He he. Talagang sineryoso mo na yang AI Art generation. 10 minutes? Ayos!
Tinigil ko na yan pero binabalikan kung may posts dito - pampalipas-oras. CPU-mode pa rin kasi ako sa SD na super-bagal to test other extensions for images "only" dahil sa limitations kaya sa collection ng AI websites na lang muna nagtagal para updated.
Doon sa nagtatanong sa post#23, di ko alam kung merong AI website na kumpletos rekados sa gagamting procedures para mapadali, pero pwede namang hiwalayin basta available siya. Hanap na lang sila ng:
1. "inpainting" app for animal ears, face, background or even props - online/offline
2. "faceswap" app - online/offline
3. "background changer" kung kailangan - online/offline kung di ka satisfied
4. "upscaler" - online/offline
Actually, kaya yan lahat ng Stable Diffusion. Maraming full featured free service like stablehorde at mga similar alternative sites. Yan yung mga providers online na nag-share ng hardwares nila pero ang catch madalas mag-intay ka ng turn mo. Sa diyescord, marami rin. Di ko na mabilang he he.
O, eto si baby-Jeff Untalan sa first post pag teenager na sya he he.
Ang base pic ko nasa civit.ai (magicmix). Ginamit ko yung SD A111 sa pc sa img2img/inpainting using AbsoluteReality-inpainting safetensor para lang dyan lang sa putris na "tenga" na inabot ng 15 minutes (cpu mode). Di ako makapanood ng video online pag naka-on yung AI server, kaya puro free AI online na lang for background change, faceswap at upscaling.