She may not be Rapunzel but this female aswang from Philippine folklore has hair to die for...literally.
Sa lumang paniniwala ng mga Karay-a sa Probinsya ng Iloilo, may isang uri ng babaeng aswang na lumalabas pagkagat ng dilim bilang gumagapang na kumpol ng buhok. Binabalot nito ang taong makakasalubong at sinasakal gamit ang kanyang mayabong na buhok. Ang nasabing mga buhok ay may masangsang na amoy at parang mga ahas na gagapang papasok sa mata, ilong, at bibig ng biktima para hindi ito makahinga at mawalan ng malay. Habang nakikipagbuno ay hihigupin ng aswang ang dugo at lakas ng biktima hanggang sa maging isang buto't balat na bangkay ang biktima. Takot sa apoy ang nasabing aswang. Ang ibig sabihin ng "gumon" sa Hiligaynon (wika ng mga taga Iloilo) ay "buhol-buhol".
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.