Ang Panginoong Jesus na ang nagsabi, "kung ang iniibig ninyo ay yung mga umiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin"? Sa kabila ng mga ginawang pagpapahirap at pagpako sa Kanya sa Krus ng mga pinunong bayan nagawa ba Niyang sila'y kamuhian? Bagkus inibig pa rin Niya ang Kanyang mga kaaway at nagawa pa Niyang idalangin sa Ama na sila'y patawarin sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa (Lucas 23:34). Kanino pa ba makukuha ng Panginoong Jesus ang katangiang ito na pag-ibig sa kaaway? Walang iba kundi sa Ama. Sapagkat anumang bagay na ginagawa ng Ama, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan (Juan 5:19)
Sinabi mo "lahat ng nabuhay at nabubuhay na may kaluluwa ay magsusulit sa Kanya". Hindi naman lahat magsusulit sa Kanya sa huling araw kundi yun lang mga nasa labas ng kaharian ng langit. Magsusulit pa rin ba sa Diyos ang mga kaluluwang nasa loob na ng kaharian ng langit? Hindi na dahil lahat ng mga nasa loob ng kaharian ng langit ay mayroon ng buhay na walang hanggan. Alam nating lahat na walang nakakaalam kung kailan ang judgement day kundi ang Ama lamang. At alam din nating lahat na ang hatol na gagamitin ng Panginoong Jesus sa huling araw ay ang salitang Kanyang sinalita (Juan 12:48).
Wag na kayong makipagtalo dahil ang Panginoong Jesus na ating Diyos ang nagsabi nyan. Sa madaling sabi, ang hahatol sa lahat sa huling araw ay ang "Salita ng Diyos". Kung utos ng Diyos na huwag papatay ngunit mamamatay-tao yung tao, yun ang panghahatol sa kanya kaya't di siya makakapasok sa kaharian ng langit. Ikinalulungkot ng Diyos ang sinuman na mapunta sa impyerno dahil hindi naman ito kalooban ng Kanyang pag-ibig. Ngunit paano ang isang taong namatay na hindi pa naabutan ang judgement day? Mananatili pa ba ang kanyang kaluluwa sa mundo habang hinihintay ang judgement day ng Diyos kung sa kaharian ng langit o sa impyerno siya mapupunta? Kung ganun ang sitwasyon eh di ang mundo ay punung-puno na ng mga kaluluwang naghihintay ng judgement day. Kung ang isang taong masama ay dumating sa kanya ang oras ng kamatayan na hindi nagbalik-loob sa Diyos ay may susundo sa kanya maaaring si satanas o kanyang kampon upang dalhin siya sa impyerno. Gayundin sa isang taong mabuti na naging masunurin sa Diyos ay may susundo sa kanya maaaring isang anghel o mahal sa buhay na anghel rin upang samahan siya papunta sa kaharian ng langit. Kaya nga may tinatawag na mga sundo. Yun na ang hatol kung sa kaharian ng langit o sa impyerno siya mapupunta. Hindi na nila kailangang maghintay pa ng judgement day.
Tungkol naman sa judgement day, alam nating lahat na ang impyerno kung saan naroon ang dagatdagatang apoy ay isang lugar ng paghihirap dahil ito ang kaharian ng diablo kung saan siya at kanyang mga kampon ang nagpapahirap sa mga kaluluwang nadala nila dito. Dahil likas na sa diablo ang magpahirap at pumatay. At alam din nating lahat na ang mga taong masasama na di nagbalik-loob sa Diyos ay dito napupunta. Ang diablo ang tinutukoy ni Cristo na katakutan na pumapatay ng katawan at kaluluwa sa impyerno. Ang diablo ang magpapahirap at papatay sa mga kaluluwa sa impyerno. Hindi ang Diyos. Dahil hindi likas sa pag-ibig ng Diyos ang magpahirap o pumatay sa sinuman.
Hala kakaibang twisted na mga turo toh ah,
Lahat nga ng kaluluwang buhay at patay(natutulog) ng mga taong namatay at mamamatay ay magsusulit nga sa Salita Ng Diyos samakatwid ay sa Diyos nga. Ngunit Di lahat nga ay hahatulan sa dagat dagatang apoy at merong mga nasa Iglesya (sa loob) ng kaharian nga ang pumasa sa pagsusulit na yan, sila nga ay ligtas o exempted na sa last judgment dahil alam mo ba kumbakit? Dahil boardpasser na sila sa lupa pa lang
![Beaming face with smiling eyes :grin: 😁](/styles/jp_70/1f601.png)
![Smiling face with sunglasses :sunglasses: 😎](/styles/jp_70/1f60e.png)
Ang impyerno naman ay hindi kaharian ng diyablo at wala siyang luklukan dun okay!? Walang kapangyarihan ang diyablo at satanas at mga kampon niya pati mga bulaang propeta niya sa mga kaluluwang nanduon katunayan magkakasama at pantay pantay nga silang PARURUSAHAN duon, bihag na nga sila ng dagat dagatang apoy at forever silang napailalim sa kapangyarihang nito(buti pa pala ang dagat dagatang apoy may kapangyarihan sa kanila duon), dahil hindi na nga umiiral ang kapangyarihan ng espiritu ng pag-ibig ng Diyos duon kundi ng poot nga.
To follow ko na lang yung comment ko sa kakaibang turo mo about sa 'sundo' thingy ha, wala pa akong nabasa sa scriptures about on that same old brand new na aral mula sa yo
![Smiling face with horns :smiling_imp: 😈](/styles/jp_70/1f608.png)
![Smiling face with halo :innocent: 😇](/styles/jp_70/1f607.png)
![Ghost :ghost: 👻](/styles/jp_70/1f47b.png)
Last edited: