What's new

Any questions about bible?

Status
Not open for further replies.
Bakit sa verse na yan ko lang ililimit Ang perspective ko, e kung babasahin mo buong volume ng bibliya at isama mo pa iba pang aklat na extra biblical napakarami pang patayan ang naganap bakit di mo matanggap na ang kumitil at mag alay ng sariling buhay ay proseso lang ng uniberso at paglikha, when God created the beast of the field he sees it to be good, nung nilikha ng Diyos ang Leon Nakita niyang mabuti eto, nilikha niya rin ang mga tupa at mga kambing at iba pang hayop at sinabi niyang ito'y mabuti, ibig sabihin ba ng mabuti dyan na kapag pinaslang ng gutom na Leon Ang mga tupa at kambing, e nagkamali Ang diyos sa pagsabing mabuti Ang lahat ng kanyang nilikha?

Ang pagkagutom ng Leon ay napaparam sa pamamagitan ng pagpaslang sa kawawang tupa di ba? At pagnapawi na ang paghahari ng Leon at pinawian na ito ng buhay di ba't Ang labi nito ay nagsisilbi Rin namang pataba sa lupa na tinutubuan ng mga damo na siya rin namang pagkain ng mga bagong tupa, nasan ang katarungan at hustisya? Diyos lang makakapagsabi kung kailan mabuti Ang isang bagay at kung kailan ito makakasama, dahil mga banal niya lang makaka witness ng hustisya ng Diyos, una dahil binigyan sila ng liwanag at buhay na walang hanggan at karunungan. Kung gusto mo maging banal walang pumipigil sa yo magpakabanal ka, pero Hindi ibig sabihin na may gabay ka ng espiritu e Wala ka nang kasalanan at di ka na magkakasala o magkakamali dahil una nabubuhay ka pa sa laman, at lahat ng makalaman at maging mga anghel ata ni minsan hindi nakakapasok sa dakong kabanalbanalan na syang kinaroroonan ng most holy of holies!
So sinasabi mo ang isang banal na nilikha ng Diyos gaya ng anghel ay nagkakasala din? Ang mga anghel ay hindi nabubuhay sa laman dahil mga espiritu sila at pinabanal ng Diyos kaya malayo ang sinasabi mong ang mga anghel ay pwede ring magkasala sa langit. Ang kaharian ng langit ay sagrado o banal na lugar. Ito ay nilikha ng Diyos para lamang sa mga banal kaya nananatili at mananatiling banal ang sinumang naroon. Nabanggit nga ni Cristo na ang kaharian ng langit ay walang naninirang ***** at kalawang at walang nakapapasok na magnanakaw (Mateo 6:20). Sinasabi lamang ni Cristo na walang anumang maninira o masama (magnanakaw) na maaaring magdulot ng kasamaan o kasalanan ang nakapapasok sa kaharian ng langit. Kaya hindi pwedeng manakaw sa mga anghel ang kanilang kabutihan sa puso sa kaharian ng langit. Kaya ang ipinahayag ng mga propeta na nagkakasala rin ang mga anghel ay taliwas sa turo ni Cristo.

Naniniwala kang pumapatay ang Diyos ng masasama. Pero naniniwala ka rin sa mga salita ni Cristo. Sabi ni Cristo ibigin hindi lang mga umiibig sa atin kundi pati mga walang pag-ibig sa atin, na maging mabuti hindi lang sa mabubuti sa atin, kundi pati sa masasama sa atin, ibigin ang kaaway at gawan ng mabuti at tayo'y magiging mga anak ng kataas-taasan sapagkat ang Diyos ay magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama (Lucas 6:32-35). Sapagka't pinasisikat Niya ang Kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap (Mateo 5:45). Hindi ba't napakalinaw na sa mga aral ni Cristo rito ay kasama ring ipinahayag Niya ang kalikasan o katangian ng Ama. Sinasabi lamang ni Cristo na ang pag-ibig at kabutihan ng Diyos ay hindi lang para sa mabubuti kundi para sa masasama rin. At sa pagtulad natin sa Ama ay naipapakita nating tayo'y Kanyang mga anak. Kaya nga, kung may isang taong maraming nagawang kasalanan sa'yo at masasabi mong isang kaaway, hindi mo ba siya magagawang ibigin gaya ng turo ni Cristo? Hindi mo ba siya kayang gawan ng mabuti sa kabila ng mga kasamaan niya? Ang pag-ibig mo ba ay inilalaan mo lang sa mga taong umiibig sa'yo? At ang kabutihan mo ba ay inilalaan mo lang din sa mga taong mabubuti sa'yo? Kung may matinding kasalanan ang isang tao at karapat-dapat makulong sa bilanggguan, ikulong. Pero hindi ibig sabihin ay wala na tayong pakialam sa kanila. Itinuro din sa atin ni Cristo na dalawin ang mga nakabilanggo (Mateo 25:36). Kahit sila ay nasa bilangguan dahil sa kanilang kasamaan ay maibahagi pa rin natin ang ating pag-ibig sa kanila sa pamamagitan ng dasal at paggawa ng kabutihan sa kanila upang tulungang sila'y magsisi at magbalik-loob sa Diyos. Dahil ganyan ang Diyos. Kahit batid ng Diyos na walang pag-ibig sa Kanya ang masasama at sa dami ng kanilang kasamaang nagawa, ay iniibig pa rin Niya ang mga ito. Gusto ng Diyos na magsisi at magbalik-loob sa Kanya ang masasama sa mabuting paraan. Kung papatayin o ipapapatay Niya ang mga ito, paano pa ito makakapagsisi at makakapagbalik-loob sa Kanya kung patay na. Kaya ang turo ni Cristo ang sandigan ko kung bakit hindi pumapatay ang Diyos ng masasama.
 
Last edited:
Basahin niyo na lang ang binigay kung link, tapos na ako sa mga nonsense na tanong, di ko kayo pipilitin kasi yan paniniwala niyo🙂
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top