Dyan pa lang sa sinasabi mo sinasalungat mo na ang mga sinabi nina apostol Juan at Timoteo. Gusto mo ulitin ko para sa'yo:
1 Juan 4:18 Walang takot sa pag-ibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
2 Timoteo 1:7 Sapagka't hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.
Natatawa ka pa na huwag lang salungatin ang mga aral pero lumalabas na ikaw rin ay sumasalungat sa ibang mga apostol. Ipinagpipilitan mo talagang dapat katakutan ang Diyos. Ano bang meron ang pagkakaroon ng "takot sa Diyos" ang di kayang ibigay ng pagkakaroon ng "pag-ibig sa Diyos"? Kailangang matakot sa Diyos dahil pwede Niya tayong dalhin sa impyerno? Ganun ba? Alam ng Diyos na sinumang patuloy na gumagawa ng kasamaan ay sa impyerno ang bagsak. Ngunit hindi gusto ng Diyos ang sinuman sa Kanyang mga anak ang mapunta sa impyerno. Sinong mabuti at mapagmahal na Ama ang nanaiisin na mapunta ang Kanyang mga anak sa impyerno para pahirapan ni satanas? Kaya nga pati Bugtong Niyang Anak pinadala na Niya sa sanlibutan upang sinumang sumampalataya sa Kanya ay di mapahamak (huwag mapunta sa impyerno) at makamit ang buhay na walang hanggan. Si satanas ang nagsisikap na maging masama ang lahat ng mga anak ng Diyos upang mapunta sa impyerno. Sa nakikita ko, mukhang ipinapantay nyo ang kahulugan ng pag-ibig sa takot. Sinasabi sa Biblia "ang Diyos ay pag-ibig (God is Love)". Ngayon mukhang gusto nyo rin yata ibansag sa Kanya "ang Diyos ay pagkatakot (God is Fear)". Maganda rin bang pakinggan yun? Kulang na nga lang palitan nyo na ang unang utos ng Diyos na "ibigin ang Diyos" at gawin nyong "katakutan ang Diyos".
Uulitin ko!
Hindi ka nga nakakaunawa, ang nakikita ko sa iyo ay alipin ka ng espiritu ng kalituhan dapat ka ngang magkaroon ng espiritu ng 'katakutan' (fear of God) bakasakaling kahabagan ka pa ng diyos sa araw Ng paghatol sayo, nakikita ko sayong makalaman (worldly) ka pa maging sa interpretasyon mo Ng Salita Ng Diyos at maging mga apostol sinasalungat mo.
Ang Espiritu Ng pag-ibig Ng Diyos na nakamtan ng mga apostol at mga tagasunod sa lipi ni Hesus(Israelites) at sa 144,000 na nabibilang dito, dapat mong maunawaan na una silang pinili(mga unang Ani) ng ibigin sila ng diyos dahil sa righteousness nila na parang katulad ng sa righteousness ni propeta Job, pinili sila Ng Diyos bilang mga unang handog sa Panginoon upang magkaroon ng pag ibig mula sa Kanya sapagkat nahirang nga sa bilang na yan (144k) na maging mga saserdote dahil itinuturing sila ng Diyos na maging mga panganay niya kapantay ng panginoong Hesukristo at dahil sa walang anumang natagpuan kapintasan sa kanila being pure and undefiled of worldly spirit of evil at hindi sila kailanman naging makalaman sa buong lifetime nila at nanatili silang tapat at wagas, namayani nga sa kanila ang Espiritu Ng Pag-ibig Ng Diyos ayon sa aral ng Panginoon Hesukristo na mismo at ayon na rin sa aral ng mga apostol na nabanggit mo na iyong pinararatangan ngayon kasinungalingan
At sa ginagawa mong yang ka rin hahatulan, sapagkat nakikini kinta ko na hayag sayo ang mga gawa ng laman na dahil sa di mo pagkaunawa lumilikha ka ng pagtatalo talo at pagkakabaha-bahagi na kahahantungan ay hidwang pananampalataya nga
Kung gayon nga na may pag ibig ka ng diyos at kung nasasaiyo man ang Espiritu ng pag ibig Ng Diyos at iniibig mo nga siya ng iyong buong puso at buong kaluluwa tulad ng ginawa ng mga tagasunod ni Hesus, at wala ka ngang espiritu ng pagkatakot sa Diyos, congrats sir! Exempted ka sa judgment day, dahil kabilang ka pala sa 144,000 na inilipat na sa buhay mula sa kamatayan at sapagkat una nga kayong inibig Ng Diyos dahil iniibig niyo Ang Diyos Ng buong puso ninyo at tulad Ng mga sinaunang apostol at tagasunod ni Hesus, ipinagbili nyo lahat Ng Ari arian nyo at ipinamahagi lahat sa mahihirap, hindi kayo nagsipag asawa at iniwan ninyo Ang inyong mga tahanan, maging inyong ama't INA at sariling kapatid alang alang sa Panginoon at sa ebanghelyo ng katotohanan, kayo nga'y nangalubos sa mata Ng Diyos dahil sa pag ibig nyo sa Kanya nalalaman ninyong di kayo dapat matakot sa paghuhukom at kayo'y ligtas na nga sa dagat dagatang apoy, samakatuwid bagay ang pangalawang kamatayan, kayo yung makakasama sa unang pagkabuhay at walang kapangyarihang sa inyo ang pangalawang kamatayan at di na rin kayo hahatulan sa huling araw dahil tinubos na nga kayong Ng Kanyang pag ibig!
Congrats sir you are one (1) in 144,000 inc. wag ninyo nga lang salungatin at itwists Ang mga aral hahahah
****
Ano ba ang ipinapahiwatig ko dyan sa sinabi Kong yan
Ang akin lang, lahat ng mananampalataya ay may choice na umibig at matakot sa Diyos, madali mong sabihin na iniibig mo Ang Diyos Ng buong puso at kaluluwa at pag iisip ngunit ang binibigyang diin ko lang madali lang magbitaw ng salita na minamahal mo ang Diyos mo ngunit hayag nga ang gawa ng laman sapagkat Ang pag ibig sa Diyos ay hindi Salita lamang kundi sa gawa makikita, tanungin mo sarili mo, kailan mo ipinagbili LAHAT ng Ari arian mo at nilisan Ang iyong tahanan, kapatid, magulang alang alang sa panginoon, at ipinamahagi mo lahat ng kayamanan o pag aari mo sa mga maralita at kapus palad at mga balo, nagawa mo na ba iyan? At nangaral ka ba Ng ebanghelyo at nagkawanggawa sa ibat ibang lupalop Ng daigdig na Ang tanging bitbit mo lamang ay konting tinapay at inumin at nakadamit ng sako at lumang sandalyas na sapin sa paa.
Kung sasabihing mo namang iniibig mo Ang Diyos dahi araw araw Kang nasa Simbahan at nag aabot ng abuloy sa simbahan, eh dapat nga sigurong matakot ka pa rin sa Diyos, sapagkat anong kaibahan mo sa ibang mananampalataya at mga relihiyon, ginagawa rin nila yan at nakahihigit pa dahil nakakapagpatayo sila Ng mga engrandeng basilica, templo, musoleo, sports complex, arena at samut saring worldly edifices, ngunit lumabas ka ng mga mamahaling building andyan din ang mga hikamos namamalimos, ang maysakit, may mga kapansanan, walang maipagamot, mangilan ngilan lamang ang naabot talaga ng tunay na mga umiibig sa Diyos sir! Sana kabilang ka nga sa mga kakaunting bilang nila, dahil Kung Hindi ka 1 in 144,000, maigi pang wag mo Ng ipagmalaki na iniibig mo Ang Diyos Ng buong puso at sa halip matakot ka sa Diyos, dahil walang taong puspos matuwid sa Diyos, maliban na lang kung nasa iyo Ang banal na espiritu Niya, na sya ring natanggap Ng mga original na apostol ni Hesukristo noong araw Ng pentecostes sa Judea, sapagkat sa mga apostol na hinirang na iyo naman pinararatanganan Ng kasinungalingan tulad ni apostol Pablo na na annoint mismo ni Kristo, nakikita sa kanyang mga gawa Ang bunga Ng espiritu Ng pag ibig Ng Diyos na pinapangaral mo.
Kung Hindi mo kayang tularan Ang mga gawa at pasakit na naranasan nila, wag mo namang sasalungatin Ang mga aral nila, sapagkat sumasakanila rin Ang banal na espiritu, at dahil nilalabag mo Ang mga bagay na turo Ng espiritu, kasalanang ikamamatay mo yan (spiritual death) kaya pinapayo ko sa yo kung di mo lubos na matupad Ang pinakamamahalagang utos, dapat ka nga magpakababa at matakot sa Diyos dahil Hindi mo hawak Ang iyong sariling kaligtasan at Hindi ka exempted sa judgment day!
Naintindihan mo yung fear na haharap at haharap ka pa rin sa Kanya at lahat ng may pagkukulang sa pag ibig sa Diyos at sa kapwa, lahat ay magsusulit nga sa judgment day mismo! Gets mo ba Yung fear na tinimbang ka ngunit nagkulang ka nga!