wag mong tingnan yung kulay dahil lang sa yung presidente na nagkulang sa pamumuno ay gaanon din ang kulay, dahil lahat naman ng mga presidente regardless of what color they are ay talagang nagkukulang dahil wala namang perpektong tao at perpektong gobyerno pero kahit na walang perpektong tao, sana ang piliin natin ay yung maayos ang track record, malinaw ang plataporma, hindi pwede yung sasabihin mo lang na "Gagawin kong 10 pesos ang mga bilihin" tas di mo naman sasabihin kung paano diba? Kasi madali lang magsabi na "Pupunta ako" pero di naman tutuparin, kagaya lang sa plataporma, madali magsabi na "ibababa ko ganito ganyan, magiging mura mga bilihin" pang trapo yan eh, ang dapat po sana ay yung may plano kung paano ito gagawin, may malinis na track record at higit sa lahat "hindi magnanakaw" at "nagbabayad ng tax", majority naman ng mga kandidato sa pagkapresidente ay walang tax case or sobrang pangit na record maliban sa isa eh
uhh what character i have?nagmura ba ako?criminal ba ako?kung nasaktan ka sa mga sinabi ko well,im sorry its the truth and nothing but the truth,so help me God.
well para sa kaalaman mo hindi naman dapat nagkaroon ng revolution kuno a.k.a people power kung marunong lang sanang sumunod sa batas ang mga pinoy noon even ngayon.
nagdeklara si makoy ng martial law not for Good people but for the bad people na gustong manggulo at sirain ang bansang pilipinas a.k.a
NPAs and The Yellow Submarines.
alam mo kid,kung hindi lang pinatalsik ng mga idolo mo si makoy kayang kayang bayaran ng bansa yan,pero hindi.mga ganid kasi sila,gusto nila ng kapangyarihan at kayamanan ni makoy a.k.a "The Golds"
Talagang walang nagawa si corykong noon kasi puppet lang din naman sya,biruin mo housewife napunta ng malakanyang?oh diba bongga!!kaya wag mo ipilit na kesyo naghihingalo,inflation,kalat ni makoy etc.
walang kalat kung walang plano na manggulo.
Yung kalat na sinasabi mo baka yung mga nagawa ni makoy na ayaw gamitin,pinalitan,iniba pangalan,pinasira ni corykong sa sobrang galit nila ke makoy,tulad ng BNPP na bagong bago noon,para makatulong sa mga tao,mapababa ang presyo ng kuryente.pero ano ginawa ni corykong?
hindi pinabuksan,pinasara,kulang nalang pasabugin eh,imagine that?
about sa sinabi mong matutong magtanong..
tinanong ko na matagal na sa mga lola' lolo,magulang ko.iisa lang sinasabi nila,na napakamura ng bilihin,walang masyadong krimen,napakatahimik.napakasarap das mamuhay noon kasi nga golden age daw time na yun.
idol mo pala ang malinis na track record eh,natural mahilig ka sa mga housewife eh talagang no bad track record yan.kasi wala naman nagawa mga yan eh..
do you feel na parang deja vu lang ni corykong this time..?
lenlen no bad track record..hmmmm
clean record..hmmm nope!
kid ayaw ko sa mga plastic and mga feeling malinis, aka disente kuno ni buhat sibuyas.
ayaw mo sa magnanakaw?kala ko ba ayaw mo ng salitang trapo..hmmm ikaw ha!
kung napatunayan mong magnanakaw,sampahan mo ng kaso tas ipakulong,bulukin mo sa kulungan.
tagal tagal ng issue hindi naman maipakulong,ilang yellows na nagdaan,pero ano?wala eh,puro sabi sabi wala sa gawa,walang ebidensya,puro gawa gawa lang.
gugustuhin ko na sa binabansagan nilang magnanakaw kesa sa "plastik" na may "hidden agendang puppet" adios!