What's new

Poems Awa sa Pag-ibig

Vince0527

Honorary Poster
Joined
May 31, 2020
Posts
184
Reaction
64
Points
129
"Oh! Kaawa-awang buhay ko sa iba
Mula at sapol ay gumiliw-giliw na,
Nguni’t magpangayon ang wakas ay di pa
Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.

Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin,
Ang ako’y umasa’t panasa-nasain,
At inilagak mong sabing nahabilin,
Sa langit ang awa saka ko na hintin!

Ang awa ng langit at awa mo naman
Nagkakaisa na kaya kung sa bagay?
Banta ko’y hindi rin; sa awa mong tunay,
Iba ang sa langit na maibibigay.

Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap,
Sa langit na hintin ang magiging habag?
Napalungi namang patad yaring palad,
Sa ibang suminta’t gumiliw ng tapat."


Credit to the Owner
 
Back
Top