What's new

Closed Atheist here!

Status
Not open for further replies.
Naniniwala ako na may creator , pero yung creator na yun eh parang dumaan lang tas gumawa at wala na siyang pake.

Bago magkaroon ng MERON mayroong WALA. eto yung creator na nagcreate ngunit hindi aware.
Yung WALA eh ngwowonder lang ng nagwwonder at yung "kumbaga" bakas niya eh nagkakaroon ng MERON
Isipin niyo, pinagtatalunan niyo yung WALA na WALA namang pake sainyo.
 
Di ko naman pinaparatangang sinungaling ang mga propeta. Alam kong malaki ang pasasalamat sa kanila ng Ama dahil nakilala ng lahat na Siya ang tunay na Diyos. Ang kasulatan inspired by God? Sabihin ko sa'yo hindi lahat. Dahil ang paniniwala ng mga propeta na ang Diyos ay mabuti lamang sa mga mabubuti at masama naman sa mga masasama ay pagpapakita lamang na hindi pa nila lubos na kilala ang Diyos. Kaya anumang sinulat nila kung paano ang dapat pagturing sa mga masasama kahit hindi sinabi, inutos at ginawa ng Diyos, ay ipinalabas nilang sinabi, inutos at ginawa ng Diyos dahil sa paniniwala nilang ito.

Sinabi nga ng Panginoong Jesus:
Lucas 6:33 Kung gumagawa kayo ng mabuti sa mga gumagawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? Sapagkat ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan.

Ibig lamang iparating ng Panginoong Jesus na dapat gumawa rin tayo ng mabuti o maging mabuti rin tayo sa mga masasama, hindi sa mga mabubuti lang sa atin. Ano pang gantimpala ang ating makakamit kung ang mga minamahal natin ay ang mga nagmamahal lang sa atin.

Lucas 6:35 Datapuwa't ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo'y magiging ganti, at kayo'y magiging mga anak ng Kataastaasan: sapagka't Siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama.

Ang utos ng Panginoong Jesus, ibigin ang ating mga kaaway. Ngunit may dagdag pa Siyang paliwanag na taliwas sa paniniwala ng mga propeta. Isang katangian ng Ama na likas sa pagiging mapagmahal na Diyos. Sinabi Niya "at kayo'y magiging mga anak ng kataas-taasan" dahil kung paanong iniibig ng Ama ang Kanyang mga kaaway at mabuti Siya sa mga mabubuti gayundin sa mga masasama ay dapat din Siyang tularan ng Kanyang mga anak. Kung iniibig ng Diyos ang Kanyang mga kaaway magagawa ba niyang saktan o patayin ang mga ito? Hindi.

Ngayon tanong ko, mahirap ba sa inyong tanggapin ang katotohanan na ang Diyos ay mabuti sa mga mabubuti at gayundin sa mga masasama na taliwas sa paniniwala ng mga propeta? Tanggapin nyo na ang katotohanang ito dahil likas talaga na mabuti, mahabagin at mapagmahal ang ating Diyos.

Kung ganon brad.sino ang nagdala ng baha sa panahon ni noe at sino ang nagpaulan ng apoy sa panahon ni lot.ang panahon na yan ay puno ng kasamaan ang tao kung hindi ang Dios ang may gawa noon,sino?

Deut.32:39 Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay

May alam ka ba na mas makapangyarihan pa kaysa sa Dios na maaring gumawa ng ganyan?wag mo sabihing lilipulin ni satanas ang mga kapwa nya kauri.

Yong sinasabi nyong "ibigin mo ang iyong kaaway" utos po yan sa panahon ng kristyano hindi ng mga esraelita.ito halimbawa

Mat.5:21 Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan:

5:22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy

Sa panahon ni moises ang utos "wag kang papatay" sa panahon ng kristo "mapoot" ka palang nagkakasala kana.magiisip pa ba tayong pumatay ng kapwa kung ang mapoot pa lang ay pinagbabawal na ni kristo?nakita mo ba pagkakaiba?mas mahigpit.mas lalong hindi ka papatay ng kapwa kapag inutusan kang "ibigin mo ang iyong kaaway"
 
Last edited:

At saka sa mga nakasama ni kristo lalo na ang mga apostol wala pa akong nabasa na sinasabi nila sa kanilang mga sulat "nagkamali ang mga propeta sa pagkakakilala sa Dios(Ama)" kahit si san Pablo na dating hudio walang diwa na tulad nyan sa mga sinulat nya.....ang dating eh...mas maalam ka pa sa mga apostol?
 
Last edited:
612540

Mga self proclaimed atheist, wag nyong gagamitin ang goodbye kung di nyo alam ang meaning.
 
Attachments

View attachment 612540

Mga self proclaimed atheist, wag nyong gagamitin ang goodbye kung di nyo alam ang meaning.
Goodbye simple means farewell... At ikaw kahit ano sabihin mo kapag ginagamit mo ang word na "goodbye" eh ang ibig sabihin mo eh paalam. O kaya try mo pag nagpapalam ka sabihin mo "godbye" para drect to the point...hahahaha.. ung god nga jan pinaltan ng good kasi greeting or expression yan..

Kahit ako nagsasabi ako ng "my god!" ..."jesus christ!" Ung pag iritang irita na ko...napapa ganan ako eh...haha

Pakitagalog mo nga to or ung meaning atleast...

Good morning
Good day
Good noon
Good afternoon
Good evening
Good night
Goodbye
...and para sau .... Good luck.

😁
 
Kung ganon brad.sino ang nagdala ng baha sa panahon ni noe at sino ang nagpaulan ng apoy sa panahon ni lot.ang panahon na yan ay puno ng kasamaan ang tao kung hindi ang Dios ang may gawa noon,sino?

Deut.32:39 Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay

May alam ka ba na mas makapangyarihan pa kaysa sa Dios na maaring gumawa ng ganyan?wag mo sabihing lilipulin ni satanas ang mga kapwa nya kauri.

Yong sinasabi nyong "ibigin mo ang iyong kaaway" utos po yan sa panahon ng kristyano hindi ng mga esraelita.ito halimbawa

Mat.5:21 Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan:

5:22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy

Sa panahon ni moises ang utos "wag kang papatay" sa panahon ng kristo "mapoot" ka palang nagkakasala kana.magiisip pa ba tayong pumatay ng kapwa kung ang mapoot pa lang ay pinagbabawal na ni kristo?nakita mo ba pagkakaiba?mas mahigpit.mas lalong hindi ka papatay ng kapwa kapag inutusan kang "ibigin mo ang iyong kaaway"
Ang pagbaha sa panahon ni Noe at pag-ulan ng apoy sa panahon ni lot ay pinaniniwalaan kong isang natural disaster at hindi gawa o kalooban ng Diyos. Ang natural disasters ay bahagi na ng mundong ating ginagalawan. Ang pagbaha na katulad sa panahon ni Noe ay may katulad na ring nangyari noong 1861 sa central at southern california. Ang Noe megaflood ay may 40 days rainfall and 5 months underwater samantalang ang California megaflood ay 43 days rainfall (w/ storm) and 6 months underwater. Ang California megaflood ay mas matindi pa nga sa nangyari nung panahon ni Noe ngunit hindi naman nagbaha sa buong mundo. Nung panahon ni Noe ay di pa maunlad ang science & technology kaya paano nila masisigurado na nagbaha sa buong mundo. Ngunit nung panahon ng California megaflood ay meron ng telegraph na nagtatransmit ng information over a wire kaya nalaman na sa kanilang lugar lang nagbaha at hindi buong mundo. Itinuring ng mga taga california na ito'y isang natural disaster at hindi gawa o kalooban ng Diyos. Ayon naman sa Geological Survey of Israel na isa sa mga corresponding author of research article about Sodom and Gomorrah, the fires are created by ignition of combustible gases by earthquake-impelled thermobaric-hydrothermal explosions. Ito ang sinasabing dahilan ng pagkasira ng lugar ni lot na masasabing isang natural disaster at hindi gawa o kalooban ng Diyos.

Sang-ayon naman ako na utos sa panahon ng kristiyano ang "ibigin ang inyong mga kaaway". Ngunit may idinagdag pang salita ang Panginoong Jesus nang sabihin Niya ang utos na ito. Sa ebanghelyo ni Mateo Sinabi nga Niya "ibigin ninyo ang inyong mga kaaway" at idinagdag pa Niya "upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit" at idinagdag pa Niya "Sapagkat pinasisikat Niya ang Kanyang araw sa mabubuti at sa masasama, at nagpapaulan sa mga ganap at hindi ganap". Sa ebanghelyo naman ni Lucas idinagdag Niya "sapagkat Siya'y magandang-loob (mabuti) sa mga walang turing at sa masasama". Si Cristo mismo ang nagsabi nito. Magsisinungaling ba ang Bugtong na Anak tungkol sa katangian ng Ama? Ibig lamang Niyang iparating sa Kanyang sinabi "Upang kayo'y maging mga anak" dahil kung ano ang Ama ay dapat ding tularan ng Kanyang mga anak, na iniibig ng Ama ang Kanyang mga kaaway. Na mabuti Siya sa mabubuti gayundin sa masasama.

Sabi pa ni Cristo, "kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin?" (Lucas 6:32-33)

Ibig ngang iparating ng Panginoong Jesus sa atin na hindi lamang ang mga umiibig sa atin ang dapat nating ibigin kundi pati mga hindi umiibig sa atin. At hindi lamang ang mga gumagawa ng mabuti sa atin ang dapat nating gawan ng mabuti kundi pati ang masasama rin. Na maging mabuti tayo hindi lang sa mabubuti sa atin kundi pati sa masasama rin. Dahil ganoon ang Ama, na mabuti Siya sa mabubuti gayundin sa masasama.

Kaya nga minsan nasabi ko sa aking sarili "ako gagawa ng mabuti o maging mabuti sa mga taong masasama? Parang ang hirap yatang gawin o sundin." Pero para maging tunay na anak ng Diyos Ama dapat ko Siyang tularan. Napakatinding pag-ibig talaga nito. Kaya nga sana dapat nyong timbangin kung ano ang nagbibigay ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ang paniniwala ba ng mga propeta na mabuti ang Diyos sa mabubuti at masama sa masasama o ang turo ng Panginoong Jesus na mabuti ang Diyos sa mabubuti gayundin sa masasama. Ang Panginoong Jesus ay hindi kailanman magsisinungaling tungkol sa Ama. Puso ang dapat ginagamit sa pagbabasa ng Biblia upang malaman ang katotohanan tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Salamat.

Ito links sa California Megaflood at Sodom and Gomorrah research article.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Yung Noah's flood obviously global flood yan, Kasi nga hanggang tuktok ng pinakamataas na bundok noon na covered diumano ng water, kung natural phenomenon yan hindi rin, obvious naman may datos ng natural megaflood ka na sample sa link mo di ba, against sa laws of physics, at pag against sa natural laws, ofc supernatural na kaganapan yan.

Yung sa Sodom and Gomorrah ofc local event lang yan obvious naman sa story, kung natural ba palagay ko hindi, kasi supernatural phenomenon yan,

magpakita ka nga ng videos or experiment where it rained sulfur and fire sa isang place and sabihin natin medyo nasa malapit ka lang at tumatakas papalayo dito na pag lumingon ka magiging haliging asin ka, natural yan? Kahit ilan beses mo pang titigan yung place na nasa malapit, mabubulag ka lang at mapapaso ng radiation nito, pero hindi ka magiging haliging asin, ever!

Sang-ayon naman ako na utos sa panahon ng kristiyano ang "ibigin ang inyong mga kaaway". Ngunit may idinagdag pang salita ang Panginoong Jesus nang sabihin Niya ang utos na ito. Sa ebanghelyo ni Mateo Sinabi nga Niya "ibigin ninyo ang inyong mga kaaway" at idinagdag pa Niya "upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit" at idinagdag pa Niya "Sapagkat pinasisikat Niya ang Kanyang araw sa mabubuti at sa masasama, at nagpapaulan sa mga ganap at hindi ganap". Sa ebanghelyo naman ni Lucas idinagdag Niya "sapagkat Siya'y magandang-loob (mabuti) sa mga walang turing at sa masasama". Si Cristo mismo ang nagsabi nito. Magsisinungaling ba ang Bugtong na Anak tungkol sa katangian ng Ama? Ibig lamang Niyang iparating sa Kanyang sinabi "Upang kayo'y maging mga anak" dahil kung ano ang Ama ay dapat ding tularan ng Kanyang mga anak, na iniibig ng Ama ang Kanyang mga kaaway. Na mabuti Siya sa mabubuti gayundin sa masasama.

Sabi pa ni Cristo, "kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin?" (Lucas 6:32-33)

Ibig ngang iparating ng Panginoong Jesus sa atin na hindi lamang ang mga umiibig sa atin ang dapat nating ibigin kundi pati mga hindi umiibig sa atin. At hindi lamang ang mga gumagawa ng mabuti sa atin ang dapat nating gawan ng mabuti kundi pati ang masasama rin. Na maging mabuti tayo hindi lang sa mabubuti sa atin kundi pati sa masasama rin. Dahil ganoon ang Ama, na mabuti Siya sa mabubuti gayundin sa masasama.

ganito kasi ang talinghaga

Nagtanim ka ng palay sa bukid
Ngunit kaugat na tumubo kasabay nito ang mga talahib, siyempre una ayaw mo magsamang lumago ang palay at talahib, mag aagawan sa nutrients yan at chance is wala kang maaning palay, pag binunot niya ang mga damo, kasamang mabubunot din ang mga palay dahil sala sala pati ugat ng mga nyan

So no choice ginawa Nga ni God dahil malayo pa naman anihan, nilinis niya buong bukid at nagsimula uli ng bagong binhi

Kalaunan
lumago uli ang mga palay sa bagong bungkal na lupa, at nang kasamang tumubo uli ang mga damo, hinayaan niya na lang itong lumago kasama ng mga palay, dinagdagan niya na lamang ang abono na nakalaan rito upang di mag agawan sa sustansiya ng lupa, dahil mahal niya ang bukid na ito itinagubilin niya rin ito sa isang magsasaka upang siyang mangalaga at magpatubig dito at nang pagdating ng aniha'y makakatulong rin niya sa paghihiwalay ng mabuti at masamang binhi at pati na rin ng mga talahib na nakasamang tumubo sa Kanyang bukid.

Kaya nga minsan nasabi ko sa aking sarili "ako gagawa ng mabuti o maging mabuti sa mga taong masasama? Parang ang hirap yatang gawin o sundin." Pero para maging tunay na anak ng Diyos Ama dapat ko Siyang tularan. Napakatinding pag-ibig talaga nito. Kaya nga sana dapat nyong timbangin kung ano ang nagbibigay ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ang paniniwala ba ng mga propeta na mabuti ang Diyos sa mabubuti at masama sa masasama o ang turo ng Panginoong Jesus na mabuti ang Diyos sa mabubuti gayundin sa masasama. Ang Panginoong Jesus ay hindi kailanman magsisinungaling tungkol sa Ama. Puso ang dapat ginagamit sa pagbabasa ng Biblia upang malaman ang katotohanan tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Salamat.

Kailangan mo rin po ng wisdom, hanapin nyo lang nakasulat po
 
Last edited:
Ang pagbaha sa panahon ni Noe at pag-ulan ng apoy sa panahon ni lot ay pinaniniwalaan kong isang natural disaster at hindi gawa o kalooban ng Diyos. Ang natural disasters ay bahagi na ng mundong ating ginagalawan. Ang pagbaha na katulad sa panahon ni Noe ay may katulad na ring nangyari noong 1861 sa central at southern california. Ang Noe megaflood ay may 40 days rainfall and 5 months underwater samantalang ang California megaflood ay 43 days rainfall (w/ storm) and 6 months underwater. Ang California megaflood ay mas matindi pa nga sa nangyari nung panahon ni Noe ngunit hindi naman nagbaha sa buong mundo. Nung panahon ni Noe ay di pa maunlad ang science & technology kaya paano nila masisigurado na nagbaha sa buong mundo. Ngunit nung panahon ng California megaflood ay meron ng telegraph na nagtatransmit ng information over a wire kaya nalaman na sa kanilang lugar lang nagbaha at hindi buong mundo. Itinuring ng mga taga california na ito'y isang natural disaster at hindi gawa o kalooban ng Diyos. Ayon naman sa Geological Survey of Israel na isa sa mga corresponding author of research article about Sodom and Gomorrah, the fires are created by ignition of combustible gases by earthquake-impelled thermobaric-hydrothermal explosions. Ito ang sinasabing dahilan ng pagkasira ng lugar ni lot na masasabing isang natural disaster at hindi gawa o kalooban ng Diyos.

Sang-ayon naman ako na utos sa panahon ng kristiyano ang "ibigin ang inyong mga kaaway". Ngunit may idinagdag pang salita ang Panginoong Jesus nang sabihin Niya ang utos na ito. Sa ebanghelyo ni Mateo Sinabi nga Niya "ibigin ninyo ang inyong mga kaaway" at idinagdag pa Niya "upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit" at idinagdag pa Niya "Sapagkat pinasisikat Niya ang Kanyang araw sa mabubuti at sa masasama, at nagpapaulan sa mga ganap at hindi ganap". Sa ebanghelyo naman ni Lucas idinagdag Niya "sapagkat Siya'y magandang-loob (mabuti) sa mga walang turing at sa masasama". Si Cristo mismo ang nagsabi nito. Magsisinungaling ba ang Bugtong na Anak tungkol sa katangian ng Ama? Ibig lamang Niyang iparating sa Kanyang sinabi "Upang kayo'y maging mga anak" dahil kung ano ang Ama ay dapat ding tularan ng Kanyang mga anak, na iniibig ng Ama ang Kanyang mga kaaway. Na mabuti Siya sa mabubuti gayundin sa masasama.

Sabi pa ni Cristo, "kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin?" (Lucas 6:32-33)

Ibig ngang iparating ng Panginoong Jesus sa atin na hindi lamang ang mga umiibig sa atin ang dapat nating ibigin kundi pati mga hindi umiibig sa atin. At hindi lamang ang mga gumagawa ng mabuti sa atin ang dapat nating gawan ng mabuti kundi pati ang masasama rin. Na maging mabuti tayo hindi lang sa mabubuti sa atin kundi pati sa masasama rin. Dahil ganoon ang Ama, na mabuti Siya sa mabubuti gayundin sa masasama.

Kaya nga minsan nasabi ko sa aking sarili "ako gagawa ng mabuti o maging mabuti sa mga taong masasama? Parang ang hirap yatang gawin o sundin." Pero para maging tunay na anak ng Diyos Ama dapat ko Siyang tularan. Napakatinding pag-ibig talaga nito. Kaya nga sana dapat nyong timbangin kung ano ang nagbibigay ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ang paniniwala ba ng mga propeta na mabuti ang Diyos sa mabubuti at masama sa masasama o ang turo ng Panginoong Jesus na mabuti ang Diyos sa mabubuti gayundin sa masasama. Ang Panginoong Jesus ay hindi kailanman magsisinungaling tungkol sa Ama. Puso ang dapat ginagamit sa pagbabasa ng Biblia upang malaman ang katotohanan tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Salamat.

Ito links sa California Megaflood at Sodom and Gomorrah research article.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Ano naman ang masasabi mo noong nahati ang dagat na pula para makadaan ang mga esraelita at noong sinundan sila ng mga ehipcio nalunod pati si faraon ng ibalik ito ni moises.natural desater din ba yon?namatay lang pala si faraon at yong mga kawal nya sa natural dissaster at walang kinalaman ang Dios doon

Ok lang brad.magkaiba talaga tayo ng Dios na sinasamba yang dios mo walang kapangyarihan sa nature,mula kay adan hanggang sa panahon na ito all natural lang para sayo ang mga pangyayari simula ng likhain ang tao.

Buti pa si kristo nakapaglakad sa dagat at may kapangyarihang patigilin ang sungit ng panahon sa pamamagitan lang ng salita.tapos yong pagbaha at pagulan ng apoy di magagawa ng Dios?
 
Exodo 7:1 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Tingnan mo, ginawa kitang dios kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta.

Sinabi nga ng Diyos Ama na ginawa Niyang Diyos si Moises kay Faraon at si Aaron ang kanyang propeta. Kaya anumang sinabi o ginawa ni Propeta Moises ay pinaniniwalaan nilang sinabi o ginawa rin ng Diyos dahil ginawa siyang Diyos. Kapangyarihan nga ng isang Diyos ang ginamit ni Propeta Moises para mahati nya ang dagat. Pero kasalanan na ng mga ehipcio at faraon kung bakit sila nalunod. Kahit alam nilang delikado at maaaring ibalik na ni Moises sa dati ang dagat ano mang oras ay tumuloy pa rin sila. Kaya ang pagkalunod ng mga ehipcio at faraon ay hindi kalooban ng Diyos.

Kung ganun sana pala pinatigil ng Diyos ang pagdating ng bagyong yolanda para wala ng maraming namatay pa. Kasalanan pala ng Diyos. Sana pala pinatigil Niya ang deadly earthquake sa Japan upang di na nagkaroon pa ng tsunami para wala ng maraming namatay pa. Kasalanan pa rin ng Diyos. Sana pala pinatigil ng Diyos ang mga deadly tornadoes gaya sa bansang America para wala ng mga namatay pa. Kasalanan ulit ng Diyos. Sana pala pinatigil ng Diyos ang mga deadly volcanic eruptions para wala ng mga namatay pa. Kasalanan ulit ng Diyos. Sana pala pinatigil ng Diyos ang hailstorms para wala ng mga namatay pa. Kasalanan ulit ng Diyos. Sana pala pinatigil ng Diyos ang malakas na kidlat para yung isang taong naglalakad ay di namatay sa tama ng kidlat. Kasalanan ulit ng Diyos. Lumalabas kasalanan pala ng Diyos ang pagkamatay ng lahat ng mga tao dahil hindi Niya nagawang patigilin o pigilan ang mga bagay na ito. Isisi natin lahat sa Kanya para lumabas na Siya ay walang pakialam at masamang Diyos. Yun ba ang gusto mo? Hindi ko kayang tanggapin yan.
 
Kung gayon lubos nyo palang nakikilala ang kalooban ng Diyos dahil sa Panginoong Hesukristo, at pag-ibig at puso ang kailangan para makilala Ang Kanyang Salita, kung gayon nga, sa pamamagitan ng Salita ay napakalma ng panginoong Hesus ang nagngangalit na bagyo sa laot,

Kung ganun nga kalooban ng Diyos na iligtas ang mga apostol sa bagyo

Sa trahedya ng bagyong Yolanda, sa isang Salita Niya ay mapapakalma o kundiman man lubos ay mapapahina niya ang daluyong ng bagyo at Alon sa dagat ng Tacloban dahil sa pag ibig niya maging sa mabubuti at masasama, bakit naganap pa rin trahedyang ito? Asan ang pag ibig at puso?
 
Kung ganun sana pala pinatigil ng Diyos ang pagdating ng bagyong yolanda para wala ng maraming namatay pa. Kasalanan pala ng Diyos. Sana pala pinatigil Niya ang deadly earthquake sa Japan upang di na nagkaroon pa ng tsunami para wala ng maraming namatay pa. Kasalanan pa rin ng Diyos. Sana pala pinatigil ng Diyos ang mga deadly tornadoes gaya sa bansang America para wala ng mga namatay pa. Kasalanan ulit ng Diyos. Sana pala pinatigil ng Diyos ang mga deadly volcanic eruptions para wala ng mga namatay pa. Kasalanan ulit ng Diyos. Sana pala pinatigil ng Diyos ang hailstorms para wala ng mga namatay pa. Kasalanan ulit ng Diyos. Sana pala pinatigil ng Diyos ang malakas na kidlat para yung isang taong naglalakad ay di namatay sa tama ng kidlat. Kasalanan ulit ng Diyos. Lumalabas kasalanan pala ng Diyos ang pagkamatay ng lahat ng mga tao dahil hindi Niya nagawang patigilin o pigilan ang mga bagay na ito. Isisi natin lahat sa Kanya para lumabas na Siya ay walang pakialam at masamang Diyos. Yun ba ang gusto mo? Hindi ko kayang tanggapin yan.

Hindi ko maaring sisihin ang Dios kung may nakikitil na buhay dahil sa mga natural dissaster alam mo kung bakit?

Mat.10:29 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:

Kung yong mga maya hindi mahuhulog sa lupa kung wala ang pahintulot ng Ama ang tao pa kaya?

Sasabihin mong namatay ang mga taong yan dahil sa mga natural dissaster eh teka muna lumalabas ikaw ang sumisisi sa Dios bakit?sino ba ang lumikha sa naturalisa,di ba ang Dios?sino ba lumikha sa kalikasan diba ang Dios.sasabin mo namatay sa natural na paraan ang mg taong binanggit mo eh di lumalabas ang Dios ang sinisisi mo.kung nangyari man sa kanila yan yon ay dahil niloob ng Dios

Deut.32:39 Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.

Bakit ko sisihin ang Dios eh..nasa kanya ang lahat ng karapatan panyarihin ang nasa ng kalooban nya tandaan nyo po hindi mahuhulog ang maya kung hindi nya loloobin.

Bakit may mga lindol at iba pang trehedya na nangyayari sa mundo.ano ang gustong iparating ng Dios nito sa tao.

Job.9:5 Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.

Job.9:6 Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig.

Ayan maliwanag...nagagalit ang Dios.kung may nakikitil man na buhay sino tayo para humatol na mali ang ginagawa nya.ikaw ba brad?bakit may kakayahan kaba ng alamin ang nasa puso ng tao?kahit si satanas walang kapangyarihang alamin kung ano nasa puso mo.

Jer.17:10 Akong Panginoon, ay sumisiyasat ng pagiisip, aking tinatarok ang mga puso, upang magbigay sa bawa't tao ng ayon sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain.
 
Last edited:
Exodo 7:1 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Tingnan mo, ginawa kitang dios kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta.

Sinabi nga ng Diyos Ama na ginawa Niyang Diyos si Moises kay Faraon at si Aaron ang kanyang propeta. Kaya anumang sinabi o ginawa ni Propeta Moises ay pinaniniwalaan nilang sinabi o ginawa rin ng Diyos dahil ginawa siyang Diyos. Kapangyarihan nga ng isang Diyos ang ginamit ni Propeta Moises para mahati nya ang dagat. Pero kasalanan na ng mga ehipcio at faraon kung bakit sila nalunod. Kahit alam nilang delikado at maaaring ibalik na ni Moises sa dati ang dagat ano mang oras ay tumuloy pa rin sila. Kaya ang pagkalunod ng mga ehipcio at faraon ay hindi kalooban ng Diyos.

Para sa inyo kasalanan ng mga ehipcio kung bakit sila nangamatay oh sege ganito baguhin natin yong nangyari una nahati yong dagat at nakatawid yong mga esraelita ang babaguhin natin sa nangyari eh hindi na bumalik yong dagat at yong mga ehipcio ay nakatawid.sa palagay nyo ano kasunod na nangyari?yong mga esraelita naglakbay ng naglalakad lang at itong mga ehipcio naka karuwahi habang sila ay hinahabol....diba napakalupit naman nangamatay ang mga esraelita o maaaring bumalik uli sila sa pagkaalipin eh ang gusto nga ng Dios maalis na sila pagkaalipin paano mong sasabihin na hindi kalooban ng Dios na mamatay ang mga ehipcio.eh kaya nga bumalik yong dagat eh para lipulin ang mga humahabol.sasabihin ba nating hindi yon niloob ng Dios?

Tanungin uli kita alam ba ng mga ehipcio na tatabunan sila ng dagat? Sa malamang hindi alam nyo kung bakit?hindi sila tatawid para habulin sila.ang gusto talaga ng mga ehipcio ay mahabol sila.kaya nga sila tumuloy dahil di nila alam na babalik yong dagat.

Para sa akin kailangan gawin ng Dios yon para matupad ang ipinangako nya kay abraham na pupunta sila sa lupang pangako.matutupad ba yon kung hindi niloob yon ng Dios? at isa pa ano ang naging pagkakilala ng mga mga tao noon sa nasaksihan nila.naipakita ng Dios sa kanila na mas makapangyarihan syang Dios kaysa sa mga sinasamba nila.
 
Last edited:
Ang Diyos ay Espiritu, hindi siya after sa flesh dahil Siya nga ay Espiritu, kaya masasabing hindi nga Siya humahatol sa tao ayon sa laman, dahil magsusulit lamang ang tao sa kanya (lalo na yung mga nasa labas) sa Last great white throne judgment pag wala na ang heaven and Earth nun, ofc sa souls of the dead na Siya hahatol hindi na nga yun tao kundi spirit/soul na lang sila at ang mabibigyan lang ng katawang eternal ay yung mga magtatagumpay para sa itatatag na new heaven and earth
Sang-ayon ka rin naman pala na hindi nga humahatol ang Ama sa kanino mang tao. Yun naman ang sabi ni Cristo. Kaya dapat ka ngang sumang-ayon. Bugtong na Anak ang nagsabi napakalinaw naman. So yung mga namatay sa baha at pagkawasak ng Sodom at gomorrah ano ba sila sa iyong palagay? Hindi ba mga tao pa sila. Hindi pa naman sila mga espiritu na gaya ng sinasabi mo na sa souls of the dead na hahatol ang Diyos. Kung mga tao pa sila na pinatay sila ng Diyos sa baha ano bang tawag mo dun? Di ba paghatol na yun dahil pinatay sila ng Diyos habang sila'y tao pa. Kaya yung pinatay ng Diyos ang mga tao sa baha ay wala talagang katotohanan. Dahil sabi nga ni Cristo, hindi humahatol ang Ama sa kanino mang tao. I repeat "kanino mang tao".

Galacia 5:19-23 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, 21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. 22 Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, 23 Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

Hayag ang mga gawa ng laman ayon kay apostol Pablo. Ano nga palang sabi mo? Ang Diyos ay espiritu. I agree with you. Tama ka kasi wala Siyang laman.
 
20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. 22 Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, 23 Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

Hayag ang mga gawa ng laman ayon kay apostol Pablo. Ano nga palang sabi mo? Ang Diyos ay espiritu. I agree with you. Tama ka kasi wala Siyang laman.

Brad, halatang di ka umuunawa sa mga commment binabasa mo lang.di mo maunawaan ang salitang "hindi humahatol ang Dios sa kaninoman" at binasa mo ito sa bagong tipan eh sa bagong tipan mo rin mababasa na "sa labas Dios ang humahatol"

I cor. 5:13 Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.

Oh di kontradiksyon na yan sa sinasabi mo at kung hindi totoo ang pangyayari sa panahon ni noe at kay lot bakit binanggit ni san pablo ang pangyayaring yon sa mga sulat nya

Heb. 11:7 Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya.

Ayan bro.malinaw...hinatulan!!!!
 
Last edited:
kahit anong pilit na aral sa mga
Atheist
hindi parin nila matanggap at lalong ayaw nila tanggapin na may panginoon unggoy kasi sila
 
Sang-ayon ka rin naman pala na hindi nga humahatol ang Ama sa kanino mang tao. Yun naman ang sabi ni Cristo. Kaya dapat ka ngang sumang-ayon. Bugtong na Anak ang nagsabi napakalinaw naman. So yung mga namatay sa baha at pagkawasak ng Sodom at gomorrah ano ba sila sa iyong palagay? Hindi ba mga tao pa sila. Hindi pa naman sila mga espiritu na gaya ng sinasabi mo na sa souls of the dead na hahatol ang Diyos. Kung mga tao pa sila na pinatay sila ng Diyos sa baha ano bang tawag mo dun? Di ba paghatol na yun dahil pinatay sila ng Diyos habang sila'y tao pa. Kaya yung pinatay ng Diyos ang mga tao sa baha ay wala talagang katotohanan. Dahil sabi nga ni Cristo, hindi humahatol ang Ama sa kanino mang tao. I repeat "kanino mang tao".

Galacia 5:19-23 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, 21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. 22 Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, 23 Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

Hayag ang mga gawa ng laman ayon kay apostol Pablo. Ano nga palang sabi mo? Ang Diyos ay espiritu. I agree with you. Tama ka kasi wala Siyang laman.
Hindi mo nga talaga inunawa yung talinghaga malinaw naman, hindi ba?

simplehan natin ha
lahat ba ng namatay sa baha masama, di ba hindi? May mga bata at sanggol at nasa sinapupunan pa, namatay silang lahat sa baha dahil hindi sila nakagawa ng daong na ipinayo at ipinagpauna na ni Noe na gawin ng lahat ng Taong gustong maligtas sa darating na baha, they were all forewarned for years prior to the flood but they did not believe Noah Kasi Sabi nila kalokohan yan!, sa California nga umulan ng 43days di naman lumampas sa mt. Everest ang tubig, it's against sa laws of nature daw, di papasa sa law of physics yang sinasabi ni Noah, kaya ayun si Noah na rin humatol sa kanila,

paanong hinatulan sila ni Noah?
simple explanation, hindi na niya napapasok sa daong yung mga taong palangoy langoy nung mataas na yung tubig, dahil sarado na tarangkahan, at pag binuksan niya naman ay papasukin ng tubig ang arko.

Sa diyos naman
Ang tanong pano ba humatol ang Diyos?
Kung inunawa mo ng lubos ang pag-ibig ng diyos, maiintindihan mo sana yung talinghaga sa taas

hindi kahatulan sa kaluluwa ng lahat namatay sa baha ang baha at ang pagkamatay ng mga katawang lupa nila ay hindi kaparusahan ng Diyos, ganun din ang mga nasunog at biktima ng pagkawasak ng Sodoma at Gomorrah.

Hindi kaparusahan ng Diyos? (nagpapatawa ba ako? Hindi!)

Hindi kasi...
Ang hatol ng diyos sa espiritu, dahil lahat ng nabuhay at nabubuhay na may kaluluwa at espiritu ay magsusulit sa kanya, kahit yung mga 'nasa labas'.

At hatol niya sa mga yan ay either buhay na walang hanggan o kamatayang walang hanggan ayon sa Espiritu (kaluluwa-hindi laman) sa dagat dagatang apoy.

Ngayon bakit siya pumatay sa baha at sa Sodoma, balikan mo yung talinghaga baka may maunawaan ka pa, idagdag mo na rin ito...

nagtanim ka ng puno, binahayan ito ng mga peste at ansama ng bunga, at yung mangilan ngilang bunga ay pinamumugaran ng insekto at ang iba'y tinutuka ng mga ibon, kalaunan samu't saring moss at ferns din ang umusbong sa mga sanga at tumakip sa mga dahon nito at kalaunan naging infested nga ang puno, isang magsasaka ka kaya't alam mo di mabuti eto dahil marami ring kalapit puno ang apektado at maaapektuhan pa ng infestation, ano gagawin mo?

Mabisang paraan ay putulin mo ang puno hanggang tuod nito malay mo umusbong uli ito ng malusog at mamunga ng sagana.

Tanong ko sa yo, ang pagputol mo ba sa puno ay kaparusahan sa puno?

Ibahin ko perspective...

Kaya nga sinasabi ang Diyos nga ay pumapatay, ngunit di tulad ng masama, pumapatay siya ayon sa katwiran at katarungan.

Pinatay nga niya sa baha ang mga tao, ngunit hindi iyan ang parusa, dahil ang parusa o reward (hatol ) ng diyos sa lahat ay makakamit pa sa wakas ng lupa.

Simplehan na natin

Pumatay nga ang diyos sa baha, ngunit hindi ibig sabihin na yun ay kaparusahan sa mga into

Ang pagpatay na yan ay masasabing krimen o hindi komporme sa verdict o hatol ng korte sa huling araw, makakaasa naman tayo sa Salita ng diyos dahil matuwid naman ito sa pagbaba ng hatol, pantay pantay na lahat dun kahit diyos ka pa walang immunity at exception, pede dun idemanda si god ng crime against humanity diumano, at sasagutin niya lahat ng paratang sa kanya.

In short ang kamatayan sa laman ay hindi kaparusahan o hatol, bagkus ang kamatayan o pagkalagot ng hininga daw ay kabayaran lamang sa kasalanan o karumihan ng laman.

Ang kaparusahan at pabuya ng Diyos ay sa Espiritu makakamtan at yan ay sa huling araw pagkatapos maglaho ang langit, lupa at dagat, at lahat ng naririto. Ang iba'y sa buhay na walang hanggan sa, at any iba'y sa pangalawang kamatayang pang walang hanggan (spiritwal na kamatayan).

Kaya do not fear those who kill the body but cannot kill the soul. Rather fear him who can destroy both soul and body in hell.
 
Last edited:
Brad, halatang di ka umuunawa sa mga commment binabasa mo lang.di mo maunawaan ang salitang "hindi humahatol ang Dios sa kaninoman" at binasa mo ito sa bagong tipan eh sa bagong tipan mo rin mababasa na "sa labas Dios ang humahatol"

I cor. 5:13 Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.

Oh di kontradiksyon na yan sa sinasabi mo at kung hindi totoo ang pangyayari sa panahon ni noe at kay lot bakit binanggit ni san pablo ang pangyayaring yon sa mga sulat nya

Heb. 11:7 Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya.

Ayan bro.malinaw...hinatulan!!!!
Hindi mo nga talaga inunawa yung talinghaga malinaw naman, hindi ba?

simplehan natin ha
lahat ba ng namatay sa baha masama, di ba hindi? May mga bata at sanggol at nasa sinapupunan pa, namatay silang lahat sa baha dahil hindi sila nakagawa ng daong na ipinayo at ipinagpauna na ni Noe na gawin ng lahat ng Taong gustong maligtas sa darating na baha, they were all forewarned for years prior to the flood but they did not believe Noah Kasi Sabi nila kalokohan yan!, sa California nga umulan ng 43days di naman lumampas sa mt. Everest ang tubig, it's against sa laws of nature daw, di papasa sa law of physics yang sinasabi ni Noah, kaya ayun si Noah na rin humatol sa kanila,

paanong hinatulan sila ni Noah?
simple explanation, hindi na niya napapasok sa daong yung mga taong palangoy langoy nung mataas na yung tubig, dahil sarado na tarangkahan, at pag binuksan niya naman ay papasukin ng tubig ang arko.

Sa diyos naman
Ang tanong pano ba humatol ang Diyos?
Kung inunawa mo ng lubos ang pag-ibig ng diyos, maiintindihan mo sana yung talinghaga sa taas

hindi kahatulan sa kaluluwa ng lahat namatay sa baha ang baha at ang pagkamatay ng mga katawang lupa nila ay hindi kaparusahan ng Diyos, ganun din ang mga nasunog at biktima ng pagkawasak ng Sodoma at Gomorrah.

Hindi kaparusahan ng Diyos? (nagpapatawa ba ako? Hindi!)

Hindi kasi...
Ang hatol ng diyos sa espiritu, dahil lahat ng nabuhay at nabubuhay na may kaluluwa at espiritu ay magsusulit sa kanya, kahit yung mga 'nasa labas'.

At hatol niya sa mga yan ay either buhay na walang hanggan o kamatayang walang hanggan ayon sa Espiritu (kaluluwa-hindi laman) sa dagat dagatang apoy.

Ngayon bakit siya pumatay sa baha at sa Sodoma, balikan mo yung talinghaga baka may maunawaan ka pa, idagdag mo na rin ito...

nagtanim ka ng puno, binahayan ito ng mga peste at ansama ng bunga, at yung mangilan ngilang bunga ay pinamumugaran ng insekto at ang iba'y tinutuka ng mga ibon, kalaunan samu't saring moss at ferns din ang umusbong sa mga sanga at tumakip sa mga dahon nito at kalaunan naging infested nga ang puno, isang magsasaka ka kaya't alam mo di mabuti eto dahil marami ring kalapit puno ang apektado at maaapektuhan pa ng infestation, ano gagawin mo?

Mabisang paraan ay putulin mo ang puno hanggang tuod nito malay mo umusbong uli ito ng malusog at mamunga ng sagana.

Tanong ko sa yo, ang pagputol mo ba sa puno ay kaparusahan sa puno?

Ibahin ko perspective...

Kaya nga sinasabi ang Diyos nga ay pumapatay, ngunit di tulad ng masama, pumapatay siya ayon sa katwiran at katarungan.

Pinatay nga niya sa baha ang mga tao, ngunit hindi iyan ang parusa, dahil ang parusa o reward (hatol ) ng diyos sa lahat ay makakamit pa sa wakas ng lupa.

Simplehan na natin

Pumatay nga ang diyos sa baha, ngunit hindi ibig sabihin na yun ay kaparusahan sa mga into

Ang pagpatay na yan ay masasabing krimen o hindi komporme sa verdict o hatol ng korte sa huling araw, makakaasa naman tayo sa Salita ng diyos dahil matuwid naman ito sa pagbaba ng hatol, pantay pantay na lahat dun kahit diyos ka pa walang immunity at exception, pede dun idemanda si god ng crime against humanity diumano, at sasagutin niya lahat ng paratang sa kanya.

In short ang kamatayan sa laman ay hindi kaparusahan o hatol, bagkus ang kamatayan o pagkalagot ng hininga daw ay kabayaran lamang sa kasalanan o karumihan ng laman.

Ang kaparusahan at pabuya ng Diyos ay sa Espiritu makakamtan at yan ay sa huling araw pagkatapos maglaho ang langit, lupa at dagat, at lahat ng naririto. Ang iba'y sa buhay na walang hanggan sa, at any iba'y sa pangalawang kamatayang pang walang hanggan (spiritwal na kamatayan).

Kaya do not fear those who kill the body but cannot kill the soul. Rather fear him who can destroy both soul and body in hell.
Sa palagay ko kayo ang di umuunawa sa kasulatan at hindi ako. Inuulit ko, ang Bugtong na Anak mismo ang nagsabi na hindi humahatol ang Ama sa kanino mang tao. Kung ganun lalabas pang sinungaling ang Diyos? Dahil alam nating lahat na si Cristo ay isang Diyos. Ang pinaniniwalaan nyong pinatay ng Diyos sa baha ang mga tao ay maituturing pa ring isang hatol. Dahil ang pagpatay ay isang paghatol kahit ano pang sabihin nyo. Hindi humahatol ang Ama sa kanino mang tao; iniibig ng Ama ang Kanyang mga kaaway; mabuti ang Ama sa mga walang turing at masasama. Ayaw nyong paniwalaan kahit Diyos na ang nagpahayag ng mga ito.

Ok sige. Sabi ni San Pablo "datapwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol". Naiintindihan ko kung bakit nasabi ni San Pablo na humahatol ang Diyos. Dahil mababasa nga naman ito sa lumang tipan. Ngunit kung nung kanyang panahon ay napagsama-sama na ang 4 na ebanghelyo tungkol sa buhay at aral ni Cristo at nabasa niya ang lahat ng mga ito sa palagay mo ba ipangangaral pa rin ni San Pablo na humahatol ang Diyos sa kanino mang tao? Maniniwala siya sa salita ni Cristo dahil Diyos ang nagsabi nito. Kaya kontradiksyon talaga ito sa turo ng mga Propeta at sa turo ng Diyos.

Gusto mo isa pang kontradiksyon sa Biblia?

Mateo 10:28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.

Sabi ni treskia ang tinutukoy dito na dapat katakutan ay ang Diyos. Ngunit ano ang sabi nina apostol Juan at Timoteo:

1 Juan 4:18 Walang takot sa pag-ibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
2 Timoteo 1:7 Sapagka't hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.

Isa sa mga nais iparating nina apostol Juan at timoteo dito na hindi tayo dapat matakot sa Diyos. Dahil ang Diyos ay pag-ibig (walang takot sa pag-ibig) at hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng katakutan. Taliwas sa turo ng mga propeta na dapat matakot sa Diyos. Tapos sinasabi nyo na ang tinutukoy ng Panginoong Jesus na dapat nating katakutan ay ang Diyos sa Mateo 10:28. Sasabihin nyo sa'kin iba naman ang takot pagdating sa Diyos. Kahit sabihin nyo sa'kin na ang takot ay para naman sa Diyos wala pa ring pagkakaiba dahil nandyan pa rin ang salitang "takot". Ang pag-ibig at takot ay di naman magkasingkahulugan. Ito ay maliwanag na kotradiksyon sa turo ng mga apostol kung ang tinutukoy ng Panginoong Jesus na dapat katakutan ay ang Diyos. Ngunit hindi naman talaga ang Diyos ang tinutukoy ni Cristo na dapat katakutan kundi ang diablo.

Idinugtong pa ng Panginoong Jesus:
Mateo 10:29 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:
Mateo 10:31 Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.

Sinabi ni Cristo matakot tapos idinugtong naman Niya huwag matakot? Matatakot ka talaga sa diablo kung wala kang pananalig o pagtitiwala sa Diyos. Ngunit sinabi nga ni Cristo huwag matakot dahil higit tayong mahalaga kaysa mga maya na hindi tayo pababayaan ng Diyos laban sa mga gawain ng diablo kung tayo'y patuloy na mananalig o magtitiwala sa Kanya.

At isa pa, ano ba ang inutos ng Diyos sa Kanyang unang utos? Ang sinabi lamang doon ay "ibigin ang Diyos". Kung talagang gusto ng Diyos na magkaroon tayo ng takot sa Kanya sana sinabi na lang Niya "ibigin at katakutan ang Diyos" sa unang utos. Ngunit ibigin at hindi matakot ang kalooban ng Diyos sa Kanyang unang utos.

Ngayon ulitin ko ulit tanong ko sa inyo, batay sa unang utos ng Diyos at aral nina apostol Juan at Timoteo, dapat nga ba tayong magkaroon ng takot sa Diyos?
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 443
    Replies
  • 8K
    Views
  • 96
    Participants
Last reply from:
ChristianNaitsirhc

Online statistics

Members online
1,312
Guests online
3,787
Total visitors
5,099
Back
Top