What's new

Poems Araw ng mga Puso

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,954
Solutions
6
Reaction
66,410
Points
16,634


Tumatak na sa bawat isipan
tuwing araw ng mga puso,
madalas ang nagdiriwang ay pawang
mga magnobya't nobyo lamang,
kaya tuloy kalimitan ay
naghahangad ng mapupusoan,
natatakot na sa araw na iyon
ay mapag iwanan,

Wag naman sana nating kalimutan ,
na ito ay para sa lahat ,para sa
buong pamilya ,at mga kakilala
kaibigan man o tropa,
lahat naman maaring magdiwang,


Mag isa ka man o maramihan ,
di ka pa rin kawalan,
dahil ang tunay na diwa nito,
ang pagbibigay oras at halaga
sa iyong sarili ,
o sa mga taong malapit sa iyo,


Wala ka mang matanggap na
materyal na bagay,ang importante
ay oras mo sa kanila na binigay
sapat na yun at di matutumbasan
ng anumang halaga o pera.











❤️~Professora Akira~❤️

 
Last edited:
Untitled design (2).png
happy valentines day sa inyo enjoy nyo lang today di naman masakit while me
 

Attachments

Back
Top